Chapter - 43

726 94 47
                                    

Mirasol

Wala akong nagawa nang muling hilahin ni Trisha papasok ng hotel at bago ko pa siya napigilan ay iginiya na niya ako sa table nila. Ganoon na lamang ang kaba ko nang makita ang mga naroong VIP kabilang sina Sir Paolo. Nais ko sanang bumalik sa mga kasama ko ngunit mahigpit ang hawak ng dalaga sa aking kamay. Batid ko na sobra-sobra ang aking pamumula sa harap ng mga Villanueva.

“Tita Yuna, kilala mo na si Mirasol, ‘di ba?” tila pakilala niya sa akin sa ina ni Señorito.

“Oo naman,” sagot ng babae na nagliwanag ang mukha sa akin. “Kumusta ka na, hija? Pasensya ka na at hindi kita masyadong nabati noong interview n’yo sa VBC,” ang nakangiting saad sa akin ng ginang.

Todo yuko naman ako sa lahat bilang pagbati. Iniwasan kong mapadako kay Sir Paolo ang tingin ngunit napaka-imposible niyon.

“And of course, Lolo Boss? Meet Mirasol,” baling ni Trisha sa lalaki. Bilang paggalang ay binati ko rin ito. Tumango lang ito sa akin na walang mababakas na anumang ekspresyon. Lalo tuloy akong nailang.

“Kilala na namin siya. Sino pa ba’ng hindi?” ang nakangisi namang wika ni Sir Xyren.

“Dito kana maupo, Mirasol, sa tabi ko,” biglang utos sa akin ni Ma’am Yuna.

Natigilan naman ako saglit bago nahihiyang sumunod dito. Kumindat lang sa akin si Trisha. Naupo ako sa gitna nina Ma’am Yuna at Sir Xyren at nakita ko na lang na sinisenyasan ito ng ina ni Señorito na lumipat ng upuan.

“Tita, bakit ako lilipat? Nauna ako rito!” reklamo ng binata.

“Lumipat ka nga sabi doon sa tabi ni Trisha! Bakit hindi ka makuha sa tingin?”

“Tsk! Oo na nga!”

Pagkatapos ay ngumiti ulit sa akin ang ginang. “Nasaan na ba si Yuan? Gutom na ako. Hindi pa ba tapos ang tsismisan ng mga business partner n’yo?” tanong pa nito na nakatingin kay Sir Paolo.

“Kumain kana kung gutom kana! Bakit hihintayin mo pa ang anak mo? Dala ba niya ang pagkain?” tugon dito ng lalaki.

“Para sabay-sabay na!” anito na hindi nagpatalo sa asawa. “Tsk! Paolo, napakahina mong makiramdam!” mahina pa nitong asik na malinaw ko namang narinig.

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Ma’am Yuna ngunit nawala na rito ang aking atensyon. Nalipat iyon sa hinahanap nitong binata na ngayon ay matiim ang tingin sa akin habang papalapit sa table kasama si Samuel.

“Hello, everyone!” bati nito sa amin na nakatutok pa rin sa akin ang titig. Iyong pagkailang ko sa mga kaharap ay nadagdagan ng kaba dahil kay Señorito. Magkakasakit na yata ako sa puso dahil sa kaba.

“Yuan, kanina pa kita hinahanap. Okay na ba ang lahat?” tanong ng ina nito.

“Yup.” tango nito bago walang babala na naupo sa katabi kong bangko. Muntik na akong mapatayo sa kabiglaan. Naiilang tuloy akong napatingin sa paligid. Hindi lang Villanueva ang naroon sa mahabang table kun’di maging ang ilang big bosses sa kompanya tulad ng daddy ni Shine na kanina pa ako nginingitian.

“Charls, nasaan na ba ang anak mo? Hindi ba siya sa atin sasalo?” baling ni Sir Paolo rito.

“Nakalimutan kong sabihin, kanina pa umuwi si Shine. Sumakit daw ang ulo,” sagot ng lalaki sabay tingin sa akin. Natigilan naman ako. Walang text message ang dalaga. Siguro ay talagang masama ang pakiramdam nito kaya umuwi.

“Si Lucas, nasaan din? Saka si Patrick? Akala ko ba’y papunta iyon dito?” tinig ulit ni Ma’am Yuna. Ang totoo ay ito lang ang namomoses sa table namin. Natural ang pagiging madaldal nito kaya kahit papaano ay nababawasan ang pagka-ilang ko.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon