Chapter - 29

802 99 48
                                    

Paul Yuan

Pagkatigil ng sasakyan sa parking lot ng condominium building ay agad akong umibis doon saka mabilis na naglakad papasok. Ang sabi ni Samuel ay nasa unit ko na si Mirasol. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko sa nadaramang pananabik. Ngunit bukod doon ay mayroon ding galit at inis sa dibdib ko para sa dalaga.

Gusto kong malaman kung paano siya nauwi sa ganoong trabaho kaya naman. binigyan ko si Samuel ng hanggang bukas para alamin ang lahat. Lahat ng lalaking humawak kay Mirasol ay sisiguraduhin kong babagsak lahat. Pero bago iyon ay kailangan muna naming magharap ng dalaga. Dapat nitong ayusin ang paliwanag kung ayaw niyang masaktan!

Pagkarating sa tapat ng pinto ng aking condo unit ay saglit akong tumigil. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Magkahalo ang galit at pananabik kaya bahala na kung ano ang manaig doon. Nang buksan ko ang pinto ay agad akong pumasok at dumiretso sa kwarto. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng bath soap na nagmumula sa banyo. Natigilan ako at agad napatitig doon. Bigla kong naramdaman ang pagnanais na pasukin doon ang dalagang naghihintay sa akin. Isipin ko pa lang na naroon si Mirasol ay nag-react na agad ang aking katawan.

Bwisit! Mahina kong mura sa sarili. Pagkuwan ay pinilit kong i-alis doon ang tingin saka bumaling sa alak na nasa lamesa. Binuksan ko iyon at uminom. Pagkatapos ay saka ko hinubad ang kurbata at ilang butones ng suot na long sleeve. Para kasi akong nainitan bigla kahit nakatodo naman ang aircon sa silid. Mayamaya ay tumanaw ako sa salaming dingding habang sumisimsim ng alak. Mukhang mamaya pa ang labas ni Mirasol mula sa banyo. Huwag niyang sabihin na kinakabahan siya gayong trabaho naman niya ito?

Tsk! Naikuyom ko ang kamao sa naisip. Hindi ko matanggap na may nauna sa akin sa dalaga. May kasalanan din ako kung bakit nangyari iyon kay Mirasol. Kung sana ay noon pa ako umuwi ng Pilipinas at ibinaba ang pride kay daddy ay baka nahanap ko ito agad. Hindi sana naging ganito ang lahat. Pero nangyari na ang nangyari. Pasabugin ko man ang buong VBC ay hindi na mababago ang lahat.

Ngayong gabi ay kukunin ko ang pagkababae ni Mirasol. Kukunin ko ang akin at sisiguraduhin ko na wala ng ibang lalaki ang makakahawak sa kaniya. Ipapaalala ko kay Mirasol kung sino ang nagmamay-ari dito mula pa noon. Pikit-mata kong kakalimutan ang nakaraan niya at itatago iyon sa aking ama. Hindi ko sigurado kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy kung malalaman nito ang trabaho ng babae kaya pagtatakpan ko iyon hanggang sa mai-kasal kami. Pagbalik ko galing Japan ay pakakasalan ko na si Mirasol. Ganoon ang aking plano.

Tunog ng bumukas na pinto ang nakapagpahinto sa aking malalim na pag-iisip. Nakita ko sa salaming dingding ang repleksyon ng babaeng pinananabikan. Pagharap ko sa kaniya ay nagtama ang aming mga mata. Bakas sa maamo nitong mukha ang kabiglaan. Siguro ay hindi nito akalain na ako ang bumili sa kaniya. Iyon ang naisip ko ngunit ilang sandali ay nagtaka ako nang tila may kakaiba sa dalaga.

Hindi ba niya ako naaalala?

Parang lalo kong gustong magalit nang matiyak iyon. How dare her na kalimutan ako?

“Mukhang sanay na sanay kana sa ganitong trabaho?” sarkastiko kong sabi nang hindi ito umimik. Kipit nito nang mahigpit ang robang suot. Gusto ko siyang ismiran pero mukhang hindi naman ako nakikilala ng babae. Pwes! Sa gagawin ko ngayong gabi sa kaniya ay tiyak na maaalala niya kung sino ako!

Nang hindi pa rin ito nagsalita ay lumapit ako sa kaniya. Agad naman itong umatras na ikinataas ng gilid ng labi ko. Playing virgin, huh! Pero dapat lang! Dahil kapag natiyak ko na hindi na siya birhen ay malilintikan siya sa akin.

“Magkano ba ang kailangan mo?” matalim ang tinig na tanong ko. Tinitimpi ko lang ang sarili na bulyawan ang dalaga. Nakita ko na natilihan siya sa galit na nakikita sa aking mukha. Dapat lang siyang mangatal sa takot.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon