Chapter - 33

778 92 50
                                    

Mirasol

Isang taon ang matuling na lumipas. Sa wakas ay nakapagtapos na rin ako sa kolehiyo. Sobrang saya ko nang makuha ang ikalawang karangalan. Pagkatapos ng ceremony ay dumaan muna kami nina Ate Moneth, Tonio at Lileth sa puntod ng aming ina. Gusto kasi naming ipakita nang personal kay Nanay na natupad na ang pangarap niya para sa akin.

Pagkagaling doon ay saka kami dumiretso sa bahay para magsalo-salo. Kumpleto ang pamilya ni Kuya Jojo at dumating din si Kuya Rommel kasama ang asawa at anak nito. Naroon din sina Riko at Grace na tangi kong inimbita sa simpleng pagdiriwang na iyon at si Aling Coni.

“Congratulation, Mirasol!” bati ni Riko nang ibigay sa akin ang dala niyang regalo.

“Salamat. Nag-abala ka pa,” nahihiya kong sabi sa binata.

“Ganyan talaga kapag espesyal. ‘di ba, Riko?” nanunudyo namang sabat ni Grace na agad kong ikina-ilang.

“Tama na muna ang ligawan. Kumain na tayo,” saad naman ni Kuya Tonio.

Nagsimulang kumain ang lahat habang nagkwekwentuhan. Pansit, puto, at adobo ang niluto ni Ate Moneth. Sobrang ingay sa bahay namin dahil sa mga pamangkin ko ngunit masaya ako dahil nakompleto kaming magkakapatid sa mahalagang okasyon na iyon. Kahit may tampo pa rin si Ate kina Kuya Rommel ay alam ko na magkakaayos din sila dahil iisang pamilya kami.

Mula nang magbalik kami sa bahay na iyon ay masasabi ko na gumaan sa amin ang lahat. Nakapag-aral ako nang maayos, gumanda ang sahod ni Tonio sa salon na pinasukan nito. Nang makalaya kasi siya noon sa presinto ay tinanggal ito sa trabaho ng dating amo kaya naghanap siya ng iba at laking pasalamat namin dahil agad siyang natanggap sa ibang salon. Mabait ang amo niya at mas malaki ang sahod. Kaya naman nakaipon kami ng konting puhunan para makapagtayo ng maliit na karinderya si Ate Moneth sa tabi ng aming bahay. Higit sa lahat ay nakakapag-aral na rin si Lileth. Tuluyan itong gumaling matapos operahan at ngayon ay isa na siyang normal na dalagita.

Sa ngayon ay wala na akong mahihiling pa kun’di ang ibalik sa pamilya ko ang lahat ng sakripisyo nila para makatapos ako lalo na kina Ate at Tonio. Ang balak ko ay maghanap agad ng trabaho. Ngayong may diploma na ako ay uumpisahan ko na ang hakbang para sa pag-abot ng pinaka-pangarap ko. Ang iahon sa hirap ang aking pamilya.

Kaya naman pagkaraan ng isang linggo ay sinimulan ko na ang mag-apply ng trabaho.



Vienna

“Graduate kana, anak. Kailan mo balak maghanap ng trabaho?”

Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Mommy. Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang magtapos ako ay heto at tila naiinip na ito na magkaroon ako ng trabaho.

“Mom, gusto ko munang magpahinga. Hindi biro ang college! Isa pa ay madalang ang mga hiring ngayon dahil magpapasko,” katwiran ko sa ina.

“Hindi naman sa minamadali kita. Alam mo naman na wala na tayong pera. Kailangan ng maintenance ng daddy mo.”

Natigilan ako saka sumulyap sa ama na nakaupo sa wheelchair at kasalukuyang sinusubuan nito ng pagkain. Six months ago ay inatake si Daddy at malubha iyon. Nasaid ang pera namin sa banko dahil sa pagpapagamot dito. Maging ang tindahan na tanging pinagkukunan namin ay wala na halos laman. Hindi na alam ni Mommy kung saan kukuha ng pera dahil wala naman itong alam na trabaho. Ayaw namin na malaman ng mga kapitbahay na naghihirap na kami kaya hindi namin ipinahahalata sa tao ang pinagdaraanan ng pamilya ko.

“Huwag kang mag-alala, Mom. Promise ko sa iyo na makakapag-work agad ako. Ako ang bahala sa inyo ni Daddy, okay?” malungkot kong saad na pinilit lang ngumiti.

“Aasahan ko iyan, anak. ‘Nga pala, nakita ko si Mirasol kahapon. Mukhang naghahanap na ng trabaho. Baka maunahan ka niya,” sabi pa nito na ikina-tiim ng aking bagang. Tuluyan akong nawalan ng gana sa pagkain dahil doon.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon