PAUL YUAN
"I-ikaw?" gulat kong nasambit nang patanong matapos makaharap ang lalaking sinasabi ni Daddy na makakapaghanap kay Mirasol. Kilala ko ito.
"Good morning, Sir Yuan. Nice to meet you again," bati nito na walang iba kun'di si Samuel. Ang dating nakasama ko sa isang apartment noon.
Paano itong naging tauhan ni Daddy?
"Wait! Don't tell me na nagtatrabaho kana kay Daddy noong makilala mo ako?" Isinatinig ko ang hinalang nabuo sa isip.
Marahan itong tumango. "Yes. Inutusan niya ako na bantayan ka noon."
Nakadama ako ng inis kay Samuel pati na rin kay Daddy. Pero hindi ko dapat iyon ipakita sa lalaking kaharap. Ito ang makakatulong sa akin na mahanap si Mirasol kaya titiisin ko ang pagmumukha nito na nakakainis.
"Okay. Past is past. Tauhan na kita kaya dapat lang na nasa akin ang loyalty mo," wika ko matapos huminga nang malalim.
"Makakaasa kayo, Boss?" patanong pa na anito.
"Wala akong pakialam kung ano ang itawag mo sa akin. Ang gusto ko lang ay gawin mo nang mabilis at maayos ang trabaho mo!"
"Okay, Ano bang ipag-uutos mo, Yuan?"
Yuan? What?
"Wala kang respeto! Hoy, Samuel, baka gusto mong—"
"Ang sabi mo kasi ay wala kang pakialam kung ano ang itawag ko sa iyo. Tapos ngayon ay sasabihan niyo ako ng walang respeto?"
"Aba't—"
Nagtimpi ako ng aking galit. Talagang nakakairita ang Samuel na ito.
"Isip bata ka pa rin tulad noon. Kung titingnan ay parang iisa lang ang hitsura n'yo ni Sir Paolo, pero kung ugali ang pagbabasehan—sobrang layo ng character n'yo sa isat isa!"
"Anong karapatan mong sabihin sa akin yan?" galit kong reaksyon.
"Huwag niyo pong masamain ang aking sinabi. Gusto ko lang na maging totoo. Kung papalitan ninyo ang daddy niyo ay kailangan niyo siguro na medyo pantayan o higitan siya. Para din po sa inyo ang sinasabi ko, Sir."
Para akong sinampal sa narinig. Kumuyom ang kamao ko at gusto kong suntukin ang lalaki.
"How dare you?"
"Hindi biro ang kompanyang hahawakan mo. Marami ang nais umagaw ng posisyon ni Sir Paolo, kaya kung lalamya-lamya ka ay pwede ka nilang mapatalsik sa sarili ninyong kompanya. Oo nga at stable kana sa bansang pinanggalingan mo pero iba ang Villanueva Builders. Kilala ito ng lahat at dahil ikaw ang tagapagmana ay sa iyo nakatutok ang mata ng mga tao. Sana po ay naiintindihan niyo ang ibig kong sabihin. Sigurado ako na ito rin ang nais ipaliwanag ng daddy niyo dangan nga lamang at natatakot siya na ma-offend ka."
"Sino ka ba? Kung magsalita ka ay daig mo pa ang board member ng VBC!" pa-asik na tanong ko. Nagagalit ako pero alam kong tama ang lahat ng simabi ni Samuel.
"Ako ang inatasan ng Daddy niyo na magbantay sa inyo noon pa man. Kahit sa Canada ay naroon ako pero ayaw niya na malaman mong pinababantayan ka niya. Gusto lang ni Sir Paolo na masubaybayan ang nangyayari sa iyo sa ibang bansa. Galit ka sa kanya kaya kinailangan pa niya ng tao na magbabantay sa iyo."
Ganoon? Ang dami talagang pakulo ni Daddy. Akalain mong may nakasubaybay pala sa akin. Nasabi ko sa isip.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...