Chapter - 118

524 85 52
                                    

Mico

Kahit sobrang hirap sa aking loob ay kinailangan kong alamin ang totoo. Bago ako kumilos ay nais ko munang makatiyak sa isang bagay. Sa kabila kasi ng mga sinabi ni Yaya Judy ay hindi pa rin ako naniniwala na buhay si Princess at siyang nasa larawan. Naka-schedule na sa kabilang linggo ang flight namin at umaasa ako na matutuloy iyon. Baka kung sino lang ang batang ipinapahanap ni Mommy. Malay ko ba kung kaninong anak iyon.

Kaya ang una kong ginawa ay alamin kung sino ang nakalibing sa puntod ng kapatid. Matatahimik lang ako kapag nasiguro kong si Princess nga ang naroon. Subalit ganoon na lang ang pagkagimbal ko nang buksan ang kabaong at mabatid na wala iyong laman.

Para akong tinakasan ng lakas sa natuklasan. Napuno ng galit ang aking dibdib pero hindi ko alam kung para kanino iyon. Parehong nagsinungaling sa akin ang mga magulang. Anong dahilan para gawin nila iyon sa akin. Ibig bang sabihin ay buhay pang talaga ang kapatid ko? Pero paano siya nawala? Bakit kinailangang palabasin nina Mommy na patay na siya? Hindi ko na alam ang iisipin.

Kahit alam kong wala sa tamang kondisyon ang ina ay hindi ko napigilan ang sarili na kausapin ito tungkol sa nalaman ko. Nagpupuyos man ang dibdib sa pinaghalo-halong emosyon at pinilit ko pa ring magpakahinahon nang harapin siya.

“Mommy! Tell me what is happening? Bakit walang laman ang puntod ng kapatid ko? Paano iyon nangyari?” tanong ko nang maupo sa tabi niya.

Subalit walang sagot mula rito. Blangko ang mukha ni Mommy at ni hindi ko magawang hulihin ang kanyang mga mata.

“Mom!” tawag ko sabay hawak sa magkabila niyang balikat. Kulang na lang ay kalugin ko siya para magsalita.

“M-mico?” anito nang tila biglang matauhan. Kumunot ang noo niya sa akin.

“Bakit n’yo ako niloko ni Daddy? Bakit pinalabas n’yo na patay na si Princess?” Naluluha na ako nang mga sandaling iyon. Ang daming tanong sa utak ko na walang mahanap na kasagutan. Para akong na-trap sa kawalan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at matiim na tinitigan sa mga mata. “Wala na si Princess! Iyan ang itatak mo sa utak mo, anak. Patay na ang kapatid mo!” anito na lalong ikinagulo ng utak ko.

“Why, Mom? Kung patay na siya ay bakit walang laman ang libingan niya?” Nang maalala ang mga larawan sa envelop ay agad ko iyong hinanap pagkuwa’y ipinakita rito. “Siya ba ang kapatid ko? Buhay pa siya at ipinahahanap mo?”

Sukat sa narinig ay biglang naging mailap ang mga mata ng ina. Nagsimula itong manginig at pagdaka’y nagpalingon-lingon sa paligid na tila may kinatatakutan.

“Shhh! Mico, baka marinig ka ng daddy mo!”

Nagsalubong ang aking kilay. “What?”

“Hindi niya pwedeng malaman na nakita ko na si Princess!” dugtong pa ni Mommy.

“Bakit? Anong dahilan?”

“Pumasok ka na sa school! Baka ma-late ka na.”

Nasapo ko ang ulo nang mabatid na nawala na naman sa katinuan ang ina. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Gulong-gulo ako at pakiramdam ko ay wala akong makapitan ng mga oras na iyon. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako habang nakatunghay sa tulalang ina.


MABUTI na lang naroon si Yaya Judy. Kahit papaano ay may karamay ako sa pinagdaraanan. Sinabi ko rito ang natuklasan at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala.

“Diyos ko! Ilang beses akong nagpadasal noon tapos wala palang laman ang puntod ni Princess!” napapa-antandang wika ng babae.

“Ako man, Yaya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.”

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon