Chapter - 72

691 93 52
                                    

Vienna

Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Basta ang alam ko, I need to save him. Pagkapasok ko pa lang ng condo building, nakita ko na agad si Sir Yuan na kausap ang mga bodyguard niya. Kaya nataranta na ako at nagmadaling sumakay ng elavator. Praying na mauna ako sa kanya.

Ngayon lang ako kinabahan nang ganito para sa ibang tao. Kung si Mirasol lang iyon ay ano bang pakialam ko? Pero involved si Riko. Kapag nakita sila ni Sir Yuan—who knows what he’s gonna do? Ang sa akin ay masamang kutob lang. Mabuti na ang sundin ko iyon kaysa pabayaan si Riko na mapadamay sa kabaliwan ni Shine.

Pangarap ni Riko na makapagtapos ng pag-aaral at malaking tulong ang pagtatrabaho niya sa VBC para matupad iyon. Kung masisira siya sa CEO namin ay saan siya pupulutin? Tulad ko noon, baka mapatalsik siya nang wala sa oras. At iyon ang ayokong mangyari.

Pagkababa ko ng elevator ay naabutan ko nga si Riko sa tapat ng pinto ng unit ni Sir. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin din kay Mirasol. At naka-roba pa nga ang bruha. Gaga talaga!

“Riko!” tawag ko na dire-diretso ang takbo palapit sa kanila.

When I heard a sound from the onother elevator, hindi na ako lumingon pa dahil sigurado akong si Sir Yuan ang sakay niyon.

Oh my gosh! Oh my gosh!

Sa sobrang taranta ko ay wala akong maisip na gawin para i-save ang binata. Hinalikan ko na lang ito sa labi. Hindi ko alam kung bakit iyon ang ginawa ko pero wala, e. Nangyari na.

Alam kong nagulat si Riko nang halikan ko siya. Ini-expect ko na itutulak niya ako pero nabigla ako nang hawakan niya sa baywang.

Shit! Totoo ba ito? Ginagantihan niya ang halik ko?

In my peripheral vision, I saw the door shut and Mirasol is gone. Our lips are still on each other. Nakapikit si Riko kaya pumikit na rin ako.

“Excuse me. You’re blocking my way!” boses ni Sir Yuan.

Agad kaming nagbitaw at tumingin dito. Nakita ko ang pagkagitla sa mukha ng lalaki nang makilala ako. Si Riko naman ay tulala at hindi pansin ang presensya ng boss namin.

“What are you doing in my building? Dito pa talaga kayo naglalandian sa tapat ng unit ko?!” salubong ang kilay na tanong niya habang palipat-lipat ng tingin sa amin. Lalo kumunot ang noo nito nang makilala si Riko.

“S-sorry, Sir. Monthsary kasi namin. Nagpasama lang ako sa kanya paparito. May idadaan kasi ako kay Mirasol,” mabilis kong paliwanag. Clueless ang mukha ni Riko pero hindi na ito nagsalita pa.

“Ano iyon?”

Kinuha ko ang portfolio sa kamay ni Riko at ipinakita sa lalaki. “Naiwan niya sa office. Nagmamadali kasi siyang umalis kanina.”

He smiled a little after hearing that. “Okay, ako na ang magbibigay,” he said.

“Thank you. Aalis na kami.”

“Yeah.” He just shrugged. Saka pumasok sa loob at hindi na kami nilingon pa.

Para akong nabunutan ng tinik. Nang nasa loob na kami ng elevator ay hindi ako makatingin nang tuwid kay Riko. Naalala ko lang ang katangahan ko. Ngayon lang nagsi-sink in sa utak ko ang nangyari. That was my first kiss. Pero okay lang. Si Riko naman iyon, so okay lang.

“Vienna, bakit mo ako hinalikan?”

Muntik na akong matumba nang marinig ang tanong ni Riko. Huminga muna ako nang malalim bago ito sinagot.

“Alam mo bang dito na tumutuloy si Mirasol?” He nodded. “Bakit ka pumayag sa utos ni Shine? Kung naabutan kayo ni Sir, ano’ng iisipin no’n?”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon