Chapter - 108

645 90 63
                                    

Paul Yuan

“Dad, pumayag ka nang tanggalin sa kompanya si Lucas! Traydor siya! Baka siya pa ang maging dahilan ng pagbagsak ng VBC!” pagkumbinsi ko sa ama.

Ang totoo ay pwede naman akong magpasyang mag-isa dahil nasa pangalan ko na ang shares nito. Bilang majority stock holder ay nasa akin ang kapangyarihang patalsikin ang binata. Subalit si Daddy pa rin ang founder ng VBC. Ang anumang pasya nito ay tiyak na igagalang ng mga investors. Kung makukuha ko ang boto niya na patalsikin sa pwesto si Lucas ay malaki ang magiging impluwensya niyon sa iba. Wala naman akong problema kay Pauline dahil sigurado namang sasang-ayon ito sa akin. Ewan ko lang kay Mommy.

“Yuan, anak ng Tito Brix mo si Lucas! Hindi siya pwedeng mawala sa VBC—”

“Pero nagtraydor nga siya, e! Ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na huwag akong pakatiwala sa mga tao sa kompanya. May ebidensya na, Dad. Ano pa ba ang gusto mo?”

Napahawak sa sentido si Daddy habang naiiling. Matagal itong nag-isip bago mayamaya ay tila napipilitang tumango.

“Okay! Kung ano sa tingin mo ang tama ay gawin mo. Pero idaan mo sa botohan para maging patas ang lahat.”

Natuwa ako sa narinig. Sa wakas! Maigaganti ko na rin ang kapatid ko sa lalaking iyon. Babalik siyang tiyak sa pagsasaka sa bukid.

Bumaba na kami nang tawagin ni Mommy para sa hapunan. Natuwa ako dahil mukhang close na agad sina Mirasol at Pauline. Sabagay, mabait naman ang kapatid ko sa lahat. Palaki ito ni Mommy kaya raw mas mabait sa akin—ayon sa mga tsismosang maid doon. So, dahil si Daddy ang nagpalaki sa akin ay kinulang daw ako sa aruga.

Pagkakain ay tumambay kaming lima sa veranda. Doon ko ipinaalam sa ina at kapatid ang tungkol sa ginawa ni Lucas.

“Magpapatawag ako ng board meeting bukas para pagbotohan ang pagpapatalsik kay Lucas. Mom, Pauline, you should be there to vote,” sabi ko sa mga ito.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa sa narinig. Kumunot tuloy ang noo ko sa kapatid. Hindi ganoong reaksyon ang inaasahan ko sa kanya.

“Yuan, una ay si Mico. Ngayon naman ay si Lucas. Lahat na lang ba’y aawayin mo?” walang kangiti-ngiting saad ng aming ina. Tahimik lang si Mirasol sa tabi nito pero tingin ko ay hindi rin ito sang-ayon.

“Mom, this is business. Nagkamali sila kaya dapat lang na maparusahan,” sagot ko.

“Tsk! Don’t be too cruel! Lahat ay pwedeng magkamali. Kakausapin ko muna si Lucas—”

“No need to do that, Mom. Pumayag na si Dad sa suggestion ko,” putol ko sa sinasabi ni Mommy. Maang itong sumulyap sa aming ama na patay-malisya ng mga sandaling iyon.

“Paolo, kaya ganyan ang ugali ng anak mong iyan dahil kinukunsinti mo!” asik nito kay Daddy.

“Alam na niyan ang ginagawa. Hayaan mo na lang.”

“Hayaan?” Sabay baling ulit sa akin ni Mommy. “Kung ano man ang nangyari kay Lucas at sa kapatid mo’y hindi mo dapat pinanghihimasukan, Yuan. Huwag mong personalin iyong tao. Nagagalit ka sa kanya dahil sa break up nila ni Pauline at sa pag-i-invest niya ng pera kay Mico.”

Umiwas ng tingin si Pauline at kumunot naman ang noo ni Dad. Dire-diretso naman kasi si Mommy sa pagsasabi niyon.

“Mom, may mga dokumentong magpapatunay na—”

“Papel lang iyan! Bakit hindi mo kausapin nang maayos iyong tao?”

“Tsk!” tiim-bagang ko. Sabi ko na nga ba’t mauuwi lang sa sermon si Mommy. Napakamot na lang ako sa ulo saka humingi ng tulong sa ama sa pamamagitan ng tingin.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon