Chapter - 119

638 83 59
                                    

Mirasol

Napaatras ako mula sa paghakbang paakyat sa baytang ng hagdanan nang makita ko si Mico na pababa roon. Maging ito ay natigilan pagkakita sa akin. Pareho kami huminto nang magtama ang aming paningin.

Ilang saglit bago ko nagawang hamigin ang sarili. Bilang kagandahang asal ay binati ko ito sa pamamagitan ng tipid na tango. Gayon din naman ang ginawa ng lalaki. Nagtaka ako kung bakit siya narito sa mansyon. Bakas din ng hindi maipaliwanag na lungkot sa mukha nito kaya bahagya akong nagtaka roon. Tingin ko pa nga ay galing siya sa pag-iyak dahil medyo mapula ang mga mata niya.

Pero ano namang pakialam ko roon?

Itinuloy ko ang paghakbang at ganoon din ito. Nang makalampas sa kanya ay hindi ko napigilan ang sarili na lumingon dito. Kumunot ang noo ko sa tila laglag ang balikat nitong paglalakad. He looks devastated. Ayoko man ay nakadama ako ng pag-aalala. Nag-alala ako na baka tungkol kay Tita Marisa ang dahilan ng pagkakaganoon nito.

“Mirasol! Nandito ka na pala!” ang nakangiting bati ni Tita Yuna pagkakita sa akin. Pareho pa kaming tumanaw sa paglabas ni Mico ng bahay.

“Tita—Mommy, ano pong ginawa ni Mico rito?” hindi ko napigilang itanong.

“N-nagpaalam lang sa akin. Malapit na kasi silang umalis ng mommy niya. Well, mukhang made-delay ang flight nila ngayon,” anito na lihim kong ikinahinga nang maluwag.

Akala ko ay kung ano na. Pero ano kaya ang dahilan at made-delay ang pag-alis ng mga ito? Gusto ko pa sanang magtanong pero nag-alala ako sa iisipin ng ginang kaya hindi ko na lang ginawa.

Nagpalit ako ng damit pambahay at pagkatapos ay tumulong sa kusina na magluto ng hapunan. Nakasanayan ko na iyon mula nang tumira dito. Kasundo ko ang lahat ng maid dahil iyong iba ay kakilala ko na noong mangamuhan kami rito. Si Bing naman ay pormal ang pakikitungo sa akin o mas tamang sabihin na ito lang ang naiilang. Tingin ko pa nga ay takot itong kausapin ako. Naisip ko na baka dahil kay Yuan. Halata kasi ang trauma ng mga ito sa binata. Kapag nasa bahay ang nobyo ay ilag na ilag ang mga ito at kulang na lang ay magtago kung saan-saan.

Kagaya na lang ngayon. Masaya kami sa pagluluto kasama ng tatlong maid doon nang bigla na lang silang nagsi-alisan sa kusina. Nalaman ko na lang na dumating na pala kasi si Yuan. Pumulupot ang isa nitong braso sa baywang ko at binigyan ako ng isang matunog na halik sa labi at pisngi.

Hindi ko masisisi ang mga maid. Ako man noon ay nangingilag din sa binata. Iba kasi ang kasungitan nito.

“Babe, bakit ikaw na naman ang nagluluto?” he asked habang nakayakap sa likuran ko.

Naiilang man ay hindi ko na siya sinaway. Ganoon talaga ka-PDA ang nobyo. Kahit nasa paligid lang ang parents at kapatid niya ay lantad ang paglalambing nito. Minsan nga ay muntik pang mabulunan sa kape si Tito Paolo nang makita ang bigla niyang paghalik sa akin. Ako iyong hiyang-hiya. And to think na si Yuan pa mismo ang nagsabi noon na ayaw niya ng PDA. Tsk!

“Yuan, alam mong hindi ako sanay na hindi tumutulong sa gawaing bahay. Saka nagustuhan naman nina Tita ang luto ko, a?” sagot ko.

“Oo nga. Pero malapit na yata akong maging vegetarian dahil sa mga luto mo!”

Napatawa ako sa narinig. Kadalasan kasi ay gulay ang niluluto ko. At dahil plastic si Yuan ay palagi itong nagkukunwaring sarap na sarap sa pagkain niyon. Siya lang talaga ang pihikan masyado.

“Umakyat kana roon at baka madumihan ka pa rito,” mayamaya ay taboy ko sa nobyo na nananatili sa aking likuran.

“Sama ka kaya muna sa akin sa itaas?”

“Bakit?” taka kong tanong. Hindi ko pansin ang ngisi niya dahil abala ako sa paghahalo ng itlog.

“May good news ako sa iyo!”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon