Mirasol
Hindi ako mapakali nang makaalis si Patrick sa bahay namin. Ilang beses akong nagpabalik-balik sa silid ko habang hawak ang picture na bigay ni Trisha. Wala akong larawan noong bata pa kaya hindi ko alam kung ano ang hitsura ko noon. Pero ngayong nakita ko na ay may naalala ako.
Tandang-tanda ko ang picture na nakita ko noon sa wallet ni Yuan noong kinuha ko ang pera niya roon. Sigurado ako na ako iyon. Pero bakit? Paano siya nagkaroon ng picture ko? Gulong-gulo tuloy ang utak ko sa kaiisip ng maaring maging dahilan niyon.
Sa huli ay hindi ko na kinaya ang mga isipin. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang numero ng nobyo. Panay ang kagat ko sa daliri habang nagri-ring ang linya. Sana lang ay sagutin ng binata.
“What?”
Muntik pa akong mapalundag nang sa wakas ay sagutin nito ang tawag. Halata pa rin sa tono nito ang kalamigan subalit binalewala ko iyon.
“M-may itatanong sana ako—”
“Busy pa ako! Importante ba iyan?” pasuplado nitong putol sa akin.
“Oo, importante!” diin ko.
“Ano ba iyon?”
“May nakita ako noon sa wallet mo na picture ng isang batang pulubi. S-sino iyon?” nanginginig sa antisipasyon na tanong ko.
Tila naman ito natigilan. Natahimik ang kabilang linya at tanging buntong-hininga lang ni Yuan ang naririnig ko.
“Y-Yuan?” patanong kong untag nang mainip.
“I-ikaw. Ikaw iyon . . .” he answered.
Mariin akong napapikit. Para bang may nabubuong puzzle sa utak ko. Ngunit gusto kong sa kaniya mismo marinig.
“Bakit? B-bakit ka may picture ko noong bata pa ako?”
“Bakit ka ba puro tanong? Pwede bang mamaya na lang? May meeting pa ako ng—”
“Sagutin mo muna!” gigil kong saad sabay hinto. “Please, B-babe?”
“Tsk!” anito. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na kunot na kunot ang noo nito.
“Babe?”
“Mahirap ipaliwanag, eh. Pero noon pa man—mahal na kita . . .” halos anas lang ang huli niyang sinabi ngunit tila naging sigaw iyon sa tainga ko.
Imposible! Tatlong taon lang yata ako sa larawan na iyon—paanong . . . Hays! Mahal niya ako noon pa man? Ibig sabihin ay kilala na niya ako noong bago pa lang kami mangamuhan sa kanila? Oo, mahirap paniwalaan ngunit totoo ang lahat. Totoo ang nakasulat sa likod ng lumang larawan na bigay ni Trisha.
Wala sa loob na binasa kong muli ang sulat-kamay ni Trisha noong bata pa.
Dear Mirasol,
Huwag kang lalaki agad. Sabi kasi ni Yuan sa akin ay magiging asawa ka niya paglaki mo. Salbahe siya kaya huwag mo siyang pakakasalan! -Ate Rina.Nagsasalita pa si Yuan ngunit agad ko nang pinatay ang tawag. Pagkuwa’y madali akong bumaba ng hagdan. Pupuntahan kong muli ang nobyo.
PARANG sasabog ang dibdib ko habang nagba-byahe patungo sa condo unit ng binata. Doon na ako dumiretso dahil alas-singko na. Kung sa VBC pa ako tutungo ay baka hindi ko ito abutan. Matyaga akong naghintay sa parking lot habang pina-practice ang sasabihin sa nobyo.
Yuan, mahal na mahal kita. Mataas man ang pangarap ko pero hindi ibig sabihin niyon ay balewala kana. Dahil mawawalan ng saysay ang mga iyon kung hindi kita kasama sa pagtupad nito. Ikaw, higit sa lahat ang pinaka-mahalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Hello Again, Mr. Billionaire
RomantizmMatinding paghahangad ang naramdaman ni Yuan para kay Mirasol sa una pa lamang nilang pagkikita. Ang hindi makontrol na pagnanasa ng binata para dito ang naging dahilan ng kanilang pagkakalayo. Sa muli nilang pagkikita ay ginawa niya ang lahat para...