Chapter - 109

638 83 61
                                    

Mirasol

Napatuwid ako ng upo nang matanaw ko ang paparating na si Meggan sa coffee shop. Mabuti naman at nagpakita ito sa akin. Nagtatago kasi ito kay Yuan dahil sa ginawa nito. Gusto ko lang malaman ang dahilan niya kung bakit ginawa iyon at kung bakit niya ako gustong sirain sa VBC dahil sa abot ng aking kaalaman ay wala akong ginawang masama rito para ganunin niya.

“Bakit mo ako gustong kausapin?” tanong nito nang maupo sa tapat ko.

Nakakahanga ang composure ng babae. Kahit may ginawang kasalanan ay hindi man lang ito kinababakasan ng pangamba o takot. Siguro ay dahil inakong lahat ni Mico pati ang ginawa niya kaya abswelto siya sa nangyari.

“Gusto ko lang itanong kung bakit mo nagawa iyon?” malumanay kong tanong.

“Alin? Marami akong ginawa kaya alin do’n?” ang nakangisi niyang sagot.

“Bakit mo iyon nagawa kina Mico at Yuan? Mga kaibigan mo sila at sa pagkakaalam ko ay may relasyon kayo ni Mico...”

“Tsk! Anong paki mo? Sino ka para tanungin ako ng ganyan?”

Nagulat ako sa pagtalim ng tinig ni Meggan. Hindi ko inaasahan iyon. Bakit pakiramdam ko ay may matindi itong galit sa akin? Wala naman akong natatandaang ginawa para magalit ito. Kung tungkol naman kay Yuan ay hindi ba at matagal na siyang naka-move on sa binata?

“M-meggan, gusto ko lang malinawan. Bakit mo inutusan si Salvejo na idamay ako sa issue—”

“Of course para sirain ka!”

“Ano?” nanlalaki ang matang reaksyon ko. Ni hindi manlang ito nag-deny at taas-noo pa sa pagsasabi niyon. Nakadama tuloy ako ng disgusto sa dalaga.

“Lagi ka na lang kasing nakaharang sa akin! Inagaw mo na nga si Yuan noon tapos ay kinuha mo pa ang atensyon ni Mico ngayon.”

“Wala akong inagaw sa iyo, Meggan,” sabi ko na pilit nagpapakahinahon.

“Talaga? Kung hindi ka dumating ay maayos pa sana kami ni Mico. Pero anong nangyari? Ayaw na niya sa akin dahil ikaw na ang gusto niya!”

“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. May boyfriend ako at—”

“Mirasol!” tawag niya kaya nahinto ako sa pagsasalita. “Hindi mo ako kilala kaya huwag mo na ulit itong gagawin! Hangga’t maari ay pinipigilan kong ulitin ang ginawa ko noon kaya please lang! Huwag kang pahara-hara!” mariing sabi ng kausap na may halong pagbabanta ang tinig.

Naguluhan ako sa ibig nitong sabihin pero hindi ko iyon magawang linawin sa kanya. Natatakot ako sa ibinabadya ng mga mata ni Meggan.

“Akin lang si Mico! Papatay ako kapag may umagaw sa kanya mula sa akin!” saad pa nito bago umalis doon.

Kinilabutan ako sa huli nitong sinabi kaya nasapo ko ang dibdib na biglang kumabog nang malakas. Nasabi lang ba niya iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Mico o talagang kaya niyang pumatay?

Meggan...



Shine

Inagahan ko talaga ang pagpunta sa mansyon nina Yuan sa pag-asang naroon ang binata. At tama nga ako ng hinala dahil kompleto silang nag-aagahan pagdating ko. Agad akong inaya ni Tita Yuna na sumabay sa kanila. Ipinakilala na rin niya ako kay Pauline, bunso nila. Kilala ko naman ito pero hindi kami nagkakadaupang palad noon dahil bukod sa madalang akong magawi sa kanila ay malayo ang agwat ng edad namin kaya hindi kami masyadong close ng dalaga.

“Magbe-bake raw kayo ni Mommy ngayon, sabi niya. Mahilig kang magluto?” nakangiting tanong ni Pauline.

“M-medyo. Naiinip kasi ako sa condo. Si Mommy naman ay walang masyadong alam sa kusina,” sagot ko sabay sulyap sa kuya niya. Tahimik lang itong nakikinig sa amin habang kumakain.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon