Vienna
“Isang buwan na lang at aalis na si Salud sa VBC. Kailangan na ng papalit sa kaniya at isa sa inyo ang mapipili bilang magiging secretary ng bago nating CEO.”
Iyon ang anunsyo ni Ma’am Shine sa aming lahat nang umagang iyon. Bukod sa magaganap na pagtitipon ay isa ito sa mas pinaghahandaan ko. Ang maging personal secretary ni Sir Yuan. Hindi lang career ko ang aangat kapag ako ang napili kun’di maging ang aking sweldo. Doble o baka nga triple pa ang idadagdag niyon sa kasalukuyan kong sahod.
Mabuti na lang at naging patas ang leader namin sa pagpili sa position na iyon. Akala namin ay si Mirasol ang ire-recommend niya ngunit nagbago ang desisyon nito. Lahat kami ay may tyansa na mapili ng CEO. Sasailalim kami sa performance skill na mismong ang lalaki ang makakakita.
Sumulyap ako sa pwesto ni Mirasol. Tulad ng inaasahan ay lutang na naman ang babae. Bagay na ikinasisiya ko. Mula nang mawala si Sir Paolo sa VBC ay palagi na itong natutulala at madalas na wala sa sarili. Tiyak na kinakabahan na ito sa anak ng may-ari ng kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng bago naming CEO kapag nalaman niya ang naging ugnayan ni Mirasol sa ama nito? Paniguradong patatalsikin nito ang babae. Iyon ang pinakahihintay kong mangyari.
Dumating ang araw na aking pinakahihintay. Isa-isa kaming ipinatawag sa opisina ni Sir Yuan. Unang nagtungo roon si Beverly. Wala pang sampung minuto ay namumutla na itong bumalik sa amin.
“Typing pa lang bagsak na ako! Nasigawan pa ni Sir!”ang mangiyak-ngiyak nitong sumbong sa amin.
“Typing? Bakit naman babagsak ka sa typing work?” takang komento ni Jacky.
“Keyboard warrior yata ang gusto n’on! Terror ang bago nating CEO!” sabi pa nito.
Hindi naman ako nagbigay ng reaksyon at kinalma ang sarili. Kung pabilisan lang din sa pagta-type ay may laban ako. Kompara kay Mirasol ay mas hasa ako sa ganoong gawain. Hindi ako matatalo ng babae.
“Vienna, ikaw na ang kasunod,” tawag sa akin ni Ma’am Shine. Tumango ako saka kinuha ang aking gamit. Pagkuwan ay taas-noo akong nagtungo sa CEO’s office.
Pagkarating doon ay agad akong pinapasok ni Ms. Salud. Namataan ko ang binatang amo na nakatayo at tila inip na inip sa paghihintay. Pagkakita sa akin ay agad niya akong sinenyasan na maupo. Saka ito bumalik sa pwesto niya.
“Do this as fast as you can!” anito na ini-abot sa akin ang tatlong pages ng bond paper. Kinuha ko iyon at tiningnan bago muling napatitig dito.
Gusto nito na i-encode ko ang mga iyon sa pinakamabilis na paraan na kaya ko? I smirked. Nakakapagtaka na halos mamutla si Beverly gayong ito lang naman ang ipinagagawa ng binata.
“May I start now, Sir?” confident ko pang tanong dito.
“Ummm . . .” sagot nito na tila tinatamad. Nakayuko ito sa kaniyang table at binabasa ang hawak na folder. Pakiramdam ko ay wala sa loob nito ang ipinagagawa sa amin. Pero ipinagkibit-balikat ko iyon. Ang importante ay mapili akong secretary niya.
“Done, Sir,” makalipas ng sampung minuto ay sabi ko.
Nag-angat ito ng tingin sa akin. Wala sa loob na napatitig ako sa mata ng binata. Hindi ako nagtataka kung bakit lahat ng kadalagahan sa kompanyang iyon ay agad nagkagulo sa pagdating nito. Why? He is one of the most handsome man na nakita ko. Hindi lang position ng ama ang kinuha nito sa VBC kung ‘di maging ang paghanga at atraksyon ng mga babae roon.“Okay, pwede ka nang umalis!” anito na ikinabalik ko sa sarili.
“Thank you, Sir.”
Mirasol
Tanging tunog ng takong ng aking sapatos na sinasabayan ng malakas na kabog ng aking dibdib ang tangi kong naririnig habang naglalakad ako patungo sa opisina ng bagong CEO. Kanina ay ngali-ngali ko nang sabihin kay Shine na ayokong mapili na maging kapalit ni Ma’am Salud. Kaya lang ay tiyak na magtataka ito at magtatanong. Kung nagkataon ay hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya ang aking sitwasyon.

BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...