Chapter - 49

850 111 63
                                    

Paul Yuan

Mariin akong napailing nang makita ang nanggagalaiting ina kasama si Daddy na panay ang saway sa pagbubunganga nito. Tiyak na isa kina Patrick at Xyren ang nagsabi sa mga ito ng tungkol sa nangyari. Tsk!

“Yuan, sabihin mo sa akin kung sino ang nangahas na saktan ka?!” tanong pa sa akin ni Mommy habang binibistahan ang namumula kong pisngi. Bakas sa mukha nito ang kahandaang manugod nang mga oras na iyon.

“Sino ba ang nagsabi sa iyo nito, Mom? Hindi na dapat kayo nagtungo rito!” sagot ko.

“Tinawagan ako ni Patrick at sinabi niya na may sumampal sa iyo. Kaya sabihin mo kay Mommy kung sino, hmmm? Ako’ng bahala sa sino mang iyon!” anito na ikinuyom pa ang mga kamao na parang susugod sa boxing ring.

“Sweetheart, hindi na bata iyang anak mo! Ginagawa mong mama’s boy, eh, ang laki-laki na niyan!” sabi rito ni Daddy.

Inirapan naman ito ng aking ina. “Hindi mo ba nakikita ang mukha ng anak natin? Daig pa niya ang binato ng kalabasa! Kaya hindi ako papayag na hindi masampulan ang sino mang bruha na iyon! Makikita niya!” banta pa nito sa huli.

“Tsk!” sabay pa naming reaksyon ng ama.

“Ngayon sabihin ninyo kung sino?!” tungayaw pa nito sa amin.

Inilingan ko sina Xyren at Patrick at sinenysan na manahimik. Kaya tikom ang bibig ng dalawa. Siya namang pagpasok ni Samuel dala ang pinabili kong ice cubes. Ito naman ang binalingan ni Mommy.

“Ikaw! Naturingan kang personal bodyguard ng anak ko—bakit mo hinayaan na sampalin siya nang kung sino lang? Hindi ba’t trabaho mong protektahan siya? Nangako ka pa sa amin na kahit ilang bala ay sasalagin mo para sa anak ko, tapos ngayon . . .” talak nito sa aking bodyguard.

“Madame, bala lang po ng baril ang sinumpaan kong sasalagin sa anak niyo. Pero hindi ko sinabi na pati sampal sa kaniya ay aakuin ko!” magalang na katwiran ni Samuel.

“Ikaw! Hmmp! Manang-mana ka sa ama mo!” nasabi na lang ni Mommy. Pagkatapos ay muli kaming kinausap. “Sasabihin n’yo ba kung sino o kailangan ko pang pabuksan ang lahat ng record ng CCTV dito?”

“Ate po ni Mirasol ang sumampal sa kaniya. Sinabi kasi niya sa mismong harapan namin na may nangyari na sa kanila ni Mirasol noon!” ang walang pakundangan na sagot ni Samuel. Ni hindi man lang nito inintindi ang mga senyas ko. Nakakainis talaga ang lalaki!

“S-si Moneth?” usal ni Mommy na himalang biglang napipilan sa nalaman.

“Oo, Tita-Mommy. Sobrang tapang ng babaeng iyon. Sukat nagpunta rito para lang talakan si Yuan sabay sampal sa huli!” sulsol pa ni Patrick na agad kong inasikan.

Natigilan si Mommy at ilang saglit na hindi malaman ang sasabihin.

“Bakit mo kasi ginawa iyon? Hindi maganda na pati ganoong bagay ay idadaldal mo pa sa iba!” saad ni Daddy sa akin.

“Sinabi ko lang naman ang totoo, Dad, para maniwala siya. Pinagbintangan niya ako ng kung ano-ano at sa harap pa mismo ni Mirasol!” katwiran ko. Umiling ito at hindi na nagsalita.

Mayamaya ay si Mommy ulit ang bumaling sa akin. “M-may nangyari sa inyo ni Mirasol? K-kailan pa? Anak, baka naman mabuntis mo agad siya nang hindi pa kayo naiikasal? Talagang may karapatang magalit si Moneth,” ani Mommy.

“Mom, mas okay nga iyon para magka-apo na kayo.”

“Tsk! Lokong bata ka!” asik nito sa akin. Bumungisngis naman ang dalawa kong katabi. “Pero hindi pa rin tama ang ginawa niyang pagsampal sa iyo!” 

“Tama, Tita. Paano na lang kung may ibang makaalam ng tungkol doon? Kasiraan iyon sa CEO ng VBC!” wika ni Xyren. “Pwede tayong magsampa ng kaso kung gusto ninyo!” dagdag pa na ikina-bwisit ko sa pamangkin. Hindi ba ito nag-iisip?

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon