Chapter - 61

722 96 58
                                    

Mirasol

“Babe, nakakahiya! Kaya ko namang maglakad, eh,” mariin kong bulong sa nobyo habang pangko nito patungo sa clinic ng VBC. Ngunit masyadong seryoso ang mukha ng lalaki kaya hindi ko na nagawang igiit pa iyon sa kanya. Pilit ko na lang itinago ang mukha dahil sa sobrang kahihiyan sa mga nakakasalubong naming empleyado. Tiyak na sentro na naman ako ng tsismisan bukas. Tsk!

“Where’s the doctor?!” 

Muntik pa akong mapapitlag sa lakas ng boses ni Yuan pagkapasok namin sa clinic. Batid ko na maging ang dalawang nurse na naroon ay ganoon din ang reaksyon. Nataranta bigla ang mga ito sa hindi inaasahang pagtungo roon ng CEO.

“Mr. Villanueva—”

“May pilay siya! Gamutin mo, bilis!” anito sa doctor na kabubungad pa lamang doon galing sa loob ng silid nito. Agad namang tumalima ang lalaki.

“Pakibaba na lang po ang pasyente sa kama,” naiilang na utos nito kay Yuan. Noon lang niya napuna na kalong pa rin niya ako. Hays!

Tinanong ng doctor ang nangyari kaya agad kong ikwinento ang aksidente kong pagkatapilok dahil sa nasirang takong. Tumango-tango naman ito saka kumuha ng gamit habang naiilang sa nakamasid na si Yuan. Gusto ko sana munang paalisin doon ang nobyo para hindi ma-pressure ang mga naroon, kaya lang ay natatakot ako.

“Check ko lang kung saan ang masakit, ha?” sabi ni Dok, ngunit nang hahawakan na niya ang binti ko ay nagulat kami nang bigla iyong tutulan ni Yuan.

“Stop!” sabi pa nito na ikinamaang ng lahat.

“S-sir—”

“Wala bang babaeng doktor dito?” tila iritadong tanong ng binata. Yumuko na lang ako para itago ang mukha sa mga tao roon.

“A-ako lang po ang doktor dito at magli-limang taon na po ako.”

“Tsk! Nevermind. Sa labas ko na lang siya ipapa-check—”

“Babe—” muntik ko nang sabi sabay takip ng bibig. “S-sir Yuan!” diin ko pagkatapos. Subalit hindi niya ako pinansin at muli niya akong pinangko. Dali-dali naman kaming pinagbuksan ng pinto ni Dok.

Paglabas namin ay naroon na sina Samuel at ang walong bodyguard ni Yuan. Inutusan niya ang mga ito na ihanda ang sasakyan.

Muli naming dinaanan ang mga empleyado na bakas ang pagtataka sa ayos namin. Gustuhin ko mang magpababa rito ay alam kong imposible at duda ako kung papayag ang nobyo.

“Babe, it’s just a sprain. Bakit sa labas pa tayo pupunta?” tanong ko nang ilapag niya sa sasakyan.

“Mukhang maniac ang doktor na iyon, kaya hahanap tayo ng babae,” anito habang nagmamaniobra ng kotse.

“Ano?” nanlalaki naman ang matang reaksyon ko.

“Sukat hawakan agad ang binti mo? Pasalamat siya’t hindi niya itinuloy, kundi’y aalisan ko siya ng lisensya—”

“Babe! Masyado ka kung mag-isip—”

“Totoo ang sinabi ko. Kitang-kita ko sa mga mata ng doktor na iyon na nagka-crush siya sa legs mo!”

Napamaang na lang ako sa narinig. Hindi ko na ipinilit pa ang pakikipagtalo dahil kumikirot lalo ang paa ko. Isinandal ko na lang ang likod sa upuan ng kotse at nanahimik. Minsan talaga ay kakaibang mag-isip si Yuan.

HINDI naman daw malala ang sprain ko, sabi ng doktora na tumingin sa akin. Ngunit iginiit ni Yuan na ipa-xray ito para daw makasiguro. Dahil doon ay isang linggo akong mapapahinga sa bahay dahil hindi pa pwedeng ilakad ang paa kong may pilay.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon