Mirasol
Pagkalipas nga ng isang linggo ay umalis ng bansa si Yuan. Hindi ko alam na ganoon pala kabigat sa dibdib ang malayo sa taong mahal mo. Kulang na lang ay umiyak ako nang ihatid siya sa airport. Nakakahiya kina Samuel kung gagawin ko iyon kaya pinigilan ko ang sarili.
Unang araw pa lang na wala ito ngunit para nang taon sa akin. Lagi akong wala sa sarili sa trabaho. Miss na miss ko na agad ang binata. Isang beses pa lang siya tumawag sa akin at saglit lang iyon. Kaya naman sobra akong nalulungkot.
“Ano kamo? Doon ka sa condo unit ng boyfriend mo matutulog?” reaksyon ni Ate Moneth nang magpaalam ako sa kanya.
“O-oo, ‘Te. Iyon ang usapan namin ni Yuan, eh...” nakayuko kong sagot.
“Ano, makikipag-live in ka na, gano’n?” gagad nito.
“Ate, hayaan mo na si Sol. Kilala na naman natin si bayaw, eh,” sabat naman ni Tonio.
“Pwede ba, magtigil ka!” irap sa kanya ng nakatatanda naming kapatid. “Kapag ikaw nabuntis at iniwan ng taong iyan—bahala ka!” baling ulit nito sa akin.
“Hindi ako mabubuntis, Ate. M-may gamit kami,” ang nahihiya kong saad na ikina-nganga nila.
“As expected,” ngisi ni Tonio habang shock naman si Ate.
Alam kong naiinis sa akin si Ate Moneth pero sumigi pa rin ako ng alis. Dala ang ilang pirasong damit ay nagtungo ako sa condo ng kasintahan. Naalala ko ang sinabi ng kapatid. Live in? Live in na ba ang tawag dito? Bahala na. Basta ang importante, masaya kami.
Nang maiayos ko ang damit sa closet ay saka ako nag-decide na maglinis ng buong paligid. Pagkatapos niyon ay tiningnan ko ang stock ng pagkain sa kusina saka ako naglista ng bibilhin. Napangiti ako nang maalala ang black card na ibinigay ni Yuan sa akin bago ito umalis. Ang sabi niya ay bilhin ko raw ang lahat ng gusto ko. Ngayon lang ako nakahawak ng ganoong bagay kaya medyo kabado ako. Ayoko nga sanang tanggapin kaya lang ang seryoso ng mukha ni Yuan noong ibigay iyon.
Paglabas ko ng gusali ay biglang may tumigil na kotse sa tapat ko. Nagulat ako nang makilala ang mommy ni Yuan.
“T-tita...” sambit ko.
“Sakay na, Mirasol,” nakangiti nitong sabi. Nagtataka man ay sinunod ko ang ginang. Nagulat pa ako nang makita na sa mansyon kami patungo.
“Hindi mo ba na-recieve ang chat message ko?” tanong nito.
“C-chat po?” Dali-dali ko namang tiningnan ang cellphone. May message request pala ito. Inaaya ako sa bahay nila.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa muling pagtapak sa mansyon ng mga Villanueva. Iyon pa rin ang mga maid kabilang si Bing na agad akong nakilala. Bakas sa mukha nito ang pagtataka habang nakatingin sa akin.
“Dito ka na maghapunan, Mirasol. Ibinilin ka sa akin ni Yuan,” sabi ni Tita Yuna habang nagme-meryenda kami.
“S-salamat po,” nahihiya kong tugon. Palinga-linga ako sa paligid at kinakabisa iyon batay sa aking naaalala.
“Hindi sa pakikialam, ha? Pero nag-usap na ba kayo ni Yuan tungkol sa kasal n’yo?”
Muntik na akong mabulunan sa tanong ng ginang.
“B-bakit po?”
“Wala lang. Para handa lang ako.” Ngumiti pa ito sa akin bago ginagap ang aking kamay. “Excited na talaga akong magkaroon ng apo. Pasensya kana, hija.”
“O-okay lang po.”
“Kapag kinasal na kayo, pwedeng dito kayo tumira or kung hindi mo feel ang bahay na ito—may alam akong mas magandang pwesto rito rin sa loob ng subdivision.”
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...