Chapter - 76

650 92 56
                                    

Mirasol

Kahit antok na antok ay pinilit kong gumising nang maaga para makauwi sa bahay namin nang hindi nagpapakita sa magulang ni Yuan. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga ito kapag nakita nila ako? Nakakahiya kapag nalaman nila na sa kwarto ni Yuan ako natulog. Isa pa ay may pasok kami. Kailangan kong umuwi sa bahay para makapagbihis.

Dahan-dahan kong inalis ang isang braso ng binata na nakayakap sa baywang ko. Padapa itong natutulog sa kama habang nakapaling sa akin ang mukha. Kahit nakapikit ay sobrang gwapo pa rin nito.

Hindi ko na tinakpan ang hubad kong katawan at hinanap ang bestida ko sa sahig. Nakita ko naman agad kasama ng aking underwear. Namula ako nang maalala ang ginawa namin kagabi. Shit! Ang landi ko talaga.

Bago pumasok sa banyo ay nasulyapan ko pa ang kanyang robbot sa gilid. Nakita ko na ito noon at hanggang ngayon pala ay nasa kanya pa. Napangiti ako. Ang laki na niya para magkaroon ng ganoong laruan. Hindi naman siya toys collector dahil wala ni isang laruan sa kwarto niya maliban sa robbot na iyon.

Ito ang silid kung saan kami nahuli ng parents niya noon. Bagama’t nabago ang pintura at ayos ay tandang-tanda ko pa rin ang nangyari. Ipinilig ko na lang ang ulo at inalis iyon sa isip. Dapat talaga na makaalis ako nang pasikreto.

Hindi na ako naligo dahil nagmamabilis na ako. Alas-singko na kasi ng umaga. Hindi ko na rin ginising si Yuan dahil mukhang napuyat ang binata. Nagkaroon lang ako ng problema nang hindi makita ang sling bag na dala ko kagabi.

Hala, naiwan ko sa may counter! Pati slipper ko ay wala ang kabiyak. Anong gagawin ko? Baka may gising na sa mga maid kaya tiyak na nakita nila iyon. Gusto ko sanang gisingin ang binata pero hindi ko na lang ginawa. Okay lang na makita iyon ng maid. Basta huwag lang ng parents niya. Oo tama.

Huminga muna ako nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Sumilip pa ako sa labas at natuwa nang makitang patay pa ang ilang ilaw. Ibig sabihin ay tulog pa ang mga tao. Walang ingay na hinila ko ang pinto ng silid ni Yuan. Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan kong maisara ang seradura.

Ngunit pagharap ay ganoon na lang ang pag-igtad ko nang biglang bumukas ang pinto sa kabilang silid at lumabas ang daddy ni Yuan. Para akong naestatwa nang magtama ang paningin namin ni Sir Paolo. Bakas din sa mukha nito ang pagkabigla nang makita ako. Daig ko pa ang itinulos sa pagkakatayo sa tapat ng pintuan. Ni hindi ko nagawang batiin ang lalaki dahil sa sobrang pagkapahiya.

“Tsk. Wear a scarf bago bumaba,” anito bago iiling-iling na naglakad.

Halos manlambot ako nang lampasan nito. Para akong maiiyak sa sobrang kaba at pagkapahiya. Pagkuwa’y naisip ko ang sinabi nito. Scarf?

Mabilis akong bumalik sa kwarto at dumiretso sa banyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang kiss mark sa aking leeg. Yuan!!!

Bigla akong napaiyak nang malakas! Nakakahiya sa daddy niya. Baka kung ano ang isipin nito. Lalo lang lumakas ang iyak ko nang hindi maalis ang mga pula sa aking balat. Paano na ito?!

“Babe, bakit ka umiiyak?” Gulat namang nagising si Yuan dahil sa ingay ko.

“Nakita ako ng daddy mo paglabas! Nakita niya rin ‘to!” ngawa ko habang turo ang leeg.

Ni hindi manlang kinakitaan ng pag-aalala si Yuan at tinawanan pa ako habang pinupunasan ang aking luha. Inakay niya ako pabalik sa kama at pinaupo roon.

“It’s okay. Si Dad lang iyon. Tahan na.”

“Hindi iyon okay. Nakakahiya!” hikbi ko. “Gusto ko nang umuwi, Yuan. Ayokong makaharap ang daddy mo, please?” pakiusap ko pa.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon