SULYAP SA NAKARAAN

3K 57 2
                                        

"Hi Spookify! I was a silent reader of your page. Now lang nagkaron ng time to share my experience. Actually, madami akong paranormal encounters but this one was the most remarkable. Not about ghost nor entities alike but something to do with the past life. Around 2012 or 2013 nagyari to, I used to see someone's past life na may kinalaman naman sa present life ko. The setting was way back in late 1800's or early 1900's pa based sa kasuotan nila. I can feel that time that I was just dreaming but I didn't know na Astral Projection na pala yun or time travel.

Ooops, pasensya sa long intro. So here it is..

Nasa loob daw ako ng room ng isang mayamang pamilya based sa gamit and furnitures nila sa kwarto, kita mong may kaya sila, puro narra yung gamit and yung bed nila may kulambo at malaking malaki. I saw a 3 girls na magaganda and mestiza with brown curly hair and brown eyes pero mukhang matataray sila. I can see them vividly pero di nila ko nakikita. Yung age siguro nila were: early 20's yung eldest, lets call her Alicia (not her real name though). Then yung second naman, lets call her Aurora (not real name though) 18 or 19 yung age niya. Tapos 12-15 years old naman yung youngest, lets call her Amanda (not her real name though). Parang nagtatalo si Alicia and Aurora pero si Amanda, walang pakelam sa mga ate niya. Nakaupo lang sya sa harap ng mirror dresser and naglalaro ng mga ribbon na nasa box na maganda. Yung box na yun was square na may magandang design and laman niya  mga laso na ipon nilang magkakapatid and yun din bonding moment nila. But that day was different, kasi may malaking pagtatalo yung 2. Parang sa pagkaka intindi ko, (di ko sila naririnig pero nauunawaan ko yung nangyayari based on their actions) ipapakasal daw kasi si Alicia dun sa nobyo ni Aurora (let's call the boy, Dario) kaya nag aaway sila. Tapos nag iba na yung day, mismong araw na daw ng wedding kasi aligaga yung mga tao sa labas ng bahay parang fiesta and naka all white sila na gowns kaso.. Wala pa sa baba si Aurora so inakyat nila yung room tapos pag open nung pinto ayun.. Naka hang si Aurora sa kisame gamit yung ribbon and laces na ipon nilang magkakapatid. After that nagkagulo na ang lahat and dun na ko nawala sa eksena, nakabalik ako sa body ko pero nagising akong umiiyak at mabigat na mabigat ang loob.

Fast forward, May 2014, libing ng Tita ko so nung pauwi na, dun kami sumakay ng kapatid ko sa car ng isa pa naming Tita (na super gifted sa paranormal encounters). Nagkakwentuhan kami and naopen up ko sa kanya ang tungkol dun sa panaginip ko. Pero nagulat ako the same old feeling came back na parang ang sikip ng dibdib ko and naiiyak ako habang nagkukwento. But, di pa masyadong naguumpisa yung kwento.. Tinuloy na ng Tita ko, super detailed pati yung muebles sa kwarto ng magkakapatid even the chairs and bed tska yung box ng laces and ribbons nakita pala ng Tita ko sa vision niya. Yun pala habang nagkukwento ako, pinuntahan niya na kaya pala sumasakit ulo niya habang nag dadrive and mabagal ang takbo ng car. Then after some confirmations about the family and their house, she then warned me..

T: ""Mag iingat ka. Lagi ba kayong nagsisimba ng BF mo ngayon? (lets name him Gio, not his real name though) Alam mo sya yun! I mean, sila yun! Ilan silang magkakapatid?""
M: Lima po.
T: ""Siya bunso, tama? Tapos 3 girls yung nauna sa kanya? Panganay nila ay lalaki din pero walang pakialam sa family nila?""
M: ""Hala! Pano mo nalaman, Ta?""
T: ""Nakita ko sila dun sa past pero hindi sila magkakapatid dun. Mahilig sya sa accessories or may bagay na lagi syang suot?
M: ""Opo. Silver dogtag tska silver bracelet.""
T: ""Noong past life niya, ganun din sya pero noon, as in gold talaga suot niya kasi mayaman nga sila, malaki ang lupain. Tapos yung mga Ate ni Gio now, mukha silang matataray pero mababait naman din. Yung pinaka bunso, sya din yung bunso sa panaginip parang walang pakialam sa mundo, happy-go-lucky lang sya. Then yung panganay at pangalawa dati, sila din yun sa present life nila ngayon. Pero mas mag iingat ka dun sa pangalawa! Close ba kayo?""
M: ""Sakto lang po. Nagkakausap naman kami pero mataray talaga yun eh!""
T: ""Kaya mag iingat ka sa kanya. Ganito kasi yun, sa past life nila, si Gio ay si Dario na syang nobyo ni Aurora, tama? Pero yun nga ipapakasal sya kay Alicia kasi kailangan na nila yung lupa ng magulang nung 3 babae. Di natanggap yun ng Ate niya ngayon sa present life kaya nag suicide sya sa past life niya. And now, sa generation ngayon ginawang magkakapatid na lang sila para maiwasan yung malagim na trahedya na yun sa pamilya nila. Siya kasi yung tunay na nagbabantay at nagmamahal kay Gio na kapatid na nga niya ngayon sa present life kaya mag iingat ka sa kanya. Diba, may nunal sya malapit sa mata? At malalim syang tumingin sayo? Kasi nga may selos sya sa mga taong napapalapit and minamahal nung guy na binabantayan niya. Kaya napanaginipan mo yung scenario na yun para mag iingat ka sa kanya kasi pag sinaktan mo si Gio (na nobyo niya noon sa past life as Dario) maghihiganti sya sayo sa generation ngayon! Di natin alam sa paanong paraan kaya magsimba kayo lagi at magpabless kayong dalawa ni Gio! Wag mo na lang pansinin yung Ate niya na yun kasi talagang aawayin ka nun para masira kayo!""

So ayun, naunawaan ko na. And now, kasal na kami ni Gio pero di niya pa alam tong story na to. True to my Tita's words, lagi nga akong inaaway ng Ate niya sa di malamang dahilan. Sana nagustuhan at naunawaan niyo ang story kahit mahaba. Hehe!

PS: I'll send more of my paranormal experiences once this one gets posted. Thank you, Spookify!"

oldsoul*1292
Bulacan

Spookify Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon