Paul Yuan
“Mirasol!!!” malakas kong tawag sa pangalan ng nobya habang kinakatok ang pinto ng bahay nilang magkakapatid. Wala akong pakialam kung magising man ang mga kapitbahay dahil sobrang aga pa nang mga oras na iyon. Medyo umuulan din pero balewala sa akin. Tumawag ako sa mansion at sinabi ni Bing na wala pa rin doon ang dalaga kaya rito ako dumiretso.
“Mirasol!!” muli kong tawag.
Ilang minuto bago bumukas ang pinto at nakita ko si Moneth na mukhang kagigising lamang. Sa likod nito ay naroon si Tonio.
Wala si Samuel?
“Y-yuan?”
“Bayaw, ang aga mo naman. Pasok ka at umuulan diyan!” pupungas-pungas na wika ni Tonio sa akin.
“Nasaan si Mirasol? Umalis siya sa amin at alam kong dito lang siya maaring pumunta! Palabasin ninyo si Mirasol!” sabi ko na ikinagulat ng dalawa.
“U-umalis si Mirasol?” mahinang usal ni Moneth.
“Oo. Huwag ninyo naman siyang itago. Palabasin ninyo ang kapatid n’yo!”
“Pero wala siya rito! Baka naman may pinuntahan lang—”
“Umalis siya! Sigurado ako roon!”
Lalong kumunot ang noo ng dalawa. Ako naman ay nanghina sa reaksyon ng mga ito. Kung hindi dito ay saan magpupunta ang nobya?
Gusto ko sanang halughugin ang bahay ng mga ito ngunit batid ko na nagsasabi ng totoo sina Moneth na wala roon ang dalaga. Wala akong inaksayang oras at umalis doon para umuwi ng bahay namin.
Akyat agad ako sa kwarto at tiningnan kung may note na iniwan ang nobya pero wala. Tiningnan ko ang wardrobe at nabatid kong dala nito ang ilang damit. Napasalamapk ako ng upo nang matiyak na iniwan na talaga ako ni Mirasol. Dinala nito ang lahat maliban sa mga ibinigay ko sa kanya.
Mirasol, bakit? Akala ko ay napatawad mo na ako sa nangyari? Bakit iniwan mo pa rin ako, and worst—you didn’t even say goodbye to me!
Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko para iwan nito? Hindi ba dapat ay sabay naming nilulutas kung ano man ang maging problema at hindi ganitong basta na lang siya nag-alsa balutan! Batid kong nagkamali ako pero handa ko naman iyong pagsisihan. Pero bakit ganito agad ang parusa ni Mirasol?
Ilang saglit na nilimi ko ang sarili. Walang mangyayari kung magpapakataranta ako. Kahit saan ay kaya kong hanapin si Mirasol. Hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Kung kinakailangang suyuin ko ito ay gagawin ko bumalik lang siya sa akin. Marami akong pera at handa ko itong ipahanap kahit saan.
Pagkatapos makapag-isip nang maayos ay tumayo ako para bumaba ng bahay. Hindi ko pinansin ang ilang missed calls mula sa kompanya. Wala akong pakialam doon. Naka-focus ang utak ko sa naglayas na girlfriend.
“Yuan? Bakit mo iniwan ang meeting?” salubong sa akin ni Daddy. Napansin ko na namumugto ang mata ni Mommy na katabi niya sa upuan.
“Umalis si Mirasol at kailangan ko siyang unahin kaysa sa meeting na iyon!” sagot ko.
“Ano’ng gagawin mo kung kusa siyang umalis? Baka pati posisyon mo sa VBC ay mawala kung hindi ka babalik do’n ngayon!”
“Damn it, Dad! I said Mirasol left me! Ni isa sa inyo ay wala man lang nakapansin sa pag-alis niya!” asik ko sa ama.
“Including you, Son!”
“Dahil sinadya niyang lagyan ng pampatulog ang kape ko! Ginaya pa niya ang bruhang Shine na iyon!”
Napasabunot ako sa buhok. Pinipilit kong kumalma dahil ang nasa isip ko ay madali lang makikita kung saan man nagtungo ang dalaga. Pero sa totoo lang ay nagsisimula na akong matakot. Ganitong-ganito rin ang nangyari noong paalisin silang mag-ina ni Dad noon. Bigla tuloy naningkit ang mga mata ko sa ama.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...