Chapter - 41

732 95 51
                                    

Shine

Pagkatapos naming mag-usap ni Mirasol ay naghiwalay na kami dahil may meeting ako sa head office. Patungo na ako roon nang makasabay ko sa elevator ang bodyguard-assistant ni Sir Yuan na si Samuel. Kumunot ang noo ko nang makita ang dala nitong paper bag. May tatak iyon ng botique ng pinsan ko. Isa sa mga sikat na mananahi ang pinsan kong iyon at halos lahat ng artista ay dito nagpapagawa ng mga gown. Malamang na dress ang laman ng dala ng lalaki pero para kanino kaya iyon?

Natigilan ako saglit nang maisip na baka ipinabili iyon ni Sir Yuan. Para siguro sa mommy nito. Na-curious ako kaya pagkalabas ng elevator ay tinawagan ko ang pinsan.

"Hello, Yna?"

"Oh, Shine, 'musta? Tahi na ang dress na pinagawa mo. Kailan mo kukunin?" tanong nito.

"Baka sa isang araw. May itatanong lang sana ako," sabi ko.

"Ano iyon?"

"Itatanong ko lang sana kung may bumili ba sa iyo ng damit na taga-VBC?"

"Uhmm, marami, eh. Gagamitin din nila sa party. Pero huwag kang mag-alala--pinakamaganda iyong sa iyo."

Bahagya akong natawa sa narinig. "I mean, may nakita kasi ako na dala ng bodyguard ng bago naming CEO."

"Ah, iyon pa? Si Mr. Villanueva ang pumili niyon."

Natigilan ako. "M-mr. Villanueva?"

"Iyong anak ni Sir Paolo. Last week kasi ay dumaan siya rito at tumingin ng dress. Tapos may konti siyang ipinabago kaya kanina ko lang natapos. Mukhang sa girlfriend yata niya iyon ibibigay, eh. Nakakakilig nga! Talagang siya pa ang personal na namili. Simpleng dress lang kasi ang gusto niya pero bongga!"

Saglit akong natahimik. Para sa girlfriend ni Sir Yuan ang dress na binili nito? Pero ang alam ko ay wala itong nobya sa kasalukuyan. Nakadama tuloy ako ng lungkot. Sa estado nito ay imposibleng wala itong babae. Kung hindi man nobya ang pagbibigyan niya ng dress ay baka special sa kaniya at malamang na kapareha niya sa party.

"Yna, may picture ka ba ng dress na binili niya? Pwede ko bang makita?" tanong ko pagkuwan sa pinsan.

"Oo, mayroon. Wait, ise-send ko na lang sa iyo."

"Salamat."

Samuel

Bumaba ako ng kotse dala ang paper bag na kinalalagyan ng dress na susuotin ni Mirasol sa party. Kasama niyon ay isang kahon ng pares na sapatos. Nagdalawang-isip ako kung hihintayin na lang ba roon ang dalaga o didiretso sa bahay nila. Pinili ko ang huli kaya naglakad ako patungo roon. Sa karinderia ako humantong dahil walang tao sa kanila. Sakto naman na si Lileth ang naroon.

"Manong! Ikaw nga, pasok ka!" natutuwa nitong wika sa akin saka hinila ang kamay ko papasok sa kainan.

"Hinahanap ko ang Tita Mirasol mo. May ipinabibigay kasi ang boss ko sa kaniya," sabi ko matapos maupo. Asensado na ang karinderia ng mga ito. May mga upuan at lamesa na sa loob at dumami ang pagpipiliang ulam. Ang tanong lang ay masarap bang lahat ang luto ng nanay nito?

"Sumama siya kay Tita Grace sa palengke. Si Mama naman ay naliligo."

Bahagya akong natigilan. Ayokong makaharap ang ate ni Mirasol. Tiyak na raratratin ako nito ng tanong. Nakakainis naman kasi si Yuan sa mga utos nito, eh.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon