Chapter - 09

1K 120 166
                                    

PAOLO

Naiwan akong malalim na nag-iisip habang nakatingin sa pintong nilabasan ng anak na panganay. Nagpupuyos ang aking kalooban sa kinalabasan ng pag-uusap na iyon.

Mula nang magkaisip si Yuan ay sinabihan ko na ito ng mga plano ko para sa kanya. He is my heir at dapat lang na hasain ko siyang mabuti bago ipasa ang buong kompanya sa kaniya. Wala naman akong problema rito kung talino ang pag-uusapan dahil advance ang utak ng panganay ko. Ang gusto ko ay handang-handa na ito kapag namuno sa Villanueva Builders Company. Kung maari nga ay ayokong magkaroon ng nobya ang anak para hindi ito ma-distract sa pag-aaral pero hindi ko iyon maalis kay Yuan. Hindi ko na lang pinapansin kahit balita ko ay nag-uuwi ito ng babae sa condo unit niya. Hindi ito nagpapabaya sa pag-aaral, iyon na lang ang pakonswelo ko sa sarili.

Minsan ko na itong pinuna. Sabi ko ay baka makabuntis siya nang napakaaga dahil sa ginagawa niya pero ang sutil kong anak ay sumagot lang na gumagamit daw ito ng condom. Asar na asar ako noon kay Yuan. Ayoko lang patulan dahil nagkakaingay sa bahay. Sa kabila niyon ay sinusunod naman nito ang mga plano ko about sa future niya. Alam nito na sa ibang bansa ko siya nais magpaka-dalubhasa, katulad ni Tristan noon. Sumang-ayon ito kaya nasabi ko sa sarili na walang problema kung sakali.

Pero ngayon ay bigla itong nagbago ng desisyon. Ayokong isipin na babae ang dahilan. Pero ano pa ba ang maari? Ang tagal na naming plano tapos bigla niyang tatanggihan? Saka iba ang kutob ko sa anak. Hindi ko man masabi kung ano pero sigurado akong may nagbago rito.

"Paolo, kakain na," dire-diretsong sabi ng asawa ko na walang katok-tatok na sumilip sa pinto ng opisina.

"Nand'yan pa ba si Xyren?" sa halip ay tanong ko kay Yuna.

"Oo, pero paalis na rin yata pagkakain, bakit?" taka nitong tanong na ulo lang ang nakasilip sa silid.

"Pakitawag, sabihin mo ay pumunta muna rito," utos ko.

"Eh, kakain na nga, mamaya na lang kaya iyan at gutom na ako?" katwiran nito. Napakamot ako sa ulo. Napilitan akong lumabas kasunod ni Yuna. Mamaya ko na lang kakausapin ang binata pagkatapos kumain.

Akbay ang asawa na bumaba kami ng hagdan. Natanaw ko sa ibaba ang anak ni Flor na si Mirasol. Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na makikita pa ang pamilya Almario pagkatapos kong bigyan ng pera ang babae. Kaya nabigla ako nang umuwi at malamang narito na ang mag-ina. Nagtataka rin ako kung bakit pinatuloy sila ni Yuan. Nakalimutan kong itanong iyon sa anak kanina. Alam kong hindi kagandahan ang ugali ng panganay namin. Suplado ito at walang amor sa mga katulong. Kaya dumagdag iyon sa aking isipin.

Masiyado pang bata si Mirasol, halos ka-edad lang ni Pauline. Hindi magandang mangamuhan na agad ito sa ganoong edad. Hinihintay ko lang ang nanay niya para makausap nang personal.

Paglapit namin sa dinning table ay nagkakaingay sina Xyren at Pauline sa kung anong pinag-uusapan. Si Yuan ay tahimik lang. Naupo na kaming mag-asawa sa tabi ng mga ito. Likas na madaldal sa hapag-kainan ang bunsong anak. Kahit ilang beses kong sawayin ay ganoon pa rin ang kinalakhan niya kaya nakasanayan ko na ang ingay sa lamesa kapag kumakain. Tumatahimik lang si Pauline kapag kaaway nito ang Mommy o kuya niya. Pero madalas na si Yuna ang kadaldalan nito, ngayon ay si Xyren ang kausap ng dalagita.

"Hindi ko ibibigay sa'yo ang padala ni Trisha hangga't tinatawag mo akong kulot, hmmp!" nakalabing saad ni Pauline kay Xyren.

"Ang daya naman nito, sige na, Pauline na ang itatawag ko sa iyo," sagot ng binata.

"Talaga lang, ha? Kapag narinig pa kitang tinawag akong kulot, yari ka sa akin!"

"Ano ba'ng ipinadala ni Trisha? Baka baduy na tshirt na naman, ha? Ayoko na n'on. Pakisabing magkaroon naman siya ng taste sa damit!"

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon