Chapter - 15

970 120 108
                                    

PAOLO

Tuluyan nang umalis ang panganay na anak habang habol ito ng tanaw ng kaniyang ina at kapatid. Kapwa umiiyak ang dalawang babae dahil sa pag-alis ni Yuan.

"Sundan mo ang sutil na iyon! Siguraduhin mo na babalik siya dito!" utos ko kay Samson na nakatunghay rin sa papalayong taxi na kinalululanan ng anak. Agad naman itong tumango.

Pagkaalis ng lalaki ay umakyat na ako sa kwarto. Masakit ang ulo ko at kailangan ko iyong ipahinga. Sobrang stressed ang dala sa akin ng panganay na anak. Sinisingil na yata ako sa pagpapalayaw na ginawa ko rito mula pagkabata, tssk! Pero iba ang tungkol sa kanila ni Mirasol. Hindi ako naniniwala na totoo na ang damdamin ni Yuan sa dalagita. Masyado pa itong bata. At ang pag-aalsa balutan niya ay dala lang ng ka-spoild-an. Nasanay kasi ito na nasusunod o nakukuha lagi ang gusto! Marahil, kung kasing edad niya si Mirasol at hinayaan ko sila ay baka ibilang lang niya ito sa mga babaeng napa-ugnay sa kanya. Iyon ang iniisip ko.

Tama lang ang aking ginawa. Naging patas ako at hindi mababali ang desisyon kong iyon kahit hindi ito bumalik sa bahay. Baka mas kailangan niya iyon para maintindihan niya ang tunay na kalakaran ng buhay sa labas ng tahanan namin.

Nahiga ako at ipinikit ang mga mata. Pinilit ko munang alisin sa utak ang problema sa suwail na anak. Kaya lang ay bumukas ang pinto at pumasok sina Yuna at Pauline. Sabay pa silang naupo sa magkabila kong tabi habang umiiyak nang malakas.

"Paolo, suyuin mo naman si Yuan! Bakit kasi hinayaan mo siyang umalis?" umaatungal na saad ng asawa. Pulang-pula na ang mukha nito sa kaiiyak.

"Ang sabi ko sa iyo ay hayaan mo na ang anak mo. Kaya siya lumaking ganoon ay dahil sa pagpapalayaw ko sa kanya!" sagot ko sabay himas sa aking sentido. Ang tinis ng iyak ng mga ito.

"Pero paano kung hindi na talaga siya umuwi rito?"

"Oo nga, Daddy. Broken family na tayo, huhuhu . . ." iyak din ni Pauline.

What?

"Anak, ang broken family ay daddy at mommy ang hiwalay tapos hinahati ang mga anak," paliwanag pa ni Yuna sa bunso namin habang sumisinghot.

"Ganoon din iyon, Mommy!"

"Iba iyon! Di ba, Paolo?" tanong pa sa akin ng asawa.

"Tumigil na nga kayo sa kaiiyak, pwede? Lalong nasakit ang ulo ko."

"Pero, Daddy . . . Si kuya?"

"Oo nga naman, Paolo. Hayaan mo na kasi siyang makasama si Mirasol. Babantayan ko na lang—"

"Tumigil ka!" asik ko sa asawa. Mas mahirap pa yata itong paliwanagan kaysa sa bunso namin.

Napalakas ang boses ko kaya lalong umiyak ang dalawang babae. Para tuloy akong kino-koryente sa utak dahil sa tindi niyon. Kasalanan ito ni Yuan!

"Paolo, kung si Mirasol ang dahilan ng gulo ninyo ni Yuan ay bakit hindi mo na lang hayaan ang anak natin? Please? Sundan mo siya—sabihin mong pababalikin mo na rito si Mirasol!"

"Oo nga, please, Dad? Hindi na kakain ng sotanghon si Kuya kasi wala na si Mirasol!" segunda pa ng dalagita. Anong mayroon sa sotanghon?

"Tama si Pauline. Natutong kumain ng gulay si Yuan dahil kay Mirasol tapos ngumingiti pa lagi."

Napailing ako sa dalawa. Kung sana ay ganito kababaw mag-isip ang aking panganay ay baka wala kaming naging problema. Kaya lang ay matigas ang ulo nito. Naalala ko na halos magkasing edad kami nang umalis din ako sa poder ni kuya Joaquin at namuhay mag-isa sa Maynila. But that is different from what is happening right now.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon