Mico
Hindi ko man alam kung ano ang nangyayari sa party ay batid ko na may ginawang gulo si Mr. Cheng. Nahabol ko pa ng tingin si Mirasol nang tila paiyak itong umalis sa table nila. Lalo kong nakumpirma ang hinala nang bigla na lang nawala sa bulwagan sina Yuan at ang parents niya kasama ang matanda. Mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang nagaganap. Huwag lang talagang magkatotoo ang hinala ko.
Tumayo ako at mabilis na lumabas para sana sundan si Mirasol. Ngunit nasa hallway pa lang ako ng hotel ay nakasunod na agad si Meggan na lihim kong ikina-irita.
“Where are you going, Hon?” tanong nito.
“Magpapahangin lang ako. Bakit sumunod ka pa?” pigil ang inis na tugon ko sa dalaga.
“Really? O baka naman balak mo lang sundan si Mirasol?” nakahalukipkip niyang saad.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang babae. “Meggan, pwede ba?”
“Bakit? Gusto mong damayan si Mirasol? Ano’ng sasabihin mo sa kanya? Pagagaanin mo ang loob niya dahil sa ginawa ng matandang intsik na iyon?” sarkastiko nitong wika.
“Anong sinasabi mo?” kunot-noo kong reaksyon.
“Hindi mo ba narinig ang usapan nila? Dati palang nagbebenta ng katawan ang Mirasol na iyon. Huh! I doubt kung magkaroon pa ng engagement party ngayon. Hindi siya tatanggapin ni Tito Paolo—”
“Engagement?” Lalo akong naguluhan sa narinig.
“Yes. Don’t tell na hindi mo rin alam ang tungkol do’n? Ia-announce ni Tito Paolo ngayon ang engagement nina Yuan at Mirasol. Pero dahil sa ginawa ni Mr. Cheng ay malabo nang mangyari iyon. Hindi niya hahayaan na mapabilang ang isang mababang uri sa pamilya niya—”
“Don’t say that to her!” Hindi ko napigilan ang sarili at nahaklit sa braso si Meggan. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng matinding galit dahil sa panghahamak nito kay Mirasol. Nanlaki tuloy ang mga mata nito dahil sa ginawa ko.
“M-mico!” hindi makapaniwala niyang sambit.
“I’m s-sorry...” sabi ko matapos siyang bitiwan. Pagkuwa’y bumuntong hininga ako at nagpasyang bumalik na lang sa loob kahit gusto-gusto ko sana na damayan si Mirasol ng mga oras na iyon.
Mirasol
Sa likod ng hotel ako nagawi at doon sa may garden ako naupo upang pakawalan ang mga luha. Sobrang takot at hiya ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko ay hindi na ako nababagay kay Yuan. Nasira siya sa mga kamag-anak niya pati na sa iba pang nakarinig ng sinabi ni Mr. Cheng. Higit sa lahat ay nasira na ako sa mga magulang niya.
Ngayon ay paano pa ako haharap sa mga ito? May mukha pa ba ako na gawin iyon? Parang gusto ko na lang tuloy umuwi at magkulong sa kwarto saka umiyak nang umiyak.
“Ehemm...”
Gulat akong natigilan nang biglang may tumikhim sa aking gilid. Nang luminga ako ay nakita ko si Sir Lucas. Nakaupo ito sa damuhan habang may hawak na basyo ng alak. Mabilis kong pinahid ang luhaang mukha at inayos ang pagkakaupo sa concrete bench.
Anong ginagawa nito roon? Kanina pa ba ito? Hindi ko siya nakita pagdating ko kaya paanong naroon din ang lalaki? Mukha namang hindi pa ito masyadong lasing kaya nahulaan ko na bago pa lang ito nag-iinom.
“N-nandito ka pala, Sir. Sorry, akala ko’y ako lang ang tao rito,” nahihiya kong sabi sa binata. Hindi ko malaman kung paano tutuyuin ang basang pisngi ng aking palad.
“Sorry din dahil mukhang naabala ko ang pag-iyak mo,” anito na hindi tumitingin sa akin.
“Umiinom ka lagi kapag may party, ‘no?” nasabi ko na lang nang walang maisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/272483016-288-k342018.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...