Mirasol
Hindi ako mapakali nang tuluyang umalis sina Yuan at Vienna patungo sa Bulacan. Anytime ay maaring sabihin ng dalaga ang lahat sa kanya at ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa magiging reaksyon ng binata. Sa huling sandali ay pinigilan ko si Vienna subalit buo na ang pasya nito kaya wala rin akong nagawa.
Nang makita ko si Samuel na kalalabas lang ng elevator ay agad ko itong sinalubong.
“Late ako. Nandiyan pa ba si Boss?” ang tila nahihiya nitong tanong sa akin.
“Kaaalis lang nila. Samuel, sundan mo si Yuan sa Bulacan. Baka kung mapaano iyon pag-uwi!” ang nag-aalala kong sabi rito.
“Bakit? May nangyari ba?”
“W-wala naman. Kinakabahan lang ako. Please, sundan mo sila!” pakiusap ko pa.
Nagtataka man ay tumango ang lalaki. Agad na rin itong nagpaalam para sundan si Yuan. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Kung susugurin man ng nobyo si Mico ay naroon si Samuel para awatin ito.
Pagsapit ng lunch break ay hindi ko inaasahan na lalapitan ako ni Salvejo sa pwesto.
“M-mirasol, pwede ka bang makausap ngayon?”
“Ha? Para saan?” kunot-noo kong tanong.
“M-may problema kasi ako. Ikaw lang ang makakatulong sa akin—”
“Wait. Ano ba iyon?”
“Sa labas tayo mag-lunch para masabi ko sa iyo,” alok nito sa akin.
Gusto ko sana itong tanggihan dahil napakarami kong gagawin at nais kong tapusin iyon pagkakain. Isa pa ay okupado ni Vienna ang utak ko. Kaya lang ay nakakaawa ang mukha ng lalaki. Para na itong iiyak. Hindi man kami close ay nakuha nito ang simpatya ko. Hula ko ay tungkol sa trabaho ang problema niya kaya pinagbigyan ko ito.
Hindi ko nga lang inaasahan na sobrang layo pala ng lugar na pagdadalhan sa akin ni Salvejo. Ang dahilan nito ay umiiwas siya sa mga empleyado ng VBC na baka makakita sa amin kung sa malapit kami kakain. Pabor din naman sa akin dahil ayokong ma-issue kami. May seloso pa naman akong fiance.
“Kumain muna tayo,” ani Salvejo nang mai-served ng waiter ang order namin.
Habang kumakain ay naninibago ako sa binata. Ibang-iba kasi ito sa Salvejo na mali-mali sa kompanya. Napaka-classy nitong kumilos habang kumakain at kahit sino ang titingin ay masasabing nagmula ito sa mayamang pamilya. Hindi ba dapat ay nangangatal ang kamay niya? Pero wala akong nakitang ganoon.
“Bakit mo ako tinititigan?” nakangiti nitong usisa nang mag-angat ng mukha sa akin.
“W-wala. Naninibago lang ako,” sagot ko.
“Dahil ba hindi ako nangangatal ngayon?” ang natatawa nitong tanong. “Sinasanay ko lang ang sarili ko na hindi mag-rattle kapag may kaharap na ibang tao. Mas makakatulong iyon sa promotion ko sa kompanya.”
Tumango na lang ako dahil sa totoo lang ay hindi ako intresado roon. “Ano ba iyong sasabihin mo sa akin?” mayamaya ay tanong ko. Sana ay bilisan nito para makabalik agad ako sa VBC.
Tumikhim muna ang lalaki bago nagsalita. “M-may mali kasi akong nagawa. Tiyak na kagagalitan ako ni Sir Yuan,” aniya.
“Ano iyon at bakit ako ang kinakausap mo tungkol diyan?”
“D-dahil bukod sa personal secretary ay fiancee ka rin niya. Matutulungan mo akong makapagliwanag.”
“Tungkol nga saan?” curious kong usisa. Paano naman kay niya naisip na matutulungan ko siya? Ako nga mismo ay nakakaranas din ng sermon mula kay Yuan.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...