Chapter - 106

657 85 57
                                    

Paul Yuan

“Pauline?”

Nabigla ako pagkarating sa mansyon at makita ang bunsong kapatid doon. Hindi ko inaasahan na ito ang sorpresa ni Mommy. Biglaan ang pag-uwi ng dalaga kaya saglit akong natigilan nang makita ito.

“Kuya!” nakangiting bati ni Pauline saka ako sinalubong ng yakap.

“Surprise! Umuwi na ang kapatid mo!” boses ni Mommy na halatang masayang-masaya. And of course, si Dad na kahit tahimik ay batid kong siyang pinakanatutuwa sa pagbabalik ni Pauline.

“B-bakit wala ka manlang pasabi?” tanong ko matapos kaming magbitiw ng yakap.

“Kaya nga surprise, ‘di ba?”

Noong huli kong punta sa Italy ay nagkausap pa kami at pilit ko siyang kinumbinsi na umuwi na at tigilan na ang pagmumukmok doon pero ang sabi nito ay ayaw pa raw niya. Well, kung ano man ang dahilan ng biglaan nitong pagbabalik ay hindi na importante. Ang mahalaga ay narito na siya ulit. Umuwi na ang maid of honor ni Mirasol.

“Anong nangyari sa labi mo? Bakit parang may sugat?” biglang puna ni Mommy kaya iniiwas ko ang tingin. Subalit lumapit na ito at pinisil ang pisngi ko para iharap sa kanya. Lalo tuloy akong napangiwi sa sakit.

“Kuya?” nag-aalala ring sambit ng kapatid. Maging si Daddy ay kumunot ang noo habang binibistahan ako.

“Sinuntok ka ni Moneth?” nanlalaki ang matang bulalas ng ina.

“Of course not!”

“Sino iyon?”

“Kapatid ng Ate Mirasol mo. Siya lang ang alam kong pwedeng gumawa niyan!” tiim-bagang na sagot ni Mommy kay Pauline.

“Hindi nga siya, Mom!”

“E, sino kung gano’n?”

“Si Mico!”

Sabay pa silang nagulat sa sinabi ko.

“Dad, alam mo na naman ang ginawa ng lalaking iyon, ‘di ba? Desidido na akong ibagsak ang kompanya niya!” galit kong baling sa ama na tila nagpapaalam dito.

He just sighed and stare at my mother.

“Y-yuan, nag-usap na tayo tungkol diyan, a?” malumanay na saad ni Mommy. Natahimik naman ang kapatid ko sa tabi niya.

“I know, Mom. Pero nalaman ko ang mga pinaggagawa niya kina Mirasol noon! Hindi ko iyon pwedeng palampasin!” pagkasabi niyon ay ikwinento ko ang lahat ng mga nalaman. At gaya ng inaasahan ko, lahat sila ay nabigla.

“Mag-dinner na tayo. Kadarating lang ng kapatid mo. It’s rude na iyan agad ang isinalubong mo sa kanya!” ani Dad kaya medyo napahiya ako kay Pauline.

“Sorry, Pauline.”

“It’s okay, Kuya.”

Nagtungo kami sa table at nagsalo sa dinner. I sent a message to Mirasol at sinabing mali-late ako ng uwi sa condo. Though I know she needs me but I can’t leave the house immediately. Magtatampo ang kapatid ko kapag ginawa ko iyon. Sana pala ay dinaanan ko na lang muna ang nobya bago nagtungo rito. Hindi ko kasi ini-expect na si Pauline ang surpresa ni Mommy.

Pagkakain ay itinuloy namin sa table ang masayang usapan.

“Sweetheart, I want to give you a party. Matagal ka ring nawala at—”

“Dad, no need for that!” tanggi ni Pauline sa sinabi ni Dad.

“Ayaw mo, anak?” taka namang reaksyon ng aming ina.

Natahimik saglit ang kapatid ko at pagkuwa’y nag-aalalang sumulyap sa amin. “B-babalik din po ako ng Italy. Umuwi lang ako para magbakasyon.”

Kitang-kita ko ang paglaglag ng balikat ng mga magulang namin dahil sa sinabi ni Pauline. Iyon din ang hula ko kanina pero hindi ko na lang isinatinig. Lucas did something wrong to her! I really hate that man because of that.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon