Chapter - 95

595 88 59
                                    

Mirasol

Hindi ko inaasahan na pagkatapos ng party ay may susunod pa pala kaming lakad ni Yuan kasama sina Xyren, Trisha, Patrick, Mico, Meggan, Dale at iba pang kaibigan ng mga ito. Sa EcoBar kami nagtungo at nagyabang pa si Dale na sagot daw nito ang lahat ng inumin sa gabing iyon. Tuwang-tuwa tuloy ang magkakaibigan.

Alas-tres na ng madaling araw at pinipigilan ko lang ang antok ko samantalang sila ay parang mga bago pa lang magpupuyat. Nakakailang din ang suot ko pero wala na kasing time para magpalit pa ng damit.

“Nasaan si Samuel? Bakit wala rito?” tanong ni Xyren kay Yuan.

“Inihahatid niya ang mga kapatid ni Mirasol. Susunod din iyon mamaya.”

“Hindi ko na inaya si Lucas. Ayokong umakay ng lasing!” tatawa-tawang dagdag pa ni Xyren. Malamang na plakda na ang lalaki. Lasinggero, eh.

Tatlong table ang inokupa namin dahil marami kami. Kakaupo pa lang ay nagsimula na agad silang uminom. Katabi ko si Trisha sa kanan at si Yuan naman sa kaliwa. Nakaakbay sa akin ang nobyo habang umiinom ng alak. Ladie’s drink lang ang ibinigay nila sa akin dahil hindi ko naman kayang makipagsabayan sa mga ito. Nakakabilib nga si Trisha, kakahulas lang nito sa nainom sa party tapos ay umiinom na ulit ngayon.

“Guys, isang cheers naman diyan! Para sa newly engaged couple natin!” mayamaya ay sigaw pa ni Dale sa lahat na sinunod naman ng mga ito.

Ngingiti-ngiti lang ako sa mga tao. Iyong iba ay medyo natatandaan ko na ang pangalan. Lalo na si Rachelle na naroon din. Binati naman niya ako kanina at mukha naman itong sincere.

“Bakit hindi mo inaya si Shine, Mirasol?” tanong naman sa akin ni Patrick na ikinatigil ko. Naalala ko tuloy ang lahat at muli akong nakaramdam ng lungkot.

“H-hindi ko kasi alam na may next party pala. Hindi ko na pati siya nakita kanina sa hotel,” pagsisinungaling ko sabay inom sa aking wine glass.

“Huwag n’yo nang hanapin ang wala. Isa pa, mukhang hindi naman umiinom ang isang iyon, eh. Baka mag-KJ lang dito!” sabi ni Yuan.

“Ikaw kaya ang KJ minsan,” biglang saad ni Mico na ikinatigil ng lahat. Tila naman nabigla rin ang binata sa sinabi. Kung hindi pa humagalpak ng tawa si Dale ay hindi mawawala ang pagkailang ng dalawa.

“Tama si Mico. Si Yuan talaga ang pinaka-KJ sa amin!” sang-ayon pa ni Patrick na agad sinatik ni Xyren. Umirap lang si Yuan bago muling sumipsip sa baso niya.

Nang mapasulyap ako kay Meggan ay napansin ko na tila lagi itong nakadikit kay Mico. Naiilang na tuloy iyong isa.

“Sino kaya ang next na ikakasal?” patanong na wika ni Dale na may paghawak pa sa baba niya.

“Engaged pa lang, kasal na agad sa iyo?” si Patrick.

“I mean, kapag ikinasal na sina Kuya Yuan at Mirasol ay sino kaya ang susunod?” pagtatama ng binata.

“Kung gusto mo ikaw. Tutal pabida ka naman lagi, eh!” ismid dito ni Patrick. Natawa tuloy ang iba sa kanila. Bakit kaya laging nagtatalo ang mga ito kapag magkasama?

“Sige. Trisha, will you marry me?” Sabay luhod ni Dale sa tapat ni Trisha na agad ikinausok ng bumbunan ni Patrick.

“Susuntukin ko na talaga ito. Awatin n’yo ako!”

“Ano? Subukan mo nang hindi mo makatuluyan si Trisha! Baka ‘di mo alam, close na close kami ni Tito Tristan. Sana nga raw ako ang mapangasawa ng anak niya—”

“F*ck you, Dale!”

Tawa lang kami nang tawa sa pag-aaway ng dalawang isip-bata. Si Trisha naman ay panay ang alo sa kasintahan na biglang tinopak. Naiiling lang ang katabi kong si Yuan sa mga ito. Si Xyren iyong pinakamasaya sa pagkapikon ni Patrick.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon