SHINE
Ngayon ang araw ng pagpunta ng mga Villanueva sa bahay namin upang pag-usapan ang tungkol sa amin ni Yuan. Panay ang dasal ko na sana ay dumating ang binata.
Alam kong kinamumuhian ako ni Yuan ngunit wala akong pakialam! Ang gusto ko ay makasal kami kahit ibang babae ang mahal niya. Ayos lang sa akin iyon basta mapasa-akin ito.
Kaya lang, dumating ang mag-asawang Villanueva nang hindi kasama ang panganay na anak. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha ng parents ko nang hindi makita si Yuan.
“Where’s Yuan?” tanong ni Dad kay Tito Paolo.
“Alam mong hindi namin sakop ang utak ng batang iyon. Ilang beses ko nang sinabi sa iyo!” mahinang sagot nito sa ama ko sabay sulyap kay Mommy na hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha ng mga oras na iyon.
“Tsk! Ano’ng silbi ng pagdalaw n’yo kung wala naman siya?”
“Charls, intindihin na lang muna natin si Yuan. Alam mo naman na may pinagdaraanan pa siya. Pero huwag kang mag-alala, hindi namin hahayaan na maging bastardo ang apo namin,” sabi ni Tita Yuna. Walang nagawa si Daddy kun’di bumuntong hininga.
Hindi ko naman alam ang gagawin. Tinatalo ako ng pangamba. Paano kung hindi pa rin ako pakasalan ni Yuan sa kabila ng pagpapanggap kong buntis? Ano pa ang maari kong gawin para maangkin ang binata? Baka mabaliw na ako kapag hindi kami nagkatuluyan.
“Doon na muna tayo sa dining room. Nagpahanda ako ng masarap na hapunan sa maid,” sabat ni Mommy na pilit ang ngiti sa labi.
“Okay kana ba, Aimee?” nag-aalala namang pangangamusta ng mommy ni Yuan sa kanya.
“Oo. Salamat, Yuna.”
Pagkuwa’y nagpaalam ito na may kukunin sa kusina. Sumunod ako sa ina upang alalayan ito. Mahina pa kasi si Mommy at hindi pa lubos na magaling kaya lang ay nagpumilit na agad itong kumilos.
“Mom, ako na,” sabi ko na agad kinuha ang hawak nitong casserole na pinaglalagyan ng ulam.
“Umaasa ka talaga na darating si Yuan?” paasik nitong tanong na ikinatungo ko. “Hindi ang tulad niya ang susunod sa utos ng magulang. Ako ang napapahiya sa ginagawa mo!”
“Mom, please! Don’t stress yourself too much. Baka kung mapaano na naman kayo, e!” nag-aalala kong pigil dito.
Umiling lang ito pagkuwa’y nagpatiuna na sa akin patungo sa dining table.
Pagdating doon ay muntik ko nang mabitawan ang hawak nang makita si Yuan na kadarating lamang. Para akong tumama sa lotto habang nakatitig dito. Hindi ako makapaniwala na pumunta siya. Iyon nga lang, mukhang nakainom ang binata. Magulo ang buhok nito at wala sa ayos ang suot na long sleeve dress shirt.
Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Ang importante ay dumating siya.Ni hindi man lang ito bumati sa amin at basta na lang naupo sa malayong silya. Nagkatinginan tuloy kami ni Daddy.
“Kumain na muna tayo. Marami akong pinaluto at lahat ay paborito mo, Yuan,” nakangiting wika ni Mommy rito.
“Thanks, Tita, pero busog ako. Isa pa’y wala akong gana. Sino ba naman ang gaganahang kumain kung alam mo naman na pinipikot kana?”
Lahat kami ay napanganga sa sarkastikong sinabi ni Yuan. Takot akong napatingin sa direksyon ni Mommy.
“Paul Yuan, huwag kang bastos!” galit na saway rito ni Tito Paolo.
Hindi man lang kinakitaan ng pagsisisi ang binata. Sa halip ay nang-iinsulto pa
niya kaming tiningnan ni Daddy.“I’m wondering kung alam mo ang puno’t-dulo nito, Tita Aimee. Hindi naman lingid sa iyo na may fiancee ako.”
“N-naikwento ko na kay Mommy ang lahat. Hindi natin sinasadya ang nangyari sa atin at aksidenteng nagbunga iyon,” maagad kong saad.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...