Chapter - 104

604 86 50
                                    

Mirasol

Kinabukasan, pagdating sa VBC ay nagpatawag agad ng meeting si Yuan. Sobrang seryoso ng mukha nito at halatang galit. Alam kong tungkol pa rin iyon sa Blue Ladder. Gaya ng sinabi nito kahapon ay tiyak na may paglalagyan na ang kompanya ni Mico. Pero ang tanong ko lang ay sino ang traydor sa VBC? Walang binanggit na pangalan si Yuan at nakalimutan ko ring itanong ang tungkol doon.

“Tara na, Mirasol. Importante ang meeting ngayon,” sabi ni Vienna sa akin.

“Mauna kana. May hinahanap pa ako,” sagot ko sa kababata. Hindi ko kasi makita ang portfolio na ibinigay sa akin ni Salvejo. Balak kong sabihin kay Yuan ang tungkol doon pagkatapos ng meeting ngayon.

Nakahinga ako nang maluwag pagkakita sa portfolio. Naisip kong i-check muna iyon bago ko ipakita sa nobyo. Siguradong masesermonan si Salvejo pero sana’y hindi siya tanggalin ni Yuan sa project. Lahat naman ay pwedeng magkamali kaya sana ay bigyan niya ng chance ang lalaki.

Binuksan ko ang mga papeles sa loob at mabilisang binasa. Ngunit bigla akong natigilan. Pagkuwa’y daig ko pa ang binomba nang mabasa ang laman ng mga papeles. Agad akong nanlambot habang isa-isa itong binasa. Naroon ang mga confidential files ng VBC at Blue Ladder. Ilang saglit na hindi ko maintindihan ang nangyayari pero nang mahamig ko ang sarili ay ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko. May mali sa mga papeles na hawak ko.

“Mirasol, hinahanap ka ni Sir Yuan. Ikaw na lang ang wala!” tawag sa akin ni Vienna.

Mabilis kong ibinalik ang mga papeles sa portfolio at nanginginig ang kamay na itinago iyon sa aking drawer. Kailangan kong sabihin kay Yuan ang tungkol doon. Baka madamay ako! O mas tamang sabihin na idinamay akong sadya ni Salvejo.

Pagpasok ko sa conference room ay nagkakagulo ang lahat tungkol sa issue tungkol sa Blue Ladder. Ganoon pa man ay lumapit ako sa nobyo at kabadong humawak sa braso niya.

“Yuan, pwede ka bang makausap saglit?” tanong ko. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ay siguradong namumutla ako. Ngayon lang ako natakot nang ganito.

“Later, Babe. Importante ang meeting ngayon. Are you okay?” Pinisil nito ang isa kong palad.

“M-may problema ako—”

“Don’t worry. Mamaya ay aayusin natin, hmmm.”

Nagsimula ang discussion kaya hindi na ako nagkaroon ng tsansa na pilitin ang nobyo. Sobrang lakas ng kaba ko nang dumako sa issue ng Blue Ladder ang topic.

“Mamaya ay personal kong pupuntahan ang Blue Ladder para sabihin sa kanila ang kasong isasampa natin.”

“Nasaan ang ibedensya, Yuan? Puro lang tayo hinala rito!” iling ni Sir Xander.

“Tama ang pinsan mo!” sang-ayon ng isang executive.

“Okay. Vienna, papasukin mo na ang traydor ng VBC!” utos ni Yuan sa dalaga. Nagkatinginan naman ang mga tao roon maliban kina Xyren at Sir Charls na mukhang may alam sa nangyayari.

Bumalik si Vienna kasama si Salvejo Acejo na labis kong ikinagimbal. Wala sa loob na napahawak ulit ako sa braso ni Yuan. Pero nasa lalaki ang atensyon niya ng mga oras na iyon.

“Siya ang ebidensya. Nahuli siya ng mga inutusan ko na nagta-traydor sa kompanya. At inamin naman niya ang lahat sa akin kapalit ng hindi niya pagkakakulong!” pahayag ng binata sa lahat.

Pakiramdam ko naman ay mahihimatay na ako sa sobrang stressed. Walang nakapansin sa panginginig ko dahil nakatutok ang tingin ng lahat kay Salvejo. Wala man lang nababakas na takot sa mukha ng lalaki.

“Sir Yuan, umamin ako sa kasalanan ko dahil nagi-guilty na ako. Pinagsisisihan ko na ang lahat. Inutusan ako ni Mico Benites na mag-apply rito at sabihin sa kanya ang lahat ng impormasyong kailangan ng Blue Ladder.”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon