Chapter - 85

693 90 57
                                    

Samuel

Napatitig ako sa mukha ni Moneth nang sabihin niya sa akin na tinatanggap na niya ako bilang ama ni Lileth. Akala ko ay matatagalan pa bago niya ako kausapin kaya laking tuwa ko nang papuntahin niya ako sa bahay nila at sabihin na pwede na akong makipagkita sa anak ko. Kulang na lang ay yakapin ko ito sa sobrang kaligayahan. Pero may kaakibat palang sakit iyon.

“Ginagawa ko ito para kay Lileth. Matagal na niyang gustong magkaroon ng tatay. Kaya sige, magpaka-ama ka—kahit hindi naman na kailangan.”

Nawala ang ngiti sa labi ko nang idugtong iyon ng dalaga. Tinitigan ko ang mga mata nito at nakita ko roon ang kalamigan. Nag-back to zero na naman kami. Tsk. Pero okay lang. Titiisin ko na lang para sa kanila.

“Sa dami ng lalaki ay ikaw pa talaga! Alam mo bang nakakasuka sa parte ko na ikaw ang nakakuha ng virginity ko noon? Pasalamat ka at lasing ako. Nungka kitang patulan kung nasa matino akong pag-iisip!” inis pa nitong dagdag.

Para akong sinampal nang paulit-ulit sa mga narinig. Pero alam kong masama lang ang loob ni Moneth kaya nasabi iyon. Pero aray, ha? Ganoon ba ako kapangit para mandiri siya? Sa gwapo kong ito ay siya pa talaga ang nalugi.

“Moneth, sorry kasi ako iyong naka-one night stand mo. Pero kahit maglupasay ka pa ay hindi mo na mababago ang katotohanan na may anak tayo.”

“Oo, alam ko! Huwag mo akong pangaralan na parang napakatino mo.”

Bumuntong hininga ako. Tama si Patrick, mahihirapan na akong mapaamo si Moneth. Maiging hayaan na lang muna ito at huwag nang igiit ang nais kong mangyari. Hindi ito maniniwala kapag iginiit ko sa kanya na mahal ko siya. Pasalamat na lang ako at kahit galit siya ay binigyan niya pa rin ako ng tsansang mapalapit sa anak namin. Hanggang doon na lang muna siguro sa ngayon.

Nakairap sa akin pero suot pa rin ang relong bigay ko. Hmmm...

“Tuwing Sabado at Linggo mo lang pwedeng ilabas o ipasyal si Lileth. Maari mo rin siyang dalawin pero magpaalam ka muna sa akin. Dapat ay alam ko rin kung saan kayo pupunta.”

“Salamat,” sabi ko. Kahit anong kondisyon ay oo lang ang isasagot ko. Wala akong karapatang magreklamo o mag-demand sa kanya. Siya ang naghirap sa bata kaya hindi ko gustong makipag-agawan. Isa pa, kasama siya sa nais kong panagutan. Hindi lang si Lileth. Pero saka ko na lang iyon ipipilit kapag medyo ayos na ang sitwasyon namin.

Pagkatapos naming mag-usap ay saka lang lumapit si Lileth. Medyo nahihiya pa ito habang nakatitig sa akin. Suot niya iyong bestida na binili ko sa kanya.

“Anak ko,” iyon ang lumabas sa aking bibig. Tapos ay humikbi na ito kaya nilahad ko ang dalawang bisig at saka siya yumakap sa akin. Naiiyak na naman tuloy ako. Nakita kong tumayo si Moneth at umalis doon para bigyan kami ng privacy.

“Ikaw po talaga ang tatay ko? Walang joke?” tanong pa ng bata nang mag-angat ng mukha sa akin.

“Oo, Lileth. Hindi ko rin akalain na anak kita. Pero masaya ako. Masaya ka rin ba?” Pinahid ko ang luha nito.

“Opo, masayang-masaya. May tatay na talaga ako.”

“Kahit hindi kapogian ang tatay mo, masaya ka pa rin?” tanong ko pa dahil naalala ko iyong una naming pagkikita.

Tumango ito nang paulit-ulit. “Para sa akin ikaw na ang pinaka-pogi dahil ikaw ang tatay ko, Papa!”

Doon na talaga ako naiyak nang tuluyan. Kahit malaki na ito ay kinarga ko siya at iniupo sa hita ko. Dalagita na si Lileth. Sayang at hindi ko ito nakasama noong pwede pa siyang kalaruin. Hindi ko na ito mabibilhan ng laruan dahil hindi na ito naglalaro. Pero ayos lang iyon. Kaya ko pang bumawi. Sisiguraduhin ko na magiging mabuti akong tatay sa kanya.



Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon