Moneth
“Ayaw mo ba talagang magpakasal sa akin?”
Natigilan ako nang itanong iyon ni Samuel. Ang totoo’y naguguluhan ako. Ayokong magpakasal dahil lang may anak kami o dahil may nangyari sa amin. Hindi ako naniniwalang mahal niya ako. At lalong imposible na mahal ko siya!
“Walang dahilan para magpakasal tayo,” sabi ko sabay iwas ng tingin.
“Mahal kita. Pwede na bang dahilan iyon?”
“H-hindi kita mahal!”
“Tsk!” iling nito. “Bakit ka pumayag makipag-s*x kung wala kang—”
“Sinabi ko nang lasing lang ako!” mariin kong wika. Napansin ko ang pagtiim ng bagang ng lalaki pero binalewala ko iyon.
Pagkatapos n’on ay hindi na ako kinausap ni Samuel. Nag-swimming sila ni Lileth at ako naman ay nagluto ng hapunan namin. Ang saya-saya nila sa pagligo. Aaminin ko na naging mabuting ama si Samuel sa anak namin. Kahit hindi siya nakasama ni Lileth noon ay binawi nito ang mga panahong nawala sa kanila.
Pagkakain ng hapunan ay nanood naman kaming tatlo ng movie. Pero dahil yata sa pagod paglangoy ay hindi na natapos ni Lileth ang palabas at nakatulog na sa tabi ko. Binuhat siya ng papa niya at inilipat sa kwarto. Hindi ko naman malaman ang gagawin nang bumalik ang lalaki. Dalawa na lang kami kaya bigla akong nailang. Gusto ko na sanang matulog pero baka kung anong isipin nito kapag sinabi ko iyon.
“Moneth, kapag ba nakipag-s*x ka sa akin nang hindi lasing—ibig sabihin ba n’on ay mahal mo na rin ako?”
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Pagkuwa’y maang na tumingin dito. “Anong pinagsasabi mo? Ang bastos mo, ah!” asik ko habang pinamumulahan ng pisngi. Naalala ko tuloy kung paano niya ako inangkin noong isang gabi.
“Sabi mo kasi’y lasing ka lang kaya ka pumayag.”
“Dahil iyon ang totoo!” giit ko.
Muntik na akong mapapitlag nang bigla nitong hinaplos ang isa kong nakahantad na hita.
“Manyak!” palis ko sa palad niya. “Kaya mo siguro ako isinama rito ay para manyakin, ‘no? Hindi ka manlang nahiya sa anak ko!”
“Ano bang pagbibintang iyan? Para napahawak lang sa hita manyak na agad? Manood na nga lang tayo!” anito na lihim kong ikinapahiya. Medyo bintangera nga ako roon. Baka nga aksidente lang.
Nanahimik na ulit ako at nag-focus sa pinanonood. Pero wala na akong maunawaan. Nasa katabi ko na ang atensyon ko at palihim itong binabantayan. Baka manghawak na naman ng legs!
Ilang sandali ay ayon na naman ang palad ng kumag. Nanghihipo na naman. Tinampal ko ang kamay nito pero hindi niya iyon inalis kahit kulang na lang ay patayin ko siya ng tingin.
“Samuel, tarantado ka!” bulong ko sa lalaki.
“Shhh...huwag kang maingay! Baka magising si Lileth,” anito na ikinakulo lako ng dugo ko. Inabot ko ang isang throw pillow para ipanghampas sa kanya pero bigla na lang akong hinalikan sa labi ng binata. Kumawala ako pero sobrang lakas nito. Hanggang manghina ako sa halik niya ay hindi ako binitiwan ng lalaki.
“Rapist ka na ngayon, ha? Tingnan natin ang sasabihin ni Lileth kapag isinumbong kita!” asik ko nang pakawalan niya saglit ang aking labi. Ayoko man pero hiningal ako. Kainis!
“Ingay mo naman. Gusto mo ba talagang magising ang anak natin at makita tayong ganito?”
“Aba’t—” Hindi ko alam kung bakit bumubulong ako sa lalaki. Dapat nga ay lakasan ko pa ang boses para kabahan ito sa ginagawa.

BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...