Mirasol
Kahit pinanghihinaan pa ng loob ay napilitan akong magtungo sa VBC upang ipakita kay Ate Moneth na ayos lang ako. Masyadong mabigat ang naging pag-uusap namin lalo na ang tungkol kay Shine. Alam ko na nasaktan din ang kapatid sa nalaman dahil naging malapit din sa kanya ang dalaga kahit papaano. Lahat naman kasi ng nagiging kaibigan ko ay pinahahalagahan nito tulad nina Riko at Grace. Kaya naiintindihan ko kung sumama ang loob ng kapatid.
Pagdating ko sa kompanya ay yuko ang ulo akong naglakad. Tama nga ang hinala ko. Pinagtitinginan ako ng mga empleyado. Kahit siniguro naman ni Yuan na hindi lumabas ang pangalan ko tungkol sa issue ng Blue Ladder ay duda pa rin ako. Walang maitatago sa kompanyang iyon. Kahit tikom ang bibig ng mga ito ay iba naman ang sinasabi ng mga mata nila. Hindi ko na lang iyon pinansin pa at sumakay ng elevator.
Pagdating ko sa CEO’s floor ay namataan ko agad si Vienna sa table namin. Abalang-abala ito nang lapitan ko. Kakastiguhin ko sana siya tungkol sa sinabi kina Ate pero nakita ko ang bahagyang pamumugto ng mata nito.
“A-anong nangyari sa iyo?” taka kong usisa.
Umismid ito upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi. “Natural pinag-initan ni Boss! Sinabi mo na pala ang totoo sa kanya pero hindi mo man lang ako win-arning-an!” asik nito.
“Ikaw rin naman, a? Sinabi mo rin naman kina Ate Moneth ang totoo nang hindi ko alam!”
“Akala ko kasi’y nando’n ka!” katwiran nito. “A-atras na sana ako pero naisip kong iyon na ang tamang pagkakataon para humingi ng tawad sa kanila. Akala mo ba’y madaling mag-sorry nang umagang-umaga? Muntik na niya akong buhusan ng kape!” talak nito.
Bumuntong-hininga ako bago naupo sa tabi ng dalaga. “Kinausap ko na si Yuan tungkol sa daddy mo. Galit lang siya ngayon pero huhupa rin iyon. Huwag kang mag-alala dahil hindi niya idadamay si Mang Bert,” sabi ko upang mapaluwag ang dibdib niya.
Hindi ito umimik at nagkunwaring yumuko sa mga papeles.
“M-may sinabi ka rin tungkol kay Shine...” marahan kong dugtong pagkaraan ng ilang segundo.
Natigilan ito at napatitig sa akin. “Alam kong hindi ka maniniwala sa akin pero totoo ang mga sinabi ko tungkol sa kanya,” mahinang saad ni Vienna. “Pati nga si Riko ay muntik na niyang idamay sa pagtatraydor sa iyo. Ayoko lang talagang makialam dahil sa posisyon ng ama niya rito pero naisip ko na mas maiging malaman mo para hindi ka mukhang tanga riyan kapag kasama siya!”
Tipid akong ngumiti. May maganda pa ring kapalit ang lahat ng negatibong nangyayari sa akin ngayon. “Salamat, Vienna. Ramdam ko na concern ka na sa akin bilang kaibigan—”
“Hindi kita kaibigan! D-dala lang ng guilt kaya ginagawa ko ito!” aniya sabay iwas ng tingin. “Wait—naniniwala ka sa akin?” tanong niyang hindi makapaniwala.
Muli akong humugot ng buntong-hininga. “A-alam ko na ang tungkol diyan,” sabi ko.
“Gaano katagal mo nang alam? Kinausap mo na ba siya? Bakit parang wala namang nagbago sa inyo?” sunud-sunod nitong tanong.
“H-hindi ko pa siya nakakausap. Wala pa akong lakas ng loob, e.”
Siya naman ang bumuntong-hininga. “At least nalaman mo na. Mas okay na iyon para makapag-ingat ka na sa susunod.”
Tumango ako sa babae. Hindi na ulit ito nagsalita at itinuon ang atensyon sa trabaho.
Mico
Nakabalik na ng Pilipinas si Pauline at hiniling nito na magkita kami sa isang restaurant. Malapit sa akin ang kapatid ni Yuan dahil halos nakita ko itong lumaki mula pagkasilang kaya para ko na ring bunsong kapatid ang dalaga. Ayoko sanang pagbigyan ang request nito dahil batid kong alam na niya ang lahat pero hindi ko gustong isipin ng dalaga na galit din ako sa kanya. I don’t want her to be upset about that.
![](https://img.wattpad.com/cover/272483016-288-k342018.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...