Chapter - 129

776 91 58
                                    

Mirasol

Hanggang sa kwarto ay sumunod si Yuan ngunit wala akong pakialam! Nagpupuyos ang kalooban ko sa pinaghalo-halong emosyon at wala na akong makapang kahit ano sa dibdib. Kinuha ko ang bag at kahon na dating pinaglagyan ng mga gamit ko na naroroon pa rin. Buo ang pasya ko na umalis sa mansion na iyon. Sobra na ang kirot na nararamdaman ko at kung hindi ako lalayo sa kanilang lahat ay baka sumabog na ako nang tuluyan.

“Hindi ka aalis! Dito ka lang hanggang makasal tayo!” boses ni Yuan sa likod ko pero hindi ko pinansin ang binata. Mayamaya ay pagalhang niyang pinagtatapon ang mga iginagayak kong damit.

Blangko ang mukha na tumayo ako at hinarap siya. Sobrang dilim ng ekspresyon nito at dapat ay kabahan ako roon pero hindi iyon nangyari. Tapos na ang pagiging sunod-sunuran ko rito.

“Yuan, bakit hindi mo ako hayaan? This time, ako naman ang pakinggan mo! Gusto kong umalis sa bahay na ito!” serysoso kong wika.

“Mirasol, ako ang pakinggan mo! Nilagyan ni Shine ng pampatulog ang iniinom ko at pagkatapos no’n ay nagising na lang akong katabi siya! Pinipilit nilang mag-ama na pakasalan ko siya pero hindi ako pumayag. I tried to tell you about that pero ramdam ko na marami kang problema kaya hindi ko agad nasabi!”

“Oo! Napakarami kong problema! Patong-patong na ang isipin ko at dumagdag ka pa roon! Why, Yuan? Bakit mo ako sinaktan nang ganito? Ginawa ko ang lahat para sa relasyon natin. Sinunod kita sa lahat ng gusto mo! Pero sinaktan mo pa rin ako sa huli!” Naiiyak na naman ako nang sabihin iyon. “Kahit sabihin mo na sinet-up ka lang ni Shine ay natulog pa rin kayo sa iisang kama! Paano ka nakasisiguro na walang nangyari?!” dagdag ko pa.

“Of course, alam kong wala! Sigurado ako ro’n! Kaya please, Mirasol, don’t leave me! Patawarin mo ako!” pakiusap pa niya na hinawakan ang mga kamay ko.

Napatitig ako kay Yuan. Alam ko naman na nagsasabi ito ng totoo. Pero kahit isigaw pa ng puso ko na ipaglaban siya at huwag umalis ay kinokontra iyon ng aking utak! Wala na akong makapang kahit na ano sa dibdib. Maging ang pagibig ko sa binata ay tila natabunan na. Bigla ay hindi ko na nais makasama sa hinaharap si Yuan.

Naging tila impyerno sa akin ang mansion na iyon at ang dati kong paggalang sa mga magulang niya ay napalitan ng pagkasuklam. Paano ko iyon ipaliliwanag sa binata? Maniniwala ba siya kapag sinabi ko na manhin na ang damdamin ko?

“Aalis pa rin ako, Yuan!” mariin kong sabi pagkalipas ng ilang minuto.

“Mirasol, bakit nagbago kana? Ipinaliwanag ko na nga sa iyo ang totoong nangyari pero ayaw mo pa ring maniwala. O baka naman may iba kang dahilan?” tiim-bagang na saad nito.

“Anong ibig mong sabihin?” hamon ko.

“Ikaw ang nakakaalam niyan!”

“Tsk!” napailing ako. “Kahit anong sabihin mo ay aalis pa rin ako!”

“Ang I said no! You’ll stay here with me!”

Pagkasabi niyon ay umalis ito ng silid at hindi na ako nilingon pa. Nalaman ko na lang na ini-lock pala nito ang pinto sa labas. Hindi ko akalain na kaya akong ikulong ni Yuan sa kwartong iyon. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko?

Hindi ko na tinangka pang kumatok upang may magbukas ng pinto. Itinuloy ko na lang ang paglalagay ng damit sa kahon habang nag-iisip ng dapat gawin.

Kung magmamatigas ako kay Yuan ay tiyak na hindi ako makakawala sa binata. Kailangan kong umisip ng paraan para makaalis sa bahay na iyon.

Paul Yuan

Masakit sa akin ang nangyayari. Ngayon lang ako natakot nang ganito. Kung aalis si Mirasol ay baka hindi ko kayanin kaya minabuti ko ang ikulong siya sa silid. Sumabay pa sa problema sa VBC at gusto ko mang unahin ang dalaga ay hindi maari. Kailangan ko iyong ayusin lalo at involved doon si Tito Charls.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon