YUAN
Taas ang aking noo at tuwid ang lakad nang pumasok sa resort na pagmamay-ari ng business man na nagngangalang si Mr. Cheng. Kami lang ni Samuel ang magkasamang nagtungo roon. Nakita namin ang lalaki na nasa tabi ng malaking swimming pool. May kasama itong tatlong naggagandahang mga dilag na pawang mga bata pa. Nakapalibot naman sa gilid ang kanyang mga tauhan. Matanda na pala ng intsik na ito. Malaki ang tiyan at upaw ang ulo. Hindi ko ma-imagine na makakatabi ito ni Mirasol sa kama. Sumisiklab ako sa galit kapag naiisip iyon. Mabuti na lang at mabilis itong nahanap ni Samuel. Agad akong nakipag-set ng meeting kay Mr. Cheng. Nagkataon pa na sa iisang negosyo lang sila ni Daddy kaya kilala niya ang mga Villanueva.
“Welcome, Paul Yuan Villanueva! Glad to meet you, hijo!” ang masayang bati ni Mr. Cheng pagkakita sa amin. Iniwan nito ang tatlong chicks at nagsuot ng roba bago lumapit sa amin. Pagkatapos ay iginiya niya kami sa upuang rattan. Nanatili lang namang nakatayo sa aking tabi si Samuel. Typical bodyguard ang kilos nito pero nakakainis pa rin ang dating.
“Nice place,” sabi ko nang makaupo.
“Thank you. It's my pleasure to meet the heir of VBC. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?” diretsong tanong ni Mr. Cheng matapos sumenyas sa tagasilbi. Naghain ng meryenda ang isang ginang. Mabuti na rin at nagtanong agad ang lalaki. Ayoko rin kasi ng marami pang paligoy-ligoy kaya agad kong sinabi ang pakay.
“It's about a girl. Nalaman ko na ikaw ang nakabili sa kanya,” simula ko. Nahinto naman ito sa tangkang pag-inom ng juice.
Kumunot ang noo ng matanda. “Sinong babae?” tanong nito.
“The one with the lowest price!” sarkastiko at pigil ang galit na sagot ko.
“Ahh . . . Baka iyong ini-alok sa akin kahapon? Virgin at batang-bata. Jockpot nga ako dahil napakamura lang,” anito sabay halakhak. Hindi man lang ako natawa sa kanya. Gusto ko itong upakan kung hindi lang ako nakapagtimpi.
“Ibigay mo siya sa akin. I want that girl so leave her alone!” mariin kong wika na ikinawala ng ngisi ni Mr. Cheng.
“I wonder why a young and handsome man like you—coming here just to ask for a cheap girl?”
“Don't dare calling her cheap!” asik ko na hindi napigilang tumayo. Alisto naman si Samuel sa pagpigil sa akin. Ang mga bodyguard ni Mr. Cheng ay agad bumunot ng baril kaya gumaya na rin si Samuel.
Sumenyas si Mr. Cheng sa mga tauhan bago bumaling sa akin. “Calm down, Villanueva. We're just talking here. Pasensya kana sa mga paranoid kong tauhan.”
Huminga muna ako nang malalim at kinalma ang sarili bago naupong muli. “Simple lang ang ipinunta ko rito, at iyon ay para utusan ka na ibigay sa akin ang kailangan ko. Kung susunod ka ay wala tayong magiging problema,” matalim ang tinig na sabi ko.
Napailing naman ang matanda. “Tsk, pumunta ka sa teritoryo ko para utusan ako? Hindi ka man lang ba natatakot na baka mapatay ka ng mga tauhan ko dahil sa kagaspangan ng ugali mo?”
Umingos ako saka yumuko sa kanya. “You can't kill me, Cheng. I'm a Villnueva. Kung papatayin mo ako ay para kang tumalon sa kumunoy.”
Napatiim-bagang din ang kausap. Tumikhim muna ito bago nagsalita. “I need that girl. Bakit ba hindi ka na lang humanap ng sa iyo? At ako pa talaga ang naisipan mong guluhin.”
“Kung babae lang ay hindi ko na kailangang bumili niyan. Hindi naman ako kagaya mong amoy lupa—oops! Sorry. Huwag mo na lamang alamin ang dahilan ko. Basta sa akin mo dalhin ang babaeng iyon bukas!” mariin kong wika.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...