Chapter - 28

783 98 53
                                    

Mirasol

Nagsimulang manginig ang aking katawan nang nasa sasakyan na ako kasama ng limang lalaki na parang mga kontrabida ang dating. Mga tauhan sila ni Mr. Cheng na sumundo sa akin mula sa bahay ni Mrs. Jen. Nakakatakot tumingin ang mga ito kaya pilit ko na lamang ibinaling ang ulo sa labas ng bintana. Nagbutil-butil ang aking pawis dahil sa nerbyos at parang ano mang oras ay magko-collapse ako. Hinihiling ko na sana ay huminto an ikot ng mundo o ‘di kaya ay lamunin ako ng lupa para lang hindi matuloy ang nakatakdang maganap. Pero kung mangyayari iyon ay hindi ko matutulungan ang pamangkin.

Mariin akong pumikit saka humugot nang malalim na hininga. Diyos na ang bahala sa akin. Gusto ko lang maisalba ang buhay ng aking pamangkin.

Sa isang pyer huminto ang sasakyan. Pagkababa ay inalalayan ako ng mga lalaki patungo sa naghihintay na yate. Habang naglalakad ay aksidente kong narinig ang mahinang pag-uusap ng dalawa sa limang tauhan na kasama ko.

“Mukhang ibebenta rin ni boss sa iba ang isang iyan.”

“Oo. Mas mayaman ang pagpapasahan niya sa babaeng iyan at ang dinig ko pa ay tinakot nito si Mr. Cheng para lang makuha ito.”

“Tsk. Iba talaga kapag mapera.”

Halos manghilakbot naman ako sa narinig. Malinaw kong naintindihan ang pinag-usapan ng mga ito. Ibig sabihin ay ipapasa ako sa iba ng matandang iyon? Wala sa usapan namin ang ganoon. Ibubugaw ako ng matanda at anong malay ko kung higit pa sa isang tao ang pagbebentahan niya sa akin.

Nangatal ako sa takot. Lalo na nang matanaw ko ang sinasabi nilang Mr. Cheng. Nakatayo ito sa bungad ng yate at naghihintay sa aming pagdating. Nang makita ako ng matanda ay ngumisi ito. Ngayon pa lang ay parang gusto ko nang masuka. Sobrang tanda na nito at parang lolo ko na. Maaatim ko ba na makipagtalik sa lalaki o sa kausap nito? Paano kung mas matanda pa rito ang ka-transact niya? Lalo akong kinilabutan.

Kailangan kong tumakas! Oo nga at desperada ako na nangangailangan ng agarang pera ngunit hindi ko kayang ilugmok nang ganoong kababa ang pagkatao ko.

“Boss, narito na ang hinihintay mo.”

Ngumiti ang matandang lalaki. “Dalhin siya sa kwarto. Parating na ang kukuha sa kaniya kaya—”

Bago pa natapos ni Mr. Cheng ang sasabihin ay mabilis ko nang itinulak ang mga lalaki at tumakbo palayo roon. Nabigla ang mga ito kaya hindi agad nakakilos.

“Ano pang tinatanga-tanga n’yo riyan? Habulin ninyo! Malalagot tayo kapag nakatakas iyan!” pasigaw na utos ng matanda.

Hindi ko na pinakinggan ang iba pa nitong sinasabi dahil pinagbuti ko ang pagtakbo. Hindi ako lumingon sa sa pinaggalingan dahil alam kong maraming humahabol sa akin.

Samuel

Mag-isa lang ako nang magtungo sa pyer para sunduin si Mirasol. Hindi na ako nagsama ng ibang tauhan dahil baka iba ang maging dating kay Mr. Cheng. Close na naman ang usapan nila kaya wala ng problema sa pagkuha ko sa dalaga. Ang utos ng mayabang kong boss ay sa penthouse dalhin ang dalaga. Ngunit pagkatigil ng sasakyan ko sa pyer ay tumawag ulit ang lalaki sa akin.

“Nasaan kana?” tanong nito.

“Nandito na. Susunduin ko na siya.” sagot ko matapos lumabas ng sasakyan.

“Good. Sa condo mo na lang pala siya dalhin. Ipinatawag ako ni daddy para sa isang meeting. Kung sa penthouse mo pa siya iiwan ay baka madaling araw na ako makarating doon. Kaya sa condo na lang.”

“Sige.”

“And don’t forget my warning. Huwag mo siyang hahawakan!”

Naitirik ko ang mga mata sa parang tangang banta ng binatang amo. Bakit ko naman hahawakan si Mirasol? Kahit madapa ito ay hinding-hindi ko ito tutulungang tumayo kung iyon ang gusto ni Yuan.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon