Chapter - 64

728 93 56
                                    

Vienna

Pagpasok ko sa restroom ay sumunod sa akin si Mirasol. Pareho kaming humarap sa salamin habang naghuhugas ng kamay.

“Ikaw pala ang nagsabi kay Yuan ng tungkol sa ginawa nina Gladys. Salamat, ha? Hindi ko akalain na gagawin mo iyon para sa akin,” wika nito.

I rolled my eyes in front of the mirror. “Ginawa ko lang iyon para bumawi kay Sir at hindi para tulungan ka. Hello?” irap ko rito. “I need promotion kaya ko isinumbong ang mga iyon,” I added.

“Okay. Pero salamat pa rin,” ngiti nito na lalo kong ikina-irita. Ayokong mag-assume ang babaeng ito na may pakialam ako sa kanya. Hmmp!

Matapos mag-dry ng kamay ay nakahalukipkip akong sumandal sa may basin paharap sa kababata. “You should be glad dahil natanggal ang mga nang-bully sa iyo. Ano’ng pakiramdam na ipinagtanggol ka ng isang mayamang CEO sa buong kompanya?” tanong ko pa sa huli.

“Hindi ko naman sila gustong matanggal dito, kaya nga hindi ko sinabi kahit kanino ang ginagawa nila sa akin.”

“Really? Ano, ganyan ka kabait? Bakit hindi ka lumaban? Bakit lagi ka na lang pa-damsel in distress dyan? Alam mo bang nakakairita ang ugali mo?”

“Hindi ako mabait at hindi rin ako nagpapaka-damsel in distress. Iba lang ang reaction ko sa negatibong trato ng mga tao sa akin. Mas may dapat akong pansinin kaysa ro’n.”

“Tsk!” iiling-iling kong saad. “Pwes, baguhin mo iyan. Maging mapagmatyag ka sa paligid mo. Malay mo, may lihim ka na palang kaaway, hindi mo pa alam na tinitira ka na nang talikuran?” makahulugan ko pang sabi.

Ngunit ngumiti lang ito saka humarap sa akin. “Ikaw lang naman ang umaaway sa akin na lagi akong tinitira nang patalikod, ‘di ba?”

“Abat—” Bago pa ako makapag-react ay umalis na ito sa restroom.

Tsk. Wala ka talagang alam, Mirasol. Tiwalang-tiwala ka sa kaibigan mo. nasabi ko sa sarili na ang nasa isip ay si Shine. Masyado na itong sinuswerte kung sasabihin ko pa ang tungkol doon. Hmmp! We’re not friends after all.


Mirasol

Magkahugpong ang aming katawan maging ang aming mga labi habang nasa ibabaw ng kama. Nagpaubaya akong muli sa nobyo nang magtungo sa condo unit nito. Muli kong ipinagkaloob ang sarili sa kanya nang paulit-ulit.

Ang sabi ni Yuan ay dadaan lang kami roon at ihahatid din daw niya ako sa amin. Alas-siete pa lang naman ng gabi kaya hindi ako nangamba kanina na ma-late ng uwi sa bahay. Pagkatapos ng love making namin ay nagpahinga kami. Ngunit nang ayain ko na itong umalis ay humirit pa ng isa ang binata at ako namang marupok ay pumayag ulit na magpaangkin dito.

Ni hindi ko na inisip na baka mabuntis niya ako dahil wala kaming ginagamit na proteksyon. Maging ang maaring sabihin ni Ate Moneth ay hindi ko pinagkaabalahang isipin pa. Tuluyan na akong iginupo ng aking damdamin. Ang alam ko lang ay napakasarap ng yakap at halik na ipinalalasap ni Yuan ng mga sandaling iyon.

“B-babe . . .” kuhit ko sa panga ng nobyong wari ko ay nakatulog sa pagod.

Nakaunan ako sa braso niya at kasalukuyang nagbabawi ng pangangatal ng katawan. Hiling ko lang na sana’y hindi manakit ang katawan ko pagpasok sa trabaho bukas. Alas-dies na ng gabi at kailangan ko nang umuwi.

“Babe, tulog ka ba?” nag-aalangan kong tanong nang hindi ito kumibo.

“Why?” aniya na medyo groggy ang boses. Nagmulat siya ng mata at itinitig sa akin.

“Ihatid mo na ako. Baka magtaka si Ate kapag hindi ako nakauwi ngayon,” sabi ko.

“Tsk. Dito ka na lang matulog.”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon