Chapter - 98

664 84 67
                                    

Mirasol

"BABE!" sigaw ko nang bigla na lang sugurin ni Yuan ng suntok si Mico. Napahandusay sa kalsada ang huli. Agad na umawat ang dalawang gwarya sa gate nang makita ang nangyari.

“Pinalampas ko ang katarantaduhan mo sa kompanya ko pero hindi ka pa rin tumigil! Pati girlfriend ko’y balak mong ahasin!” galit na galit na sabi ni Yuan sa binata. Pigil ko ito sa isang braso at nasa gitna naman sina Kuya guard.

Hindi umimik si Mico at sa halip ay nakipagtitigan pa ito nang masama sa kaibigan. Walang pakialam sa dumurugo niyang labi.

“Babe, tama na!” awat ko nang magtangka itong muli na sumugod. Ako naman ang binalingan ni Yuan at mariin niya akong hinaklit sa pulsuhan.

“Mamaya ka sa‘kin!”

“Huwag mo siyang sasaktan! Wala siyang ginagawang masama kaya hindi mo siya dapat kagalitan!” ani Mico na lalong ikinanlisik ng mga mata ng kasintahan.

Binitiwan niya ako at muling hinarap ang lalaki. “Nagpapaka-hero kana ngayon sa sarili kong fiancee? Ang tigas ng mukha mong gustuhin si Mirasol! Alam mong nobya ko siya, gago ka!” tiim bagang na wika nito.

“Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. You don’t deserve any explanation—”

“F*cking idiot!”

Muling nanugod si Yuan kaya nabitawan ko ito. Dumating si Meggan at naki-awat na rin sa dalawa.

“Tama na!” sigaw nito. “Bakit kay Mico ka lang nagagalit? Ang girlfriend mo ang punta nang punta rito—”

“Meggan!” bulyaw ni Mico sa babae.

Napayuko naman ako nang matalim na sulyapan ng kasintahan. Pagkuwa’y kinausap muli si Mico. “Huwag mo akong punuin, Mico! Baka makalimutan kong naging kaibigan kita!”

“B-babe...” hikbi ko.

Kinaladkad niya ako pasakay sa kotse niya habang nangangatal sa poot. Nakakatakot ang ekspresyon ng mukha ni Yuan pero manhid pa ang aking pakiramdam dahil sa mga nalaman kay Mico kaya hindi ko ito masyadong mapagtuunan ng atensyon. Nanatiling tikom ang aking bibig habang nagmamaneho siya.

“Kailan ka pa nagtutungo ro’n, ha?” ilang sandali ay tanong nito.

“M-matagal na rin—”

“Sh*t! And you keep that from me all this time?” magkahalo ang galit at pagdaramdam na tanong nito.

“Ayoko lang na mag-isip ka ng iba. Isa pa, si Tita Marisa ang pinupuntahan ko ro’n—”

“Wala akong pakialam! The fact that you’ve been seeing him without my knowledge is considered a betrayal to me! Don’t you know that?!” bulyaw nito.

“Babe—”

“Don’t babe me!” asik pa nito.

Napayuko ako habang patuloy na umiiyak.

“It’s Yuan from now on! How could you call me your babe when you lied to me?”

“A-ano? Huwag ka namang ganyan! Kaka-engage lang natin—”

“Iyon na nga, e! You’re engaged to me! You are mine! Alam mong ayoko ng sinungaling! Ayoko na may itinatago ka sa akin! Ayoko na nakikipagkita ka sa ibang lalaki!”

Napaiyak akong lalo. Alam kong mali ako. Nasaktan ko si Yuan. Dapat ko itong suyuin pero parang ang hirap gawin dahil sa dami ng gumugulo sa utak ko. Trinaydor ako ni Shine at ngayon ay niloko ako ni Mico, pati na ni Mang Bert. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat ng iyon sa kanya. Natatakot ako na baka lalo silang magkagulo. Ni hindi ko nga alam kung ipapaalam ko ba kina Ate Moneth ang mga nalaman ko. Nahihiya ako sa kanila. Dahil sa akin ay nadamay ang mga ito.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon