Mirasol
Halos takbuhin ko ang madilim na pasilyo pabalik sa opisina ni Señorito Yuan para lang makaabot sa ibinigay nitong oras. Hindi na ako kumatok at dire-diretsong pumasok doon. Naabutan ko siya na nakasandal sa table habang nakatingin sa wrist watch na suot. Ngumisi ito nang makita akong bumalik.
“S-senyorito . . .” tawag ko na bahagyang humihingal. Pinahid ko ang pawis na namuo sa aking noo.
“Now, what?” he asked habang matiim ang titig sa akin.
“Pumapayag na po ako.”
He smile kaya wala sa loob na napatitig ako sa binata. Muntik na akong mawala sa sarili kaya ipinilig ko ang ulo. Pumapayag ako ngunit tulad niya ay may mga kondisyon rin ako.
“Good . . .” Tumango-tango pa ito.
“P-pumapayag po ako b-basta walang makakaalam ng tungkol sa atin,” diretso kong sabi bago pa magbago ang aking isip. Mas mabuting linawin ko agad ang lahat dito bago tuluyang pumayag sa nais niya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” he asked na biglang nawala ang ngiti sa labi. “Ayaw mong malaman ng lahat ang tungkol relasyon natin?”
“Sa ngayon po . . . Oo.”
“Tsk!” inis nitong reaksyon.
“Ayoko lang po na may ibang masabi ang mga tao kapag nalaman nila. CEO kayo at magiging secretary niyo ako—baka iba ang maging tingin nila—”
“And you think na may pakialam ako sa mga taong iyon?” mapanganib nitong wika.
Pinigilan ko ang mapakagat ng labi. Pagkuwan ay hinaluan ko ng pakiusap ang tinig nang magsalita rito. “Please?”
Bumuntong hininga si Señorito saka nagkamot ng kilay. Para bang pinipigilan nito ang sarili na mairita. Makalipas ng ilang segundo ay saka ito tila napipilitang tumango. “Okay. If that’s what you want, then fine!” pa-ismid nitong tugon.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa pagpayag nito. Pagkatapos ay mabilis kong kinuha ang form sa bag saka ini-abot sa binata. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bigla niyang hinila ang aking kamay. Dahilan para mapasubsob ako sa matigas niyang dibdib.
“S-señorito——”
Mahigpit niya akong niyakap na halos nahirapan akong huminga. Pinilit kong kumawala ngunit hindi ko kayang pantayan ang lakas niya.
“You are officially mine. I will make sure na hindi ka na makakawala pa sa akin,” halos pabulong nitong wika sa tapat ng aking ulo.
Hindi ko na lang iyon pinansin at tumingala rito. “Pirmahan n’yo po muna,” saad ko.
“Tsk,” iling nito. Saka kinuha ang ballpen sa bulsa ng kaniyang long sleeve at pinirmahan iyon bago ibinalik sa akin. “Happy?” tanong pa niya.
Tumango ako sa binata. Kaya lang ay muli niya akong hinila. Doon kami humantong sa mahabang sofa. Ini-upo niya ako sa kaniyang mga hita at kinabig ang aking batok para maangkin ang aking labi.
“Saglit lang po!” iwas ko kay Señorito. Kinabahan ako sa kilos nito. Bagaman at alam ko ang aking pinasok na sitwasyon ay hindi iyon nangangahulugan na magiging sunod-sunuran ako sa nais nito.
“Why? Napirmahan ko na, ‘di ba?”
“Bakit po manghahalik na kayo agad?”
“B-bakit, bawal ba? Hindi ba’t pumayag ka nang maging girlfriend ko?” anito.
“Oo nga po. Pero kasi . . .” iniiwas ko ang tingin kay Señorito. Natatakot akong sabihin dito ang isa ko pang kondisyon. Baka kasi magalit ulit siya. Para sa akin ay isa lamang kasunduan ang pagpayag ko sa nais nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/272483016-288-k342018.jpg)
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...