Chapter - 117

582 81 58
                                    

Paul Yuan

Hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa pinag-usapan namin nina Daddy kahapon. Alam kong naging malupit ako sa pagdedesisyon tungkol sa nais na pagreretiro ni Tito Charls sa VBC pero may punto naman ako. Oo nga at si Shine ang talagang puntirya ko ngunit una pa lang ay naisip ko na ang bagay na iyon.

Matanda na ang lalaki. Bagama’t kaya pa namang magtrabaho subalit aaminin ko na hindi ako satisfied sa kakayahan nito. Hinasa man si Tito Charls ng panahon at experience sa kompanya ay halata kong kulang ang talino at kaalaman nito. Alam ko rin na batid ng lahat na si Daddy ang utak ng Villanueva Builders. Kahit ang namayapang ama ni Lucas ay hindi rin ganoong kagaling. Well, unlike his son. Matalino ito at mabilis matuto.

I just want the best for our company. Sigurado ako na kung ilalapit ko sa board of director ang tungkol kay Tito Charls ay tiyak na papaboran nila ang aking desisyon. Pero hindi ako maaring magpadalos-dalos. Isa ito sa naging founder ng kompanya at una kong makakalaban ang sariling ama kapag ipinilit ko ang nais.

Pero ano pang silbi ng pagsasalin niya sa akin ng lahat ng karapatan sa VBC kung hindi niya igagalang ang nais kong pamamalakad doon? Gusto kong i-angat pa ang kompanya sa ibang level. Alisin ang mahihina ang utak at palitan ng mas may ibubuga. Magkaiba lang talaga kami ng pamamaraan ni Dad. Strikto man ito at dedicated sa trabaho ay may pagka-sentimental ito. Masyado niyang pinahahalagahan ang mga taong nakasama niya habang umaangat. Wala namang masama roon pero sa kalagayan ngayon ng VBC—I don’t think na may maitutulong iyon.

Nakalimutan yata ni Daddy na iba na ang panahon ngayon. Marami na ang nagsusulputang bagong magagaling na construction company at kung hahayaan ko lang sa ganoong level ang VBC ay hindi malayong mapag-iwanan kami sa darating na panahon, na ayaw kong mangyari. Natutunan ko nang mahalin ang trabahong ibinigay niya sa akin kahit ayoko noong una. Siguro’y dahil mahilig talaga ako sa challenge kaya na-enjoy ko ang pamamahala niyon.

Pero iyon nga, kailangan ko munang pag-isipang mabuti ang gagawin kay Tito Charls. Ayoko rin naman na sumama ang loob nito.

“Yuan, wala nang condom sa box!”

Mula sa malalim na pag-iisip ay narinig ko ang boses ni Mirasol. Kunot ang noo kong nilingon ang nobya. Alas-dies na ng gabi at naghahanda na kami sa pagtulog pero dahil sa isipin ay hindi ko mahagilap ang antok. Tapos ay dadalihan niya ako ng ganoon? Ang daming gumugulo sa utak ko pero heto ang inosente kong girlfriend na ang tanging problema lang yata ay ang pagkaubos ng condom! Tsk.

Hindi ba nito alam na inis na inis na ako sa paggamit ng rubber na iyon? Ayoko lang itong mamroblema kaya sinusunod ko siya tungkol doon pero kung ako ang tatanungin ay hinding-hindi ako gagamit ng pu****ng condom na iyan! Ano naman kung mabuntis siya? Kahit ilan pang anak ay pwede naman. Pero may mga drama sa buhay ang nobya kaya wala akong magawa.

“Babe, malapit na naman tayong ikasal kaya bakit gagamit pa tayo niyan?” patanong kong saad nang humarap sa kanya.

“M-matagal pa iyon. Baka mabuntis ako at—”

“Hindi ka mabubuntis kahit wala niyan. Trust me! Ako’ng bahala!”

“Pero...”

“Magtiwala ka lang okay?”

“S-sige na nga,” ang tila napipilitan nitong tango.

Lihim naman akong napangisi. Sa isip ay binilang ko ang buwan na pwede na kaming ikasal. Kung bubuntisin ko ito ngayon ay aabot iyon sa araw ng kasal namin. Hindi pa mahahalata ang tiyan niya noon.




Mirasol

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pagdampi ng halik ni Yuan sa labi ko. Gustuhin ko mang imulat ang mga mata ay hindi ko magawa dahil sa sobrang antok. Nanlalata pa ang katawan ko sa nagdaan naming pagtatalik. Mabuti na lang at walang pasok ng araw na iyon. Makakapagpahinga ako nang maayos.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon