Mirasol
Late na ako sa date namin ni Yuan kaya halos tumakbo na ako pagpasok pa lang ng mall. Nakasuot ako ng tattered jeans at simpleng blouse na kulay maroon saka sapatos na puti. Lagi na akong naka-heels sa office kaya nag-rubber shoes naman ako para maiba.
Maraming tao sa mall dahil linggo kaya hindi ko agad nakita ang nobyo sa sinabi nitong tagpuan namin. Dito pa kasi niya piniling makipag-date sa pinakamalaking mall, tuloy ay nalilito ako kung saan siya pupuntahan. Mabuti na lang, namataan ko ang isa sa mga bodyguard niya.
“Babe!” humihingal na lapit ko sa lalaki.
“You’re late! Dalawang oras na ako rito!” nakasimangot niyang sabi.
“Sorry, may emergency kasi sa bahay. Nagmadali na nga ako pagpunta, e.”
“Ano namang emergency iyon? Talagang nagmadali ka pa ng lagay na iyan? Nakapag-braid ka pa nga! Tsk.” Sabay iling nito.
Nahaplos ko tuloy ang buhok na maayos ang tirintas. Gusto ko lang namang maiba ang hitsura sa date namin dahil lagi na lang naka-bagsak ang buhok ko sa trabaho. Si Tonio ang nag-ayos n’on kanina bago ako umalis.
“Let’s go. Gutom na ako!” aya na niya sa akin. Saka bumaling sa mga bantay niya. “Huwag na kayong sumunod. Tatawagan ko na lang kayo pagtapos na.”
“Okay po, Sir.”
Holding hands na kaming naglakad patungo sa isang steak restaurant. Hindi lang alam ni Yuan pero kinikilig ako sa date namin. Napakadalang kasi nitong mag-aya ng ganoon dahil sa trabaho. Mas gusto pa nitong mag-stay sa condo kaysa maggala. Mabuti na lang at naiba ang isip niya.
“May swimsuit ka ba?” tanong niya habang ngumunguya.
“W-wala, e,” sagot ko. Aanhin ko naman iyon?
“Let’s buy after this. Birthday ng kaibigan namin sa Sabado at sa beach resort siya magsi-celebrate. You’ll go with me.”
“Kaibigan?”
“Si Dale. Kilala mo iyon. Bestfriend ni Pauline,” aniya. Pamilyar sa akin ang pangalan pero hindi ko na masyadong maalala.
“Okay.”
“Uuwi rin si Trisha kaya tiyak na kasama rin siya.”
Natuwa ako sa narinig. Mabuti naman dahil ayokong ma-OP sa party na iyon.
Pagkakain nga ay dumiretso kami sa department store. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko sa mga swimsuit. Parang ang laswang isuot ng mga iyon. Sa huli ay si Yuan na lang ang pinapili ko. Nang isukat ko ang isa sa fitting room at halos mamula ako nang makita ang sarili sa kakapiranggot na tela.
“Hey! May I see?” katok ni Yuan mula sa labas. Nag-alangan pa ako bago binuksan ang pinto.
“Jesus!” nanlalaki ang matang reaksyon nito habang nakatitig sa akin.
“P-panget ba?” nahihiya kong tanong sabay yakap sa sarili.
“No. You’re so sexy. Try something else.”
“Ha?” Naguluhan ako sa tugon nito. Pinuri ako tapos magpapa-try ng iba? Ano kaya iyon.
“Baka magselos ako kapag may tumitig sa iyo ro’n kaya iba na lang ang bilhin mo,” aniya.
Sa huli ay binili rin naman niya iyon pero saka ko lang daw iyon isusuot kapag kami lang ang magbi-beach. Dalawa pang piraso ng one piece swimsuit at tatlong pang-cover up ang binayaran niya sa counter. Wala naman siyang binili para sa kanya dahil marami na raw siyang trunks. Tinanong pa niya ako kung ano pa ang gusto kong bilhin pero umiling lang ako. Wala kasi akong maisip. Isa pa ay nahihiya ako. Hindi pa naman kami mag-asawa kaya nakakailang magpabili nang magpabili.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
Любовные романыMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...