Chapter - 50

833 103 56
                                    

Mirasol

Nagsunod-sunod ang ubo ko dahil sa sinabi ni Tita Yuna. Agad naman itong tumayo para lapitan ako at himasin sa likod.

“Ayos ka lang ba, Mirasol?” tanong pa ng babae sa akin.

“O-opo,” sagot ko matapos uminom ng tubig.

Bumalik ito sa pwesto niya at  nginitian ako. “Pasensya kana. Mukhang nagulat ka sa sinabi ko. Na-excite lang ako,” hingi nito ng paumanhin sa akin. Lalo tuloy akong nailang sa babae.

“Ma’am—I mean, Tita, ayos lang po iyon.”

Huminga ito nang malalim saka ginagap ang kamay ko na nasa table. “Alam ko ang tungkol sa inyo ni Yuan. Sorry kung medyo pakialamera ako, kaya lang ay gusto ko kasing maging maayos ang lahat lalo na sa pakikipag-relasyon ng mga anak ko. Nabigo na ako sa bunso ko nang bigla itong tumalikod sa kasal niya. Akala ko’y alam ko ang lahat sa kanila pero hindi pala. Kaya ganito ako kay Yuan ngayon. Ayokong matulad kayo kina Pauline at Lucas,” ang mahaba nitong salaysay.

Pauline at Lucas? nasabi kong patanong sa isip. Kaya pala may ganoong tsismis sa kompanya tungkol sa dalawa. Hindi ko lamang masyadong pinansin dahil para sa akin ay pribadong buhay na iyon ng mga ito para pag-usapan m.

“Noon pa man ay gustong-gusto kana ng anak ko. Tutol kami noon dahil napakabata mo pa at siya ay higit ang tanda sa iyo. Pero ngayon ay nasa tamang edad kana. Ang gusto ko na lang malaman ay kung ano ang nararamdaman mo para kay Yuan?”

“T-tita . . .” nauutal kong sambit. Kailangan ko ba talaga iyong sagutin? Ina mismo ng binata ang nagtatanong. Parang napaka-awkward naman yata ng ganitong konbersasyon.

“Don’t worry, Hija. Atin-atin lang ito. Nalaman ko na pinilit ka lang ni Yuan para pumayag na maging secretary at nobya niya. Mali siya sa ginawa niya kaya pinagalitan ko. Hindi mo kailangang matakot dahil nasa likod mo ako. ”

“A-ano po’ng ibig niyong sabihin?” taka kong tanong.

“What I mean is hindi mo kailangang sundin ang utos niya kung labag sa iyong kalooban. Kahit mahal ka niya ay wala siyang karapatan na pilitin kang makipag-relasyon sa kaniya.”

Natigilan ako saka napayuko. Pati pala iyon ay alam na rin nito. Ano ang isasagot ko kay Tita Yuna?

“Kahit sinong babae ang gustuhin ng anak ko ay gugustuhin ko rin. Pero kung wala kang pagtingin sa kaniya—pwede ka namang umatras. Ako ang bahala! Just say no to him. Huwag ka ring mag-alala na baka mawalan ka ng trabaho. Pwede kitang ilipat sa YLV jewels. Lumayo ka sa anak ko habang maaga pa kung wala ka talagang nararamdaman sa kaniya.”

Lalo akong napipilan sa narinig. Pakiramdam ko ay kinikilatis talaga ng ginang ang damdamin na mayroon ako para kay Señorito. Wala naman akong duda na kaya niyang gawin ang mga sinabi. Binibigyan niya ako ng tsansa na makalaya mula sa kondisyon ng kaniyang anak. Pero ang tanong ay ano ba talaga ang gusto ko?

Oo, pinilit lang ako ni Señorito. Ginipit niya ako para sa pera na kailangan ko. Hindi ko siya kayang pakibagayan dahil sa ugali niya. Pero sa kabila niyon ay alam kong gusto ko ang binata. Noon pa man ay may iba na akong atraksyon dito bagama’t mas nananaig sa akin ang takot.

“Mirasol?” untag ni Tita Yuna.

Nakatitig lang ako sa babae at walang maisagot. Nahihiya ako. “T-tita . . .”

“Okay! I got it,”  anito saka binuksan ang bag at may kinuha roong isang card saka ini-abot sa akin.

“Ano po ito?” maang kong tanong.

“Referral card iyan para sa pag-transfer mo sa YLVJ. Hindi ka na roon masusundan ni Yuan at makakasama mo pa si Trisha.”

Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ko ang card. Ito naman ay umakma nang tatayo nang bigla ko siyang pigilan.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon