MEGGAN
Bigla kong nai-preno ang kotse nang makita ang pagdating ng isang lalaki sa kinaroroonan ni Mirasol. Agad nitong niyakap ang dalagita kaya sabay silang tumalsik at natumba sa kalsada. Tila naman ako biglang natauhan. Pagkuwan ay napatingin sa mga kamay na nakahawak sa manibela.
What have I done? Do I have to kill for the sake of love?
Nakadama ako ng takot nang makitang bumangon ang lalaki at dinaluhan ang nakalugmok na si Mirasol. Ini-atras ko ang sasakyan dahil sa sobrang takot na nadarama. Hindi ko sila pinansin at ini-alis doon ang kotse. Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho. Palingon-lingon din ako sa takot na sundan ng lalaki. Hindi ako pwedeng makulong! May nakakita ng ginawa ko. Oh my God!
Nangangatal ang buo kong katawan nang makauwi sa bahay. Tila ako hinahabol ng demonyo. Ipinasok ko ang kotse sa garahe at dali-dali akong pumasok sa entrada ng mansyon namin.
"Meggan! Saan ka galing? Hindi ba't pinagbawalan kita na mag-drive ng kotse? Ano't umalis ka nang hindi kasama si Bruno?" ang galit na salubong sa akin ni Daddy. Katabi nito si Mommy na napansin kong may pasa sa mukha. Pero hindi ko na iyon binigyan ng atensyon dahil sa takot na nag-uumapaw sa aking dibdib.
"Meggan, kinakausap ka ng daddy mo. Saan ka ba galing?" untag sa akin ni Mommy.
"M-may pinuntahan lang, Mom," paiwas kong sagot nang bigla na lang akong haklitin ng ama sa braso. May ipinakita ito sa akin na ikinalaki ng aking mga mata. Hawak nito ang sachet ng ginamit ko kanina. Nanlilisik ang mata ni daddy sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo sa buhay mo?!" pasigaw nitong tanong na ikinatulig naming mag-ina.
"D-Dad . . ."
"Arnold, saan mo 'yan nakuha?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Mommy rito.
"Saan pa? Eh, 'di sa kwarto ng magaling mong anak!"
"M-Meggan?" baling ng ina sa akin. Nakita ko ang frustration sa kanilang mukha na ikinatiim ng aking bagang.
"Yes, I used that. Para makalimutan ko kung anong klaseng magulang mayroon ako!" matapang kong sagot.
"Ingrata!" galit na ani ni Dad sabay sampal sa akin. Inawat naman ito ni Mommy.
"Meggan, ano ba, anak?"
"User ako, Mom!" pag-amin ko. "Gusto ko kasing makalimot. Wala kayong pakialam sa akin dahil may sari-sarili kayong buhay ni Dad. Naiwan akong mag-isa and I felt so alone!" Pagkasabi niyon ay saka ako humagulgol sa harapan nila. Kapwa tila mga binagsakan ng langit ang hitsura ng mga ito.
Ilang minuto ay bigla na lang pumasok ang isa naming maid. Sinabi nito na may mga pulis daw sa labas kaya nangatal na naman ako sa takot. Hindi ako sumama kina Daddy nang lumabas sila. Na-paranoid ako at kung ano-ano ang naiisip. What if makulong ako dahil sa pagtatangka ko sa buhay ng hampas-lupang iyon? May nakakita sa kotse ko. Tiyak na ire-report niyon ang nangyari. Nang maisip iyon ay agad akong sumilip sa labas. Tatlong pulis ang kausap ng mga magulang.
"Batay po sa report ay tumutugma ang kotse ninyo sa nangyaring aksidente kanina. May binangga po kasing dalagita sa palengke ng Marikina at sinabi ng nakasaksi na dito pumasok ang sasakyan—"
"Anong pinagsasabi nyo? Walang umaalis sa amin! Nagkakamali kayo ng ini-imbestigahan. Isa pa'y anong gagawin namin sa palengkeng iyon? Ibigay mo sa akin ang pangalan ng nag-report! Baka siya pa ang kasuhan ko!" matapang na saad ni Daddy sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...