Chapter - 12

892 110 114
                                    

PAOLO

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ng kaibigan nina Yuan na si Meggan. Ayaw tanggapin ng aking utak ang mga nalaman buhat sa dalaga. Si Mirasol na anak ni Flor ang kinahuhumalingan ngayon ng aking unico hijo? Ang batang iyon na halos wala pang kamuwang-muwang sa mundo? Pero ano ang malay ko sa tunay na ugali ng dalagita? Oo nga at anak ito ni Flor na siyang nagpalaki sa anak ni Tristan, ay hindi ibig sabihin niyon na kilalang-kilala ko na ang mga ito. Matagal na panahon na ang lumipas, at hindi ko na nga inaasahan na makikita pa sila. Malaki ang pera na ibinigay ko sa babae kaya umasa ako na hindi na sila babalik sa buhay namin lalo na ni Trisha. Iyon ang nais ni Joyce. Ito ang ina ng bata kaya wala akong magagawa sa desisyon nito. Pero ibang usapan na ang nangyayari ngayon. Involved na ang anak ko.

Then, something came back to my memories. Bago umalis si Rey ay may sinabi siya na hindi ko napagtuunan ng pansin noon.

"Rey, ayaw na ni Joyce na makita pa ni Trisha ang mga Almario. Kaya lang, gusto kong tiyakin na maayos na ang mga ito para maging kampante ang apo ko roon. Alamin mo muna kung maayos na sila bago mo iwan ang trabaho mo!"

"Tahimik na po sina Flor sa bago nilang tirahan at may maliit nang negosyo sa palengke. Nag-aaral na ang mga anak niya at masasabi ko po na hindi nasayang ang perang ibinigay n'yo sa kanila," sagot ni Rey na ikinapagtaka ko.

"Bakit parang subaybay mo ang buhay ng mga iyon?"

Kumamot muna ito sa ulo bago sumagot. "Inutos po kasi sa akin ni Señorito Yuan na alamin ang nagyayari sa pamilya Almario."

"Ano? At bakit naman niya gagawin 'yon?" bulalas ko.

"Ewan ko lang po, Sir. Pero hula ko po ay mahihirapan kayong alisin sa buhay n'yo ang mga Almario. Unang-una niyo pong makakalaban diyan ay ang sarili niyong anak," pabulong lang halos ang pagkakasabi niya sa huli pero malinaw kong narinig.

Balak ko sanang tanungin si Yuan tungkol doon kaya lang—sa dami ng aking ginagawa ay nawala na iyon sa isip ko. Isa pa ay labing tatlong taon pa lang noon ang panganay namin. Wala rin akong napansing iba sa kanya kaya marahil agad kong nakalimutan ang tungkol doon. Until now . . .

"Yuna!!" malakas kong tawag sa asawa nang makauwi sa bahay.

Dire-diretso ako sa hagdanan. Namataan ko pa ang batang si Mirasol na nagpupunas ng mga kasangkapan sa living area. Napailing na lang ako sa aking sarili. Pagdating pa lang namin ay pinagtakhan ko na kung bakit sa guest room sa ibaba pinatuloy ni Yuan ang mag-ina. Although, balewala lang naman iyon sa akin pero ngayong may nalaman ako ay tila may nabubuong puzzle sa aking utak.

May hitsura ang anak ni Flor pero hindi ko lubos maisip na sa ganoong kabatang edad ay marunong na itong makipagrelasyon sa tulad ng anak ko na bata pa rin ngunit nasa tamang edad na ng pakikipag-relasyon. Ayon kay Meggan ay ito ang nagbigay ng motibo sa binata. Ano ang totoo roon?

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon