Chapter - 39

753 96 56
                                    

Mirasol

Halos wala na akong maunawaan sa nangyayari sa paligid dahil sa tila bombang sumabog sa aking harapan. Kaya bago pa matapos ang assembly meeting na iyon ay dali-dali na akong umalis at nagtatakbo palabas ng kompanya. Sa garden ako dinala ng mga paa. Nanlalambot akong naupo sa concrete bench na naroon.

Si Señorito Yuan ang lalaking nakaniig ko noon magdamag. Hindi ko iyon inaasahan. Sinisisi ko ang sarili kung bakit hindi ko namukhaan ang lalaki? Kaya pala pamilyar siya sa akin. Ibig ba niyong sabihin ay kilala na niya ako sa simula pa lang? Sinadya ba niya akong bilhin mula kay Mr. Cheng noon?

Hindi! Imposible . . . nasabi ko sa sarili habang kagat ang daliri. Baka nagkataon lang ang lahat. Eleven years old lang ako noong manilbihan kami sa kanila at nang magkita naman kami two years ago ay magbe-bente anyos na ako halos. Malabong namukhaan ako ng binata.

Pero hindi iyon ang pinaka-problema ko. Ang punto rito ay ang tungkol sa nangyari sa amin. Paano ako haharap sa binata? Imposibleng makaiwas ako sa kaniya lalo at ito na ang aming CEO. Ano’ng gagawin ko kapag nakita niya ako? Wala naman sa isip ko ang pagre-resign. Katangahan kung gagawin ko iyon. Wala ng mas gaganda pang career bukod dito sa VBC. Dream job company ito ng marami kaya nakakapanghinayang kung itatapon ko lang basta dahil sa nakaraan namin ng big boss ng kompanya. Pero ano nga ang dapat kong gawin?



Shine

Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita sa table niya si Mirasol. Kanina pa tapos ang assembly meeting at nakabalik na ang lahat sa kani-kaniyang trabaho pero nasaan ang dalaga? Hindi ko napansin na wala ito dahil abala ako sa pag-aayos ng maraming bagay. Ngayong iba na ang CEO ay tiyak na kakalkalin ng bagong boss ang lahat ng files ng bawat departamento. Kaya inihahanda ko na agad ang kailangan para magpakitang gilas.

Lihim akong napangiti nang maalala ang mukha ng bago naming CEO. Walang nagbago, sa halip ay lalo pa itong tumikas sa aking paningin. Muntik na nga akong matulala kaninang malapitan ko ito kasama nina Daddy. Ngayon ko napatunayan na talagang in love ako sa binata. Kaya lang ay paano kaya ako mapapalapit dito? Tingin ko ay may pagka-aloof o suplado ang anak ni Sir Paolo.

“Wala pa si Mirasol? Kanina pa tapos ang meeting, ah?” boses ni Vienna na ikinalingon ko sa kanila.

“Nagpaalam siya sa akin na dadaan sa clinic. Masakit yata ang ulo niya,” pagtatakip ko sa kaibigan.

Matagal ko nang napapansin na malayo ang loob ni Vienna kay Mirasol. Maging ang iba nitong kasamahan sa trabaho ay tila nakadistansya sa dalaga. Nakuha ni Mirasol ang protective instict ko dahil doon bagaman at hindi ko ipinahahalata sa kanila. Uso sa kompanyang ito ang sapawan lalo na pagdating sa promotion. Ayokong isa si Mirasol sa ma-bully ng mga ito kaya bantay ko silang maigi.

Mabuting tao si Mirasol kaya alam ko na tama ang ginagawa ko. Hindi ko pagsisisihan ang pakikipagkaibigan ko sa dalaga.

Ilang sandali ang lumipas nang bigla kaming matarantang lahat nang walang anu-ano ay dumating ang grupo ng mga VIP sa opisina namin kasama ang bagong CEO. Halos manginig ako sa kaba sa paglapit sa kanila. Ang mga empleyado naman ay kinabahan din at pilit na nag-focus sa kani-kanilang ginagawa.

“Gustong makita ni Sir Yuan ang lahat ng department ng VBC,” sabi sa akin ni Salud, ang matagal ng secretary ni Sir Paolo.

Yumuko naman ako bilang pagbati kahit medyo nagtataka. Bakit inuna nito ang department namin samantalang dulo itong sa amin? Isa pa’y unang araw pa lang ng binata. Napakasipag naman yata nito at agad ay nais bisitahin kami?

Seryoso ang mukha ni Sir Yuan habang kunot ang noo na iginagala ang paningin sa paligid. Hindi pa ito nakontento at isa-isang nilapitan ang  mga cubicle ng empleyado ko. Pakiramdam ko ay may hinahanap siya na hindi ko sigurado kung ano o sino.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon