Chapter - 133

645 94 69
                                    

Paolo

Alam kong darating ang araw na malalaman ni Yuan ang lahat. Mabuti na rin iyon para mawala na ang itinatago naming sikreto sa kanya. Iyon nga lang, tiyak ko na may magbabagong muli sa relasyon namin.

“N-nand’yan na siya...” wika ni Yuna na katatapos pa lamang umiyak ay heto at humihikbi na naman. Nalaman na rin nito ang ginawa ni Samuel kaya pareho kaming problemado ngayon.

“S-son...” tawag ko sa anak nang makapasok ito ng bahay. Iba ang awra nito ng mga sandaling iyon na naiintindihan ko naman.

“Heto na naman tayo, Dad. Parang nangyari na ito, eh!” sarkastikong saad ni Yuan. “Akala ko kaya umalis si Mirasol ay dahil sa akin, iyon pala’y ikaw na naman! Lagi na lang ikaw ang sangkot sa lahat!” galit nitong dagdag.

“Y-yuan, hindi lang ang daddy mo ang may kasalanan. Maging ako ay—”

“I’m not talking to you, Mom! Please, huwag ngayon!”

I sighed. Inalo ko ang asawa sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito bago hinarap si Yuan.

“Nagawa ko ang lahat ng iyon dahil sa iyo! Kung hindi ka sana nagpasaway noon! Kung hindi ka umalis sa poder ko ay hindi mangyayari iyon! I just did the right thing and that is to save you!”

“Wow! Just wow! Save me? Tapos ngayon, ano na?”

“Paul Yuan!”

“You know what, wala na rin namang saysay kung magsumbatan pa tayong muli, e. Wala na si Mirasol. Sinira mo kami! Sinira mo kami, Dad!” mariin nitong sabi na ikinasikip ng dibdib ko.

“I-i’m sorry!”

“You are too late for that! I’m so tired being your son—”

“Yuan!” nanghihilakbot na reaksyon ng mommy niya.

“That’s the truth. How I wish na iba na lang ang tatay ko!”

Pareho pa kaming nagulat nang bigla itong sampalin ni Yuna. Tila naman balewala kay Yuan ang ginawa nito. Matalim lang niya akong tinitigan sa mga mata.

“Ngayon lang ako nasaktan nang ganito. At hindi ko matanggap na kasali kayo sa mga taong nanakit sa akin!” he said before leaving.

Humagulgol na naman si Yuna kaya niyakap ko ito.

Inaasahan ko naman na aalis si Yuan kaya hindi na ako nabigla nang bumaba itong dala ang mga maleta. This time I know it’s for real. Sira na naman ang relasyon naming mag-ama. Umaasa na lang ako na tulad noon ay muli niya akong mapapatawad. Hindi ko nga lang alam kung kailan.

Tuluyan ngang umalis si Yuan. Wala kaming imik ni Yuna habang nakatunghay sa paglisan nito. Mayamaya ay lumapit ang isang maid sa asawa dala ang telepono. May kinausap ito roon at pagkatapos ay natakpan nito ang bibig gamit ang dalawang palad.

“S-si Aimee! Nasa ospital si Aimee!”

Shine

Noon pa man ay batid na namin na mahina ang puso ni mommy. Ito ang unang beses na inatake siya kaya sobra-sobra ang pagsisisi ko sa nangyari. Nakalimutan kong panandalian ang tungkol kay Yuan dahil doon. Hindi ako umalis sa tabi ng ina hangga’t hindi sinasabi ng doctor na ayos na ito. Laking pasalamat namin at mild lang ang nangyari. Iyon nga lang, very fragile pa rin si Mommy.

Pinauwi na rin naman ito kinabukasan ng mga doctor. Dahil sa guilt ay hindi ako nakapasok sa trabaho at binantayan ito.

“Mom, pinagluto kita ng soup. Sabi ni Doc, ito raw muna ang kainin mo,” wika ko saka siya tinangkang subuan subalit tumanggi ito.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon