Chapter - 125

586 78 52
                                    

Meggan

Mahigpit ang kapit ko sa manibela habang lihim na nakamasid kay Mico mula sa malayo. Sa ilang araw kong pagsunod-sunod sa binata ay nabatid ko na si Mirasol pa rin ang sinusubaybayan nito. Tuluyan siyang inagaw ng babaeng iyon sa akin. Kaya galit na galit ako.

Minahal ko nang totoo si Mico ngunit tulad ng aking mga magulang—iiwanan din pala niya ako sa huli. Ni hindi man lang nito naisip na sabihin sa akin ang balak nitong pag-alis. Tuluyan na itong lalayo sa akin kasama ng ina nito.

At sino ang gusto niyang makasama sa huling araw niya sa Pilipinas. Si Mirasol? Kahit fiancee na ito ni Yuan ay hindi paawat si Mico sa paglapit dito. Sasabog na ang dibdib ko sa labis na panibugho sa dalaga.

Mico, kung hindi ako ay walang iba na pwedeng umangkin sa iyo! Akin ka lang at mas gugustuhin ko pa na mamatay ka kaysa mapunta sa iba!

Bago ko inalis ang sasakyan doon ay tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Shine.

“Anong kailangan mo?” inis kong tanong nang sagutin ang tawag.

“Pwede ba tayong mag-usap? May itatanong lang ako tungkol sa shares na napunta sa daddy mo noon,” anito.

Napabuga tuloy ako ng hangin mula sa dibdib. “Wala akong alam doon. Daddy ko ang kausapin mo at huwag ako. Abala akong tao!” Agad ko nang binabaan ng telepono ang dalaga. Isang sulyap pa kay Mico ang iniwan ko bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Ito na ang huling beses na masasaktan mo ako, Mico...



Mirasol

“Yuan!” ang masaya kong tawag sa nobyo pagkapasok ko ng silid namin. Nagkandarapa ako kanina pag-akyat nang makita ko si Tito Paolo sa ibaba. Hindi nagsabi ang binata na ngayong araw ang balik niya.

Pagkakita rito ay agad ko siyang sinugod ng mahigpit na yakap. Pinigilan ko ang mapaluha dahil ayoko na magtaka ito. Ngayong kasama ko na si Yuan ay umaasa ako na makakalimutan ko ang pinagdaraanang problema.

“Babe, I miss you! Bakit nag-off ka ng cp?” tanong niya nang magbitaw kami ng yakap.

“S-sorry, n-nagtalo kasi kami ni Ate kaya medyo umiiwas muna ako na makausap siya,” sabi ko na totoo naman. Hindi ko nga lang alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari.

Matatanggap ba ni Yuan ang pagiging magkapatid namin ni Mico? Kung ako nga ay hindi ko matanggap, siya pa kaya?

“Nakipag-away ka sa ate mo? Seryoso ka?” hindi makapaniwala niyang reaksyon.

“M-maliit na tampuhan lang. Pwede bang huwag na natin iyong pag-usapan?” pakiusap ko saka muling yumakap dito.

Mayamaya ay ako na ang kusang umabot ng batok niya upang halikan siya sa labi. Gusto kong sa pamamagitan niyon ay mapawi ang lahat ng sakit na nasa puso ko ngayon. Si Yuan lang ang kailangan ko para manatiling matatag sa lahat ng nangyayari.

“B-babe, are you okay?” taka niyang tanong nang itulak ko siya sa kama at simulang alisan ng damit.

“Miss na miss na kita. A-ayaw mo ba?”

“H-hindi naman. Miss na rin kita,” anito na halatang naguguluhan.

Sa kabila niyon ay nagsalo kami sa mainit na pagtatalik. Panandalian akong nakalimot sa problema. Ngunit pagkatapos niyon ay naroon pa rin ang sakit sa aking puso. Gusto ko tuloy maiyak na naman.

Tumalikod ako sa binata habang kipit ang kumot na nakabalot sa hubad kong katawan. Mukhang malalim din ang iniisip ni Yuan dahil pareho kaming tahimik. Hindi ko nga lang iyon mabigyan ng pansin dahil abala ako sa sarili kong damdamin.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon