Chapter - 100

759 88 66
                                    

Mirasol

Pagkagising ko ay alas-siete na ng gabi. Nagulat pa ako dahil katabi ko na si Yuan sa higaan. Gusto kong maligo pero naisip ko na wala pala akong damit na naiwan dito maliban sa tatlong underwear at tsinelas na pambahay. Ganoon pa man ay dumiretso pa rin ako sa banyo. Hihiram na lang ako sa binata. Alangan namang ito pa ring office uniform ang isuot ko pagkatapos. Lalabhan ko na lang iyon para may maisuot bukas pagpasok sa trabaho.

Tapos na akong mag-shower at magtu-toothbrush na lang nang bigla kong marinig ang boses ni Yuan.

“Babe!” tawag nito.

Hindi ako sumagot at nagsipilyo sa harap ng salamin. Mayamaya ay naroon na rin ang binata sa loob at pupungas-pungas na nakatingin sa akin.

“Akala ko umalis ka, e!” anito.

Nagmumog ako bago humarap dito. “Wala akong isusuot, pahiramin mo muna ako,” saad ko sa lalaki. Cold pa rin ang aura ko.

“Gusto mo bang magpabili ako ng damit kay Samuel? Bukas pa ang mga mall at—”

“Huwag na. Uuwi rin naman ako bukas sa bahay,” putol ko sa kanya. Nakita ko ang pagtutol sa mukha ng nobyo pero tila hindi nito malaman kung paano magre-react.

Tapos ay bigla itong ngumiti. “O-okay. Sabi ko kasi sa iyo noon ay mag-iwan ka ng maraming damit dito o kaya ay kunin mo na ang lahat ng gamit mo sa bahay n’yo.”

“Bakit?” tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

“Anong bakit?”

“Bakit ko ililipat dito ang mga gamit ko? Tayo pa ba?” kunwari ay balewala kong tanong pero sa loob ko ay kinakabahan ako na baka bigla itong magalit. Subalit hindi iyon nangyari. Sa halip ay nginitian pa niya akong lalo bago inakbayan.

“Oo naman tayo pa. Hindi tayo maghihiwalay. Bati na tayo, ‘di ba? Nag-sorry na ako kanina. Gusto mo bang ulitin ko?” tanong pa nito. Ka

Kahit yata pakainin ko siya ng binurong mustasa ay gagawin niya ng mga sandaling iyon. Sayang naman. Sa susunod ay gagawa ako niyon para may maipakain dito. Parusa ko sa kanya dahil siguradong hindi siya kumakain ng ganoon.

“H-huwag na...” sagot ko.

Nakakapanibago talaga ang mood ng binata. Pero alam kong guilty lang siya kaya nagbabait-baitan ngayon.

Pinili ko ang isang mahabang t-shirt ni Yuan na lampas sa puno ng hita ko. At least ay hindi ako maiilang sa panty na tangi kong suot sa ibaba.

Pagkarating ko sa dining table ay nakahain na ang hapunan. Nakasuot pa ng apron si Yuan na parang siya ang nag-prepare ng lahat.

“I-ikaw ang nagluto nito?” tanong ko pa rin kahit alam ko namang imposible. Baka nga paglalaga lang ng tubig ay hindi pa nito nagawa. Ewan ko lang!

“H-hindi. Order ko iyan kanina at ininit ko lang sa microwave,” anito na parang sobrang proud na roon. Nag-init lang pala ng pagkain ay may pa-apron pang nalalaman. Mukha tuloy akong istriktang guro sa reaksyon ng mukha ko.

“May bisita ka ba kanina?” tanong ko ulit nang kumakain na kaming dalawa.

“Dumaan sina Xy at Patrick,” anito.

Kaya pala ang kalat, naisip ko.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin ay nilinis ko rin ang counter table at sala. Kakamot-kamot sa ulo ang binata habang pinanonood ako kaya taka akong tumingin sa kanya.

“Hayaan mo na lang iyan. May gagawa naman niyan,” anito.

Pero itinuloy ko pa rin ang paglilinis para asarin siya. Pagkatapos ay sinadya ko pang manood ng TV. Si Yuan ay nakailang baba at taas ng hagdanan na parang hindi mapakali. Naroong maupo ito sa tabi ko at nakinood kunwari, pagkuwa’y umakyat na naman sa kwarto at muling bumalik at tumabi sa akin. Wala tuloy akong maintindihan sa pinapanood. Ang ingay ng paglakad nito at pati pag-upo sa couch ay lumilikha ng tunog. Kunwari’y hindi ko alam na naiinis na siya.

Hello Again, Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon