Shine
Makaraan ng ilang araw ay saka ako personal na nagtungo sa mansion ng mga Villanueva para kausapin si Tita Yuna. Wala roon si Yuan at hindi ko alam kung nasaan. Mula nang mawala si Mirasol ay hindi pa ito pumapasok sa VBC, ayon na rin kay Daddy. Kababalik ko lang sa kompanya noong nakaraang araw at nabatid ko na sobrang dami ng problema ngayon doon lalo at wala ang CEO.
“Ano’ng kailangan mo?” pormal na tanong ni Tita Yuna nang harapin niya ako sa sala.
Malamig man ang trato ng babae ay hindi ako nasindak dito. Sa halip ay pinilit kong maluha sa harap niya at pinalungkot ang mukha.
“A-alam ko pong galit kayo sa akin at nauunawaan ko iyon. Pero mahal na mahal ko po ang anak niyo, Tita!” wika ko habang humihikbi.
“Hindi ako galit sa iyo, Shine. Hindi lang ako makapaniwala na kaya mong sirain sina Mirasol at Yuan. Bakit ikaw pa?”
“Iyan din ang tanong ko, Tita! Bakit si Yuan pa? Bakit siya pa na nobyo ng kaibigan ko ang minahal ko nang ganito? Ilang ulit kong pinilit na magmahal ng iba pero lagi na ay bigo ako!”
Umiling ang ginang. “Hindi porket mahal mo ay kailangan ka na ring mahalin pabalik! Nasa pagtanggap lang iyan, hija.”
“Sana nga po ay ganoon lang kadali.” Pagkatapos niyon ay tumayo na ako. “Nagpunta lang po ako rito upang humingi ng tawad sa nagawa ko kina Yuan at Mirasol,” saad ko.
Umiling itong muli. “Noong una pa lang ay batid ko na ang dahilan ng bigla mong paglapit sa akin. Iyong mga pagpunta-punta mo rito. Alam ko noon pa man na may pagtingin ka sa anak ko. Pero hinayaan ko lang dahil sabi ko sa sarili ko—anak ka ni Charls. Hindi ka kako gagawa ng masama para sa pagibig. Kahit ilang beses akong sinabihan ng asawa ko na patigilin ka na sa pagdalaw rito ay hindi ako nakinig. Matinong babae ang pagkakakilala ko sa iyo. Kung alam ko lang...”
Para akong sinampal sa sinabi ng ina ni Yuan. Magkagayon man ay pinilit kong ngumiti rito.
“Makakaalis kana. Baka maabutan ka pa ng anak ko!” marahan nitong taboy mayamaya.
Pulang-pula ang mukha ko sa kahihiyan pero binalewala ko iyon. Sa halip ay magalang akong nagpaalam dito. Pagkuwa’y tumayo na ako para umalis. Bago ako tumalikod ay tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko iyong kinuha sa bag at kunwari ay natabig ang ilang gamit ko roon.
Kinausap ko ang tumatawag sa kabilang linya ngunit na kay Tita Yuna ang atensyon ko. Kitang-kita ko kung paano namutla ang labi ng ginang habang nakatitig sa Pregnancy text kit na nahulog mula sa aking bag.
I smirked. I won this time.
“B-buntis ka?” namumutla nitong tanong.
“Y-yes, Tita...” kunwari ay takot kong tango.
“No! Hindi totoo iyan.”
“Nagbunga ang kasalanan namin ni Yuan—”
“Sinungaling! Anong kasalanan ang pinagsasabi mo?!” asik nito.
“Iyan ang ebidensya na nagbunga ang gabing iyon. Pero wala akong magagawa dahil ayaw pa rin sa akin ng anak niyo. Kaya kahit mahirap ay kailangan kong palakihing mag-isa ang bata. Hindi ko pipilitin si Yuan na panagutan ang aming anak!” Pagkasabi ko niyon ay nagpaalam na ako at dali-daling naglakad palayo.
Gaya ng inaasahan ay hinabol ako ng ginang. “Sandali lang, Shine!” tawag nito sa akin.
“Tita, I’m sorry!”
“Alam na ba iyan ng parents mo?”
“H-hindi pa po!” Mas pinalungkot ko pa ang mukha.
Sobra ang tuwa ko habang papalabas ng mansion. Tiyak na ang petsa ng kasal namin ni Yuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/272483016-288-k342018.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...