Mirasol
Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kwarto. Kung wala lang akong bali sa paa ay baka nagpalakad-lakad na ako roon dahil sa pagkabalisa. Maayos naman na ang pilay ko at naiilakad ko na iyon nang tuwid. Kaya lang ay medyo sumasakit pa rin kapag nagsusuot ako ng heels kaya baka sa Lunes pa ako makapasok.
Mayat-maya ang tingin ko sa orasang pambisig, gayon din ang pagsilip sa bintana. Ano mang oras ay darating si Yuan sa bahay at kinakabahan ako dahil first time kong tatanggap ng bisita.
Hindi ko pa nasasabi kay Ate na dadalaw ang nobyo. Abala ito sa karinderya maghapon kaya hindi ko nabanggit sa kanya ang tungkol doon. Isa pa ay natatakot ako sa magiging reaksyon nito.
Ilang beses na rin akong nagsuklay ng buhok at nagpolbo ng mukha. Gusto ko na maging presentable pagdating ni Yuan. Sa totoo lang ay miss na misa ko na ito. Kung pwede nga lang ay pupuntahan ko siya sa condo unit niya. Kung hindi nga lang nakakahiya.
Ilang minuto pa ang lumipas at bigla ko na lang narinig ang sunod-sunod na tili ni Tonio sa labas ng bahay namin. Agad akong sumilip at ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib ko nang makita ang limang sasakyan na nakahinto sa tapat ng aming bahay.
Bumaba roon sina Xyren, Samuel, Patrick at saka si Yuan na may hawak na dalawang bouquet. Halos pumitlag ang puso ko nang matitigan ang gwapong nobyo. Napansin ko rin ang mga usyoserong kapitbahay na nagsimulang magtumpukan sa aming tapat.
“Ang popogi! Pasok kayo, dali!” tuwang-tuwang salubong sa kanila ng aking kapatid na bading. Nang tumingala si Yuan sa aking gawi ay bigla akong nagtago sa kurtita ng bintana habang sapo ang dibdib. Muntik na niya akong makita.
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib nang maupong muli sa gilid ng higaan. Hindi ako mapakali kaya sinuklay ko na lang ulit ang aking buhok. Mayamaya ay kumatok si Lileth. Kunwari ay nagtatanong ang tingin ko sa pamangkin nang pagbuksan ito.
“Tita Sol, tawag ka ni Mama. May mga gwapings kasi sa baba,” anito.
“G-ganoon ba? S-sige susunod na ako,” simpleng sagot ko.
“ ‘Di mo sinabi sa akin, Tita, panlaban pala ang boyfriend mo. Kaya pala ‘di ka paawat kay Mama, hihihi!” bungisngis pa ng pamangkin na ikinapula ng aking pisngi. Bago ko pa masermonan ang dalagita ay mabilis na itong nakalayo sa kwarto ko.
Ang lakas ng kaba ko nang bumaba sa hagdanan. Nasalubong ko agad ang titig ng nobyo na mabilis tumayo para salubungin ako pagbaba.
“H-hi,” nahihiya kong bati rito.
“Hello. Miss you,” bulong nito na agad kong ikinapula. Kunwari na lang akong bumaling sa mga kasama niya na magkakatabing nakaupo sa mahabang sofa sa sala. Para silang mga paslit na walang kakibo-kibo roon at panay ang tingin sa ate ko na naglalakad galing sa kusina.
“Pagmeryendahin mo muna ang mga bisita mo, Mirasol!” seryoso ang mukhang utos ni Ate nang ilapag ang tray ng juice sa lamesita kasama ng brownies.
“Galit ba ang ate mo, Mirasol?” pabulong na tanong ni Patrick nang makalayo ito.
“Hindi naman,” sabi ko.
“Buti kung ganoon. Kakain lang ako ng brownies at sa labas ko na hihintayin si Yuan.”
“Ako rin,” segunda ni Xyren. Siniko nito si Samuel kaya napilitan ding gumaya ang binata.
“I’ll secure the area,” anito.
Ilang sandali pa ay kami na lang ni Yuan ang naiwan sa sala. Tahimik kaming magkatabi roon at nagpapakiramdaman sa isat-isa. Sina Ate, Lileth at Tonio ay paroo’t parito kaya panay ang kamot sa ulo ng binata. Hindi ito mapakali at mayamaya ay inalis nito ang suot na kurbata.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...