Vienna
Sobra akong nanghina pagkatapos ng pagsisiwalat ni Daddy ng lahat. Ang inaasahan ko ay manlalamig si Riko dahil sa nalaman pero wala itong ibang sinabi at sa halip ay inaya ako nitong maglakad-lakad sa may tulay. Doon sa dati nilang laruan nina Mirasol at Grace noon. Sumama ako para mapagaan ang kalooban.
“G-galit ka ba sa daddy ko dahil sa ginawa niya kina Mirasol?” malungkot kong tanong sa binata nang sabay kaming maupo sa gilid niyon.
“Wala ako sa posisyon para makaramdan niyan. Pero aaminin kong nabigla ako,” maingat niyang sagot.
“Hindi ka galit sa ginawa niya sa first love mo?”
“Vienna, nasabi ko na, ‘di ba? Mali ang daddy mo pero tama ang dahilan niya kaya ganawa iyon. Ayaw niyang maghirap kayo noon, lalo ka na. Isa pa ay umamin naman na siya sa pagkakamali niya. Iyon ang importante.”Tumingin ako sa malayo upang iwasan ang titig nito. Nahihiya ako kay Riko. Pakiramdam ko ay nawalan na akong lalo ng pag-asa na magustuhan niya dahil sa mga nalaman ko. He is so kind and genuine na kabaligtaran ko at ng aking magulang. Naiiyak ako dahil kahit sarili ay kinamumuhian ko ngayon kapag naaalala ang mga ginawa namin sa pamilya ni Mirasol. Na kung tutuusin ay hindi naman sila dapat maghihirap nang ganoon kung hindi dahil kina Daddy.
“Vienna...” mahinang tawag ni Riko.
Agad kong pinalis ang luha at pinigilan ang paghikbi. “Alam mo bang ikaw ang pinakang dahilan kaya galit na galit ako noon kay Mirasol?” tanong ko na hindi tumitingin sa kanya.
“B-bakit?”
“Gusto kasi kita. Mahal na kita mula pa noong mga bata pa tayo. Kaya lang ay na kay Mirasol ang atensyon mo. Pakiramdam ko’y inagaw niya ang lahat sa akin.”
Hindi ito nagpakita ng anumang reaksyon pero ramdam ko ang titig niya.
“Hindi ka ba nagulat sa pag-amin ko? Sabi ko’y gusto kita. At masaya ako no’ng sa akin kana nakipagkaibigan. Pero alam ko rin na hindi ako bagay sa iyo. Mabait ka at masama naman ang ugali ko,” mapait kong dagdag.
“G-gusto rin kita...”
“Ha?” bigla akong napalingon dito. Tama ba iyong narinig ko?
“Hindi mo ba nakikita? No’ng halikan mo ako’y saka ko naisip na pwede pa pala akong magka-interest sa iba. Akala ko kasi’y si Mirasol na lang ang gugustuhin ko. Pero noong naging malapit na tayo at nakita ko kung gaano ka kabuting anak sa magulang mo—unti-unti ay naging mahalaga kana sa akin.”
Dapat ay matuwa ako dahil sa wakas ay nakuha ko ang puso ng lalaking noon ko pa pinapangarap. Kaya lang ay nahihiya ako sa kanya dahil sa mga nangyari.
“G-gugustuhin mo pa rin ba ako kapag nalaman mo ang mga ginawa kong masama kina Mirasol?”
“Oo naman. Maiintindihan kita—”
Umiling ako sa binata.
“Hindi totoong ninakaw ni Tonio ang alahas ko! Sinadya ko siyang papuntahin sa kwarto at inilagay iyon sa bulsa ng damit niya. Ginawa ko iyon para paalisin na sila ni Daddy sa bahay namin!” nakayuko kong pag-amin.
“Alam ko iyon.”
“A-alam mo?”
“Alam ko na hindi kayang magnakaw ni Tonio. At aaminin ko na nagalit ako sa iyo noon. Pero matagal na iyong tapos. Nagbago kana naman, ‘di ba?”
Mapakla akong natawa. Lalo akong nanliliit sa harap nito.
“Bakit ba ang bait mo? Pareho kayo ni Mirasol na mabuting tao. Kaya kung tutuusin ay mas bagay siya sa iyo—”
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...