Mirasol
Nanginginig pa rin ako sa takot kahit katabi ko na si Yuan sa loob ng office niya. Abala ito sa pakikipag-usap kay Samuel tungkol sa pangalawang death threat na natanggap ko. Akala ko ay si Yuan lang ang pakay ng sino mang walang magawang iyon. Ngunit kasali pala ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman.
“Si Mico, Meggan, at Mr. Cheng ang nakabangga mo lately. Maaring isa sa kanila ang may kagagawan nito!” ani Samuel.
Bigla ko tuloy naalala ang huli naming pag-uusap ng dalaga. Kinilabutan ako roon. Hindi naman siguro nito magagawa iyon. Pero sino? Si Mico? Parang mas lalong hindi ko matatanggap kung ito ang salarin.
“Wala akong pakialam kung sino man sa kanila ang gumagawa nito. Basta siguraduhin mong mahuhuli agad ang may sala!” mariing saad ng nobyo.
Tumango si Samuel bago tumayo. Agad ko naman itong tinawag bago makaalis doon.
“H-huwag mo na lang munang sabihin kay Ate ang tungkol dito. A-ayokong mag-alala sila!” pakiusap ko sa binata.
“Okay,” tango ni Samuel at tuluyan na itong lumabas.
Nang maiwan kami roon ay muli akong yumakap kay Yuan. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito at hindi ko alam ang dapat gawin. Napa-paranoid ako sa paligid. Pakiramdam ko anumang sandali ay may papatay sa akin.
“Babe, don’t be too scared. Mahuhuli rin ang taong iyon ni Samuel!”
“H-hindi ko mapigilang hindi matakot para sa atin.”
“I-relax mo lang ang sarili mo. Narito tayo sa company kaya walang makakapanakit sa iyo,” aniya.
Tama ito, baka masyado ko nang ini-stress ang sarili ko.
“Naitawag ko na pala kina daddy ang tungkol dito. He said na doon na muna tayo sa mansion tumuloy habang hindi pa nahuhuli ang salarin,” anito na ikinatingin ko sa kanya.
“D-doon tayo titira?”
“Yes. Pansamantala. Mas safe ka roon kaysa sa condo o sa bahay n’yo. May kasama pa tayo sa bahay. Sundin na lang natin ang suggestion ni Daddy.”
Tumango ako kahit nag-aalangan. Nakakahiya sa parents niya kung doon ako titira, pero mas inisip ko ang kapanatagan ng kalooban.
Pinilit kong maging normal ang kilos sa kabila ng nangyayari. Nagawa ko pa ring tulungan si Vienna sa trabaho. Mas nare-relax ako kapag may ginagawa kaya malaking tulong iyon upang makalimutan ko kahit sandali ang tungkol sa death threat.
“Mirasol!”
Nabigla ako nang basta na lang sumulpot sa aking harapan si Sir Lucas. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Nagkatinginan tuloy kami ni Vienna.
“B-bakit po?” tanong ko na nakatingala rito.
“Totoo ba iyong nalaman ko? May natanggap kang death threat? At pati si Yuan ay mayroon din?” tanong ng binata.
“O-oo, e—”
“Nahuli na ba kung sino iyon?”
“Hindi pa.”
Marahas itong bumuntong-hininga. Bakit mas mukha itong stress kaysa sa amin ni Yuan.
Mayamaya ay saglit itong nag-isip nang malalim bago ako bilang hinila palayo kay Vienna.
“Sir! Wait lang!” takot kong pigil dito habang palingon-lingon sa table namin ni Vienna. Malaking away na naman kapag nakita kami ni Yuan.
“Call her!” anito nang huminto kami sa isang sulok.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...