YUAN
"YUAN, bantayan mo muna ang daddy mo. Lalabas lang ako saglit para kausapin ang doctor niya. Huwag kang aalis dito, ha?" iyon ang paalam ni Mommy bago lumabas ng room.
I took a deep breath bago pinagmasdan ang nakapikit na ama. Kumamot muna ako sa ulo bago naupo sa upuan na katabi ng hinihigaan ni Daddy.
"You can open your eyes now, Dad. I know you're not good in acting—so stop doing that. Hindi bagay sa iyo!" sabi ko. Pagkatapos niyon ay nagmulat ng mga mata ang ama at inis na tinanggal ang swero sa kamay.
"Alam kong hindi ka ganoong kabobo para hindi malaman ang pakulo ng mommy mo. But don't tell her na alam mo na, okay?" wika nito sa akin.
Huminga ako nang malalim. Kanina kasi paglabas ko ay aksidenteng nakasalubong ko ang doctor ni Daddy. Nakalimutan yata ni Mommy na sabihan ito kaya nalaman ko na simpleng stressed lang ang ikinatumba ng ama. Isa na naman sa mga drama ni Mommy. Halos lumipad ako mula Canada makarating lamang dito sa pag-aakalang nasa malubhang kondisyon ang ama. Tssk . . .
"So, what now? Hanggang kailan ka hihiga rito at pababayaan ang mga negosyo mo?" tanong ko mayamaya.
"Yuan, hanggang ngayon ba naman ay galit ka pa sa akin? C'mon, son. Hindi na ito tungkol kay Mirasol, tungkol na ito sa kapatid mo."
"Ano'ng magagawa natin kung iyon ang gusto ni Pauline? Hindi mo kami maitatali sa bahay mo habang buhay, Dad. Malalaki na kami. Kung nagagawa mo iyon kay Mommy—pwes, iba kami ni Pauline," saad ko na ikina-iling ni Daddy.
"Iyon pa rin ang nasa isip mo kaya ko ginagawa ang mga ito? Kung nasa hustong edad lang sana ang kapatid mo ay bakit ko siya pipigilan pa?Paano siya maninirahan sa bansang hindi niya kilala?"
"Magtiwala ka lang sa kanya, Dad. Tiwala lang! Bagay na hindi mo ibinigay sa akin noon—iyon ang kailangan ng kapatid ko."
He sighed. "Mali ka kung iniisip mo na hindi kita pinagkatiwalaan. Hindi ko ilalagay ang pangalan mo sa last will ko kung wala akong tiwala sa iyo, Paul Yuan!"
"Iba ang tinutukoy ko, Dad," pagtatama ko.
"Kay Mirasol na naman. Iikot na lang ba ang relasyon nating mag-ama sa kanya?"
"Mahal ko siya, Dad. Siguro naman ay maniniwala ka na sa akin ngayon?"
Umiling-iling si Daddy kaya kumunot ang noo ko.
"Yeah, mahal mo nga siya. Kaya pala wala kang tigil sa pambababae sa Canada, kasi mahal mo siya. Kaya nga hindi mo alam ang nangyayari sa kanya—kasi mahal mo siya," sarkastikong wika nito.
"Anong ibig mong sabihin, Dad?"
"Bakit ako ang tatanungin mo? Kung noon ka pa umuwi ay baka nalaman mo ang lahat."
"Ikaw ang nagpilit na pag-aralin ako sa Canada—"
"That's it. Pero no'ng nakatapos ka'y anong ginawa mo? Nagbilang ng babae sa bansang iyon?"
"Fling lang ang mga iyon! At ang iba ay bigay pa ng apo mong si Xyren," depensa ko sa sarili.
"Yuan . . . Sa tingin mo ba ay magugustuhan ni Mirasol ang ugali mong iyan? You're spoild and boastful. Napaka-yabang mo, anak, at ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na mahihirapan kang mapaibig ang babaeng iyon!"
"Wala ka ng pakialam doon, Dad. Bakit hindi ka na lang magpalakas ng tuhod para naman maabutan mo pa ang apo mo sa akin?" pigil ang ngiti na sabi ko. Hindi ko alam na nami-miss ko na rin palang makipag-asaran sa daddy ko nang ganito.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...