Yuna
“Sweetheart, baka naman nagkakamali ka lang? I-check mo kaya muna sa bahay ang kwintas mo?” sabi ni Paolo na nakaupo sa kaniyang swivel chair habang ako ay hindi mapakali sa kalalakad sa loob ng kaniyang opisina.
“Kahit malabo na ang mata ko ay sigurado ako sa kwintas na iyon!”
“Paano naman mapapapunta sa batang iyon ang kwintas mo kung totoo man na sa iyo iyon, aber?”
Natigilan naman ako sa narinig. Paano nga ba? Naputol ang pag-uusap namin nang pumasok si Salud kasama ang aplikanteng may suot ng kwintas na kilalang-kilala ko.
“G-good afternoon po, Ma’am, Sir,” magalang na bati ng babae. Tumango kami rito saka sinenyasan ang sekretarya para iwan kaming tatlo. Gusto ko lang makatiyak tungkol sa kwintas na iyon. Ayokong ma-offened ang dalaga kaya nag-isip ako ng magandang sasabihin.
“Maupo ka, hija. May itatanong lang kami sa iyo,” saad ko.
Tikom naman ang bibig ni Paolo bagamat nakita ko na pasulyap-sulyap ito sa leeg ng dalaga kung saan naroon ang kwintas.
“A-ano po iyon? May mali po ba sa result ng interview kanina?” nag-aalala nitong tanong.
“Naku, wala!” mabilis kong sagot. “Alam mo kasi, malapit nang umalis ang secretary ng CEO ng VBC,” wika ko sabay sulyap sa asawa na tinaasan lang ako ng kilay. “Kaya naghahanap kami ng suitable mula sa mga nakapasang aplikante ngayon. Tatlo lang kayo na napipisil kong qualified sa position.”
“T-talaga po? Maraming salamat po!” natutuwa nitong tugon. Na-guilty tuloy ako. Totoo naman na malapit nang umalis si Salud pero may kapalit na ito mula sa kabilang department. Isa pa ay hindi pa ito nakakausap ni Paolo. Hindi nagha-hired ng baguhang secretary ang asawa. Ang gusto nito ay matagal na sa VBC at gamay na ang kalakaran bago niya piliin na maging sekretarya.
Kunwari ay tiningnan ko ang biodata ng dalaga. Vienna Marquez, 21 years old at taga-Marikina. Maganda ang record nito sa school at higit sa lahat ay mukha itong mabilis matuto. Kumunot lang ang noo ko nang mapansin na sa iisang school lang sila nanggaling ni Mirasol. At hindi lang iyon. Pareho rin sila ng lugar na tinitirahan.
“K-kaklase mo si Ms. Almario? Iyong aplikante rin kanina?” pasimple kong tanong. Napatingin din sa gawi namin si Paolo.
“O-opo.”
“Ah, ganoon ba?”
“Dati na rin po silang pinatira ng Daddy ko sa bahay namin. Matalino at magaling sa school si Mirasol, kaya lang po . . .”
“K-kaya lang ay ano?” kunot-noo kong tanong. Nawala saglit sa utak ko ang tungkol sa kwintas dahil na-curious ako sa sinasabi nito tungkol sa future wife ni Yuan.
“Pinalayas po sila dahil nagnakaw sa bahay namin ang kapatid niya at alam po namin na magkaka-sabwat sila.”
“Ha?” Napanganga ako saglit dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay nag-aalala akong sumulyap sa asawa na matiim na ngayon ang pagkakatitig sa dalaga.
Pagkuwan ay pilit kong hinuli ang tingin ni Vienna. Pakiramdam ko ay sinusupil lang nito ang kaniyang ngisi. Hindi ko alam ang tungkol sa issue nila pero kung bakit sinabi niya ang bagay na iyon sa amin ay isa lang ang tiyak ko. Hindi niya gusto si Mirasol at nais niyang siraan ito sa amin. Para tuloy akong napaso sa babae.
“Sorry po. Masyadong personal ang nasabi ko pero iyon po kasi ang totoo,” pagkasabi niyon ay ngumiti pa sa amin si Vienna.
Kunwari ay tumawa na rin ako. Kahit gusto kong kutusan ang batang ito. Pinarinig pa talaga niya kay Paolo ang lahat. Paano kung kumontra na naman ang asawa kina Yuan at Mirasol dahil sa sinabi nito na hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lang niya?
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomanceMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...